The white delicate drapes and rose petals swayed along the majestic mountains of Batanes. The red carpet was elegantly stretched in the center of the venue, and the peaceful music soothed our ears.
"Mommy!" Bumaba ang tingin ko kay Tati na nakaupo sa tabi ko. She beamed. "You are so beautiful."
Nag-init ang puso ko dahil tinawag niya talaga ako para lang sabihin sa aking maganda ako. I planted a soft kiss on her forehead.
"Maganda ka rin. Sobrang ganda." I even motioned my hand to emphasize what I meant.
"Thank you!" she cutely said, looking around to enjoy the view.
Naupo ang lahat nang pumwesto si Kuya sa harapan. He seemed anxious as he waited for Achi to walk down the aisle. His entire focus was on the bride, who stood at the edge of the carpet, smiling at him. He married her on her birthday. Sobrang nakakasaya sa puso ang kinahinatnan nilang dalawa.
Tumayo si Tati para kunin ang basket niyang puno ng bulaklak. She's one of the flower girls. Habang naglalakad ang anak ko sa carpet, panay ang kuha ko ng pictures. Si Aid naman sa kabilang banda, ginagamit ang camera niya para i-video si Tati.
Achi walked slowly along with the music. Nakatingin lang ang dalawang ikakasal sa isa't isa. Mahina akong natawa nang nakitang umiiyak na si Kuya.
The whole ceremony was extremely harmonious and sacred. Everyone was hushed, and all we could hear were the couple's jubilant weeps. I mean… come on, getting married is a dream. Sinong hindi maluluha?
Nang matapos ang kasal, ang naalala ko lang ay ang iyak ni Kuya. Parang mas marami pa yata ang naluha niya kaysa sa sinabi ng pari. He's very soft when it comes to people he loves.
"Happy birthday," bulong ko kay Saachi nang nasa reception na kami.
She wrapped her arms around me. "Thank you. Nakakaiyak! Asawa ko na talaga si Cy. Parang dati lang noong patay na patay pa ako sa kanya."
I chuckled, hugging her back. Napabitaw lang kami sa isa't isa nang sumingit si Zeke, gusto ring yakapin si Achi. Masama tuloy ang binigay na tingin sa kanya ni Kuya.
"Masarap ang pasta," komento ni Zeke habang kumakain kami.
Tumingin ako sa kanya. "Ano 'to? Food review? Tumahimik ka nga."
Aksidente kong nabaling ang mga mata sa mesa nila Aid. Team nila ang kinuha na photographer for today's event kaya iba ang mesa nila. Nahuli ko ang pasulyap-sulyap na tingin ni Aid sa mesa namin.
"Umuwi ako dahil sa kasal mo. Sinong mag-aakala na ang kasal pala ni Achi ang dadaluhan ko?" biro ni Zeke habang umiinom ng wine, naubos na ang kinakain.
I only smiled. Isang taon na rin naman ang nakalipas kaya wala na 'yon sa akin. Natatawa na nga lang ako habang iniisip kung bakit ako pumatol kay Zoren.
Lumapit sa akin si Zeke para bumulong. "Masama ang tingin sa akin ni Aid, beh."
Mahina akong tumawa. "Pabayaan mo na."
"Hindi ba kayo magkakabalikan? Maraming nag-aabang sa love story niyo," he whispered again.
Hindi ako sumagot. Maraming nagtatanong kung kami na ba raw ulit ni Aid. I didn't answer the question.
Aid provided me time, and I used it intelligently. I don't want to rush the process as I did before. Proven and tested na kapag minamadali ang mga bagay-bagay, mas mabilis na nasisira o di kaya'y nawawala.
"Flower tossing na!"
Nagkagulo ang mga tao habang pumupunta sa gitna para maghanda sa paghagis ni Achi ng bulaklak. Hindi ako sumali at nanatiling nakaupo, pinapanood si Tati na kumakain.
YOU ARE READING
Visual of Elysian (Abstract Series #2)
RomanceShe must be flawless in every way. There is no space for error, otherwise she will be labeled a futile daughter. However, with him, every flaws appears to be a beautiful fracture aligning with the perfect glass. The unblemished mask has a crack bet...