Chapter 11

73 10 12
                                    

"Here, Ava."

Natigil ako sa pagsusulat nang may inabot sa akin si Zeke. Namilog ang mga mata ko nang makitang iyong libro na limited edition ang binigay niya.

I hugged him out of joy, which drew a lot of teasing from our classmates.

"Si Zeke pala ang bet," panunukso ni Achi habang tinutusok ang tagiliran ko.

I laughed. Kahit sino na lang ang tinutukso niya sa akin. Hindi niya alam, sobrang gusto ko siya noon.

"Tumawa ka! Totoo nga! Grabe! Ito na ba ang simula ng ZeVa loveteam. Bongga, ZeVa?"

Mas lalo akong natawa sa kalokohan niya. Kahit si Zeke ay hindi rin napigilan ang tawa.

We became silent when Aid harshly stood up. Tinitigan niya ako habang humihinga ng malalim bago padabog na umalis ng classroom.

"Anong problema no'n? Palagi na lang nag-wa-walk out," nakangusong saad ni Achi.

Ngumiti lang ako. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Kahit hindi ko naman masyadong naiintindihan ang pinupunto niya, nakokonsensya pa rin ako.

I kept on giving my gratitude to Zeke and whenever I do, it never failed to gather teases from our classmates. Si Aid naman ay hindi na bumalik simula nang umalis.

Mabilis lang na natapos ang mga klase ko dahil puro discussions at quizzes lang naman. May binigay na coverage para sa gagawing quiz bukas sa History of Arts. Sobrang kapal ng libro. Parang mababaliw na ako.

Natigilan kaming pareho ni Aid nang pagkapasok ko sa loob ng condo, nakita ko siyang naglalaro ng video games sa tv.

My lips parted when he rolled his eyes at me. Grabe! Alam ko namang galit siya sa akin pero bakit ganito na katapang?

I just ignored him and went inside my room. Pagkatapos kong magbihis, nilabas ko ang binili kong snacks at ang libro ko. I opened my laptop and continued to summarize the longer version of the coverage.

"Gutom na gutom na ako!" rinig kong sigaw ni Aid mula sa sala.

My forehead creased but continued to do the work. Binuksan ko ang binili kong chichirya para may makain kahit papaano dahil wala akong plano na kumain ng dinner ngayon.

"Parang mamamatay na ako sa gutom!" he shouted again.

Losing my patience, I ordered food online. I rolled my eyes when he complained again. Pinaparinggan ba ako ng isang 'to?

Natawa ako nang tumahimik siya dahil sa malakas na tunog ng doorbell. Surely, it is the food I ordered. Siguro naman ay tatahimik na siya 'no?

When he became silent, I continued. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong babad sa libro nang tumunog ang phone ko.

My eyes widen when I checked it. Ngayon nga pala ang book signing ng favorite author ko! Mabilis akong tumayo at nagbihis. Lalabas na sana ako sa kwarto nang makita ko ang libro at notebook ko.

I groaned in frustration. Kailangan ko nga palang mag-aral! Pero ang favorite author ko! Minsan lang naman 'tong ganito!

Biting my nails, I called Kuya Cy. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.

"Kuya!" I panicked.

"What? Is something wrong?"

Nang marinig ko ang kaba sa boses niya, kumalma ako.

"Where are you?"

He sighed. "School. What's the problem?"

I chewed my lower lip. Ang rude ko naman kung sa phone call ko sasabihin.

Visual of Elysian (Abstract Series #2)Where stories live. Discover now