Chapter 36

88 11 22
                                    

"Ano na naman 'to, Ava?"

I shuddered when Zoren whacked pictures on my office's glass table. Tiningnan ko ang mga 'yon at napagtanto na kinuha ang mga ito noong gabi pagkatapos ng reunion.

"Zore—"

He pointed to the pictures. "Bakit may nakaluhod? Bakit umiiyak? Are you cheating behind my back?"

"No!" depensa ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya para subukan siyang pakalmahin. "Let me explain."

He pushed me, leading my body to smash with the wall. Napapikit ako sa sakit ng likod ko. Nakatayo lang siya habang galit na nakatingin sa akin.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Paano mo nasisikmurang gawin sa akin ito? I shared with you my past and my insecurities. Pero ginawa mo lang kung ano ang kinatatakutan ko!"

Napaiyak ako dahil sa mga salita niya at sa likod kong masakit. Sinubukan kong tumayo pero bumabalik lang din sa pag-upo.

"W-Wala akong ginagawang masama, Zoren." I cried. "That night, we had our closure. Hindi kita niloloko."

He approached me and brushed my face. Napapikit ako habang lumalabas ang mga luha sa mga mata ko.

How could he touch me so gently, as if he had never hurt me?

"Are you telling the truth?" he asked, smiling.

Tumango ako. Umaagos ang takot sa sistema ko na baka ano ang gawin niya sa akin. Napansin niya ang panginginig sa buo kong katawan kaya niyakap niya ako.

"I am sorry. Don't cry. Nandito na ako," he whispered, kissing my hair.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag noong nakaalis na siya. I crumpled against the wall and grieved, feeling completely worthless. How could I have authorized him to do that to me?

Natigil ako sa pag-iyak nang pumasok si Aid sa opisina. He was taken aback when he saw me on the floor. He approached me right away and stooped down to equal my eyes.

"Anong nangyari?" taranta niyang tanong.

"W-Wala." I wiped my tears and stood up. Medyo masakit ang likod ko pero hindi na katulad noong una.

"Ava!" he shouted. "Si Zoren ba? Nakita ko siyang lumabas mula sa opisina mo!"

Umiling ako. "Nadulas lang ako, Aid. Make no big deal out of this."

Napatingin siya sa mesa ko. My eyes widened when I saw the pictures were still there. Lumapit ako doon at mabilis na tinago ang mga 'yon sa drawer ko.

"Dahil ba sa akin? I-I am so sorry." Napahilamos siya sa mukha niya.

"Wala nga lang!" Ngumiti pa ako para pagtakpan si Zoren. "Nadulas lang talaga ako! Promise!"

He pinned his attention on me, and I knew that no matter how much I lied, he would always see through me. Because no one else in the world has the ability to read my mind. Siya lang.

"Sasabihin mo sa akin ang totoo o hahabulin ko ang gagong 'yon? Wala akong pakialam kung makasuhan ako, Ava!" he said in total seriousness.

Napaupo ako sa swivel chair ko. "Hindi niya naman sinasadya. Galit lang siya." It sounded like I was also convincing myself.

I shut my eyes as he smacked the wall. He seemed so infuriated and determined to attack. Lumambot ang mukha niya nang makitang umiiyak na naman ako.

Namayani ang katahimikan sa loob ng opisina ko. Nakaiwas siya ng tingin, ayaw makita ang tahimik kong pag-iyak.

I understand exactly why he's upset, and that anger can sometimes turn into violence. But I'm puzzled as to why he didn't help me. What kind of love could possibly be that way?

Visual of Elysian (Abstract Series #2)Where stories live. Discover now