Chapter 33

81 12 7
                                    

"Last na lang talaga!"

"Daddy naman, e! You told me that numerous times already!"

"Stop whining, little girl. Food will speed up your healing."

Tati scowled. "I'm already okay!"

"No!" Umiling si Aid. "Look, oh! You still have rashes all over your body!"

Natatawa na lang kami ni mommy habang nakatingin sa kanilang dalawa. Si Kuya naman ay tahimik na nanonood pero may maliit na ngiti sa labi.

Sinabi ng doktor kanina na pwede nang i-discharge si Tati pero nagpumilit si mommy na 'wag muna. At last, it was agreed that Tati would be released the following morning.

"May duty ka pa Kuya, 'di ba?" Nilingon ko si Kuya na nakakrus ang braso, seryoso na ngayon na parang may iniisip.

He glanced at me. "Yes. I need to go. Babalik na lang ako bukas."

Lumapit siya kay Tati at hinalikan sa noo ang bata. He extended his goodbyes to us before he gave Aid a nod, leaving the room.

"Is something wrong with Kuya?" tanong ko kay mommy dahil baka napansin niya din ang mood ni Kuya ngayon.

She exhaled a deep breath. "Ano pa ba ang problema? Siguradong si Achi na naman ang iniisip no'n."

Natahimik ako at napagtantong mukhang tama siya. Maybe seeing Tati and Aid earlier triggered his yearning for Achi because they could have been a family if that awful tragedy hadn't happened years ago.

"Uuwi na rin ako. My back hurts from all the sitting," Mom grumbled as she stood up. Tiningnan niya ako. "I will notify the company that you will not be physically there tomorrow. Kinuha ko ang schedule mo bukas at wala ka namang mga importanteng meeting. Just spend the entire day tomorrow with your daughter."

"Thank you, Mommy." Ayaw ko naman kasing iwan agad ang anak ko. I don't want her to think I'm only there whenever something bad strikes her. I don't want her to be treated in the same way I was handled many years ago.

"Aalis na ang Lola," paalam ni mommy kay Tati. "Be a good girl and sleep early, okay?"

"Yes, Lola!" bibong sagot ng bata.

Hinatid ko si mommy sa labas ng hospital. When she hopped inside the car, she opened the window and peeked at me.

"Hindi ka ba uuwi ngayon?" she asked.

I shook my head. "Dito na lang ako matutulog." Nakauwi naman na ako kanina para magpalit ng damit.

Tumango-tango siya at nagpaalam bago inutusan ang driver namin na patakbuhin na ang sasakyan.

Nang makabalik ako sa hospital room ni Tati, nagtatawanan silang dalawa ni Aid dahil mukhang may kinukwento ang lalaki sa kanya.

Parang hindi nila napansin ang pagpasok ko kaya tahimik kong sinara ang pinto at sumandal sa dingding, nakakrus ang braso habang pinapanood sila.

"Your mother was a very intimidating woman back then! All she did was roll her eyes at me!"

Kumunot ang noo ko nang malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. How dare this guy!

"Really?" hindi makapaniwala na tanong ni Tati. "But my mommy is so nice and compassionate to me. She has never tried rolling her eyes at me!"

"She hates me back then," tumatawang sagot ng lalaki.

"So, she loves me!" saad naman ni Tati.

Aid ruffled her hair and smiled. "Of course, my little rockstar. Who wouldn't love you?"

Visual of Elysian (Abstract Series #2)Where stories live. Discover now