Epilogue

217 16 15
                                    

"We should love our neighbors…"

Napatingin ako sa babaeng katabi ko sa simbahan. Hindi ko na mabilang kung ilang milyong sulyap na ang binigay ko sa kanya. Bakit sa ilang beses kong nagsimba, ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda? At ngayon pa na simpleng shirt at maong na pants lang ang suot ko!

Si mommy kasi! Ayaw ko sanang magsimba pero pinilit ako kaya sa inis, ganito lang ang naisuot ko. Ito ba ang parusa ng pagiging tamad kong magsimba?

"Tumayo po tayong lahat para kantahin ang Ama Namin."

Nang nakitang tumayo ang mga tao, sumunod ako. Kanina pa seryoso itong nasa tabi ko. Mukhang iniisip niyang magkakaroon siya ng kasalanan kung aalis ng kahit ilang saglit ang mga mata niya sa altar.

"Hawakan po natin ang kamay ng isa't isa para ipabatid ang pagkakaisa."

I pucker my lips, attempting to hide my smile. Mahahawakan ko ang kamay niya! Ewan ko ba sa akin! Ngayon ko lang naman nakita ang babaeng 'to pero lakas ng hatak sa akin!

Hinawakan ko ang kamay niya pero sobrang natulala ako nang binalingan niya lang ako ng tingin bago binawi ang kamay niya. Did she really turn down my hand?

I licked my lower lip, squeezing my eyes shut. Ang lala na talaga ng tama ko! Bakit mas kinikilig pa ako sa pagsusungit niya?

"Sandy! Dani!"

Nang natapos ang misa, natigil kami sa paglalakad palabas nang may tinawag na mga pangalan si mommy. A group of people came to a halt and turned to face us. Namilog ang mga mata ko nang makita ang babaeng katabi ko kanina.

"Sino sila, mommy?" pabulong kong tanong sa kanya habang naglalakad palapit sa amin ang tatlong tao.

She whispered back. "Mga Ledesma."

"Georgia," sabi ng ginang at humalik sa pisngi ni mommy.

The two guy adults greeted each other by nodding while I was left staring at their daughter with total admiration. Mas maganda pala siya ngayon na mas maayos ko na nakikita ang mukha niya! Her brown eyes, together with her small curls at the end of her hair, emphasized her aristocratic vibes. Her complexion was well tanned, which complemented her whole appearance.

"Sigurado akong pa kilala ng unico hijo niyo ang anak namin," Mr. Ledesma said.

Excitement filled inside me. Malalaman ko na ang pangalan niya! Add ko nga sa Facebook mamaya. Ifo-follow ko rin sa Instagram.

"This is Ava, hijo," Mrs. Ledesma introduced her daughter.

Ngumiti lang ng pilit ang babae bago umiwas nang tingin, halata sa mukha ang kagustuhang umuwi. I licked my lower lip, staring at her. She's very beautiful. No… words were not even enough to describe her greatness.

Nang makauwi kami, wala akong sinayang na oras at hinanap ang social media accounts niya, pero wala akong nakita. I had no choice except to call my mother, who is undoubtedly back at our company.

"My…" simula ko. She didn't say anything. "About sa babae kanina doon sa church. 'Yong maganda na morena. Ano pangalan no'n?"

Tumaas ang kilay ko nang tumawa siya na parang alam na kung bakit ko tinatanong. Agad akong tinablan ng hiya.

"Why? Gusto mo?" she asked.

I heaved a deep sigh. "Pamilyar lang. Parang nakita ko na dati. Hindi ko lang maalala," I lied to avoid receiving teases from her.

"Oo na! Elysian Ave Ledesma," she responded.

Napapikit ako habang nakahawak sa dibdib. Pucha! Bakit pati pangalan sobrang ganda? May parte man lang ba sa kanya ang hindi maganda?

Visual of Elysian (Abstract Series #2)Where stories live. Discover now