LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing
Kabanata 2
NALAMAN ni Yzaira na ang ama pala ni John Ricky ang nasa opisina. Nagbakasyon pala ang taong pinakasadya niya. Pinagbuti na lang muna niya ang kanyang trabaho.
"Miss Mabini, maari ba akong manligaw sa'yo? Ang ganda mo talaga at ang sipag pa," sabi ni Luke.
"Sorry Luke, may hinihintay kasi akong tao at siya lang ang mamahalin ko," tahasang saad ni Yzaira sa kasamahan niya sa trabaho.
"G-ganoon ba? Sayang at nahuli pa talaga ako," anito.
Ngiti lang ang naging tugon ni Yzaira. Gwapo rin naman ang lalaki at mabait pero hindi ito ang prayoridad niya ngayon.
MABILIS lumipas ang isang buwan na pagtatrabaho ni Yzaira sa JOR Enterprises. Mabilis ding natutunan ang pasikot-sikot ng kanyang trabaho.
"Miss Mabini!" tawag ni Arnald Soledad kay Yzaira na kauupo pa lang sa assigned table nito.
"Sir?" Tumayo si Yzaira nang lumapit ang kanyang general manager.
"May mga files na kailangan e-print, ikaw na bahala rito. Kunin mo sa table ko. Aalis kasi ako para sa delivery ng mga ibang equipment."
"Sige po Sir," aniya at pinuntahan na ang maliit na opisina ng general manager. Kinuha ang iilang files doon.
Sumakay sa elevator pababa ng first floor, nasa second floor kasi ang puwesto niya. Dere-deretso sa paglakad nang tumunog ang cellphone niya sa bulsa sa suot na pantalon.
"Ouch!"
"Oh my God!" si Yzaira na agad pinulot sa sahig ang mga nagkalat na files. "Sorry po!" hinging paumanhin niya sa taong dumaing nang mabangga niya ito.
"Careless!" mahinang usal ni John sa babaeng aligaga sa kapupulot ng mga papel na nagkalat sa sahig. Hindi kasi ito tumitingin sa dadaanan nang bumukas ang elevator. Nasa bulsa nito ang paningin na tila may kinukuha.
"Sorry talaga Si----" Natigilan si Yzaira nang siya'y tumayo at hawak na muli ang mga files. "John Ricky Matias?" mahinang usal niya. Tiningnan niya maigi ang mukha nito at 'di nga siya nagkakamali, ito nga ang lalaking hinihintay niya.
"Excuse me!" saad ni John na agad pumasok sa loob ng elevator. Nagtama pa ang paningin nila ng babae nang lumingon pa ito bago magsara ang pinto ng elevator.
"Who's that girl? Nagtatrabaho siya rito?" naitanong niya sa sarili. Kilala niya lahat ng kanyang employees kaya alam niyang 'di pa niya ito nakakasalamuha. Maganda ang babae, halos isang dangkal lang ang tangkad niya mula rito. Matangos ang ilong at katamtaman ang kapal ng labi. Sexy rin ang katawan, parang alaga sa diet dahil walang makikitang tabang babakat sa suot nitong fitted dress.
"Fucking mind!" mura niya sa sarili, paano kasi, memoryado niya agad ang panlabas na anyo ng babae.
"Good morning Sir! Welcome back po!" anang mga emplayado.
Tanging tango lang ang naging tugon ni John sa mga ito. Tila nasabik siya sa kanyang opisina. Isang buwan talaga siyang nawala, kundi pa tumawag ang kanyang kapatid na kailangan niya nang humalili sa office ay 'di pa siya uuwi. Inatake na naman kasi ng rayuma ang kanyang ama.
"Good morning Sir! May mga files po kayong kailangan mapirmahan, kaso nasa baba pa po ata," saad ng secretary na may hawak ng kape para kay John.
"Okay, thank you!" aniya sabay bukas ng computer. Kailangan niya e-check ang mga datas no'ng 'di siya ang namahal nito.
"MISS MABINI! Please forward that files to Sir John, hinihintay na niya 'yan." anang secretary.
"Yes po." Tumalima naman agad si Yzaira. Kinalma muna ang sarili bago kumatok sa pinto ng opisina.
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomanceLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
