LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni
Kabanata 3
"AKO na ang maghahatid sa'yo."
Nagulat si Yzaira sa sinabi ni John na nagsalita mula sa kanyang likuran. Labasan na naman kasi ng mga nagtatrabaho, at siya'y abala pa sa pagliligpit ng kanyang mga gamit sa mesa.
"Hintayin mo lang ako saglit," ani John saka na humakbang paalis sa marketing department.
"OMG! Iba talaga 'pag maganda oh, napansin agad ni bossing."
Napailing at napapangiti si Yzaira sa sinabi ng kanyang kasamahan na babae. Nag-reretouch ito ng make-up malapit lang sa assigned table niya kaya narinig nito ang sinabi ni John.
"Kung naging singyaman lang siguro ako na tulad ni Sir Matias, makikipaglaban sana ako rito sa panliligaw," sabat ni Luke. Paalis na rin siya nang makita ang paglapit ni John, ang boss nila sa hinahangaan niya ring si Yzaira.
"Luke, hindi ako mukhang pera. Nagkataon lang na pareho kami ng nararamdaman ni Sir, sana'y maunawaan mo," ani Ella sa lalaking unang nagtapat sa kanya ng pag-ibig.
"Hoy! Dami mong drama! 'Lika na nga!" yakag ng babaeng katrabaho kay Luke na may lungkot pa rin sa mga mata.
"Tara na," si John na nagpatiunang naglakad. "Nagugutom ako kaya kain muna tayo," dagdag pa nito.
"Ikaw ang bahala. Ikaw naman ang boss eh!" nakangiting sagot ni Yzaira.
Dumaan sila sa isang mamahaling restaurant. Nakasunod lang si Yzaira kung ano man ang gusto ng binatang boss.
"Tapatin na kita Sir, bakit mo ginagawa ang mga 'to? Isa lang akong simpleng empleyada, ba't parang binibigyan mo ako ng special treatment?" tanong ni Yzaira. Ayon sa kanyang pananaliksik, ayaw ni John ng babaeng pakipot.
Nagulat naman ang binata sa kaprangkahan ng babae pero gusto niya ang ganito. "G-gusto kita Miss Mabini, at kung papayagan mo akong pasukin ang mundo mo ay ikakatuwa ko."
"Pareho tayo ng nararamdaman, Sir. Gusto ko maging parte ng buhay mo. Hindi lingid sa akin ang nangyari sa'yo, sana ako ang maging dahilan mo para matuto ka muling magmahal."
Halos 'di magalaw ni John ang pagkain sa halo-halong emosyon. Paghanga at saya ang kanyang nararamdaman habang kaharap ngayon ang babaeng tila humigop sa lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. "Salamat at nakilala kita."
"Ako rin Sir," sagot ni Yzaira.
"Tawagin mo akong John or Ricky, pwede?"
"Sige J-john."
MATULING lumipas ang mga araw. Mas napadalas ang pagyayaya ni John sa date. Halos lahat ay alam nang may something na sa dalawa.
Nang makauwi si John galing sa paghahatid kay Yzaira. Dumaan muna siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang nobya.
"Lovina, gusto ko sanang magpaalam sa'yo. May mahal na ako, kapantay sa pagmamahal ko sa'yo. Sana, masaya ka para sa akin. 'Wag kang mag-alala, 'di kita makakalimutan," aniya sa harap ng puntod nito bago umalis. Sigurado na siya sa kanyang nararamdaman. Mahal na niya si Yzaira kahit 'di pa niya ito gaano katagal na nakikilala.
"Si daddy?" tanong ni John sa kasambahay nila ng siya'y dumating na sa bahay.
"Nasa kuwarto niya po ata, Sir."
Deritsong pumasok si John sa silid ng kanyang ama.
"Oh hijo," anang matanda. Matutulog na sana siya pero parang may kailangan ang kanyang anak na parang 'di na ito kayang ipagpabukas pa.
"Dad, nais ko sana sabihin sa'yo na, may dadalhin akong babae bukas dito. Gusto kong makilala mo siya."
"Aba oo naman. Masaya ako para sa'yo John, sana ngayon ay magkaroon na ako ng apo sa'yo."
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomanceLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
