Chapter 11

85 6 0
                                        

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 11

HINDI nagpapigil si Yzaira, umalis siya't umuwi ng kanyang bahay.

"Mabuti naman at bumisita ka rito anak. Aba kahit ilang araw pa lang kayo doon ay nangulila agad ako sa inyo."

Naawa si Yzaira sa kanyang ina. Nag-iisa na lang 'to kaya sigurado nalulungkot ito. "Pasensiya na po."

"Naku ayos lang anak! Natural lang kasi may sarili ka ng pamilya. Oh, akin na si baby Jairo, at maasikaso mo na ang shop.

"Yzaira!"

"Francis!" tugon niya. Saktong papasok na sana sa shop.

"Thanks God, you're here! Saan ka pala nagpunta?"

"Do'n tayo sa loob," yakag niya rito at isinalaysay ang lahat.

"May asawa ka na pala. Sana maging masaya ka sa piling niya. Huwag kang mag-alala, nandito pa rin ako sa'yo, hindi magbabago."

Natuwa si Yzaira sa madaling pagtanggap ni Francis. Kahit papaano ay magkaibigan pa rin sila.

NANG bumalik si Yzaira sa bahay nila ni John, nakagarahe na sa loob ang sasakyan nito.

"Talagang ikaw ang nasusunod 'no!" galit na salubong ni John.

Lumapit ang Yaya kay Yzaira at kinuha ang bata. Hindi naman pinansin ni Yzaira ito at nagtuloy lang siya sa taas.

"Pasalamat ka at kinausap pa kita sa kabila ng lahat na nagawa mong kasalanan! Kaya sundin mo kung anong batas ko!"

Napaharap si Yzaira kay John na nakasunod lang sa kanya. Parang tinusok ang puso niya sa sinabi nito. Nangingilid ang kanyang mga luha nang tinitigan niya ang lalaking tila kay hirap nang maibalik sa dati. Hindi niya magawang ibuka ang bibig para magsalita dahil 'pag ginawa niya 'yon siguradong sasabay ang kanyang mga luha.

"Next time sundin mo ako!" ani John sabay baba. Ewan niya ba't nakaramdam siya ng kakaiba, parang naawa siya nang makita niya ang munting luha na nagtatago sa sulok ng mga mata nito.

Nang makapagbihis si Yzaira ay pinasok niya ang kuwarto ng kanyang baby. Minsan dito siya natutulog 'pag gusto niya siya ang magbantay sa kanyang anak. Tatlo kasi ang kuwarto sa taas, tig-iisa sila. Nang malamang mahimbing na ang pagtulog nito, bumaba siya. Nakita niyang umiinom si John. Napaatras siya't bumalik sa taas. "Himala na uminom siya rito. Lagi naman siya sa labas umiinom. Siguro kasama pa niya 'yong Shirley na 'yon!"

"Damn this feeling!" kastigo ni John sa kanyang sarili. "Hindi dapat maging madali lang sa kanya ang lahat! Kailangan niya magdusa't umiyak, katulad sa nangyari sa akin! Hindi ka dapat maawa at magselos, ikaw ang gumawa ng batas na walang pakialamanan!" galit sa sarili na tinungga ang laman na alak sa baso. Muling siyang agsalin ng alak nang mag-ring ang phone niya.

"Hello!"

"Hi babe! Malamig ang panahon ngayon, gusto mo ba painitin ko?" ani Shirley sa kabilang linya.

"I'm busy," sagot ni John sabay off ng cellphone niya. Nakukulitan na siya sa babae. Ang totoo simula nang magkita muli sila ni Yzaira, biglang nawala ang pagnanasa niya rito at iyon ang kinaiinis niya. Sinubukan niyang muli na makipagtalik dito at iyon na ang huli dahil no'ng magtalik sila ay si Yzaira ang nakikita niya't hindi ang kanyang sekretarya.

Hatinggabi nang magising si Yzaira. Nakaramdam kasi siya ng pagkaihi. Nang matapos ay bumaba siya para uminom ng malamig na tubig. Alam niyang tulog na ang lahat, siguro pati si John dahil wala na ito sa sala. "Baka umalis at do'n na naman natulog." Muling naramdaman niya ang kirot sa kanyang puso.

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon