Chapter Ten

92 5 0
                                        

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 10

"MAGANDANG ARAW PO!" si John na maaga pang pumunta sa bahay ni Yzaira. Hindi na siya pumasok sa opisina dahil 'di rin naman siya makapagpokus sa trabaho.

"H-hijo nandito ka pala. Pasok!" si Aling Yna.

"Si baby po?"

"Nasa kuwarto tulog na ulit. Akyatin mo na lang."

"Sige po," sagot ni John. Dalawang kuwarto sa taas kaya nanghula na lang siya nang kinatok na silid.

"S-sino po kayo?"

"Nasa loob ba ang anak ko? Yaya ka ba niya?"

"Opo Sir, sige pasok po kayo," anang Yaya saka lumabas ng kuwarto.

Napapangiting pinagmasdan ni John ang kanyang anak na payapang natutulog. Inilibot niya ang paningin sa loob, nakita niya ang isang photo album. Kinuha niya ito at binuklat. Nahimas niya ang litrato ni Yzaira na malaki ang tiyan pati ang bagong panganak niyang sanggol.

"Kung 'di ka sana nagloko, kung nagtanong ka lang, o nag-usisa, sana nasa tabi ako sa inyo noon ni baby sa unang paglabas niya sa mundo." aniya.

Ibinalik niya ang photo album sa kinalalagyan at hinalikan muna ang anak bago lumabas.

"Si Yzaira po?" tanong ni John sa ina nito.

"Hindi mo nakita? Nasa tabi lang siya  nitong bahay namin, 'yang shop na katabi nito ay sa kanya 'yan. Nandoon siya, doon mo na lang puntahan."

"Sige po, salamat."

"FRANCIS!" Nagulat si Yzaira na nandito na naman ang binata. Parang kailan lang sila nagkita tapos ito na naman.

"Hindi kompleto araw ko kung 'di kita nakikita o naririnig man lang ang boses mo," anito.

"A-ano ba atin?" nauumay na sagot ng dalaga. Sobrang nakukulitan na kasi siya rito. Kung 'di pupuntahan siya, tatawag naman.

"Birthday ng aking kapatid mamayang gabi, gusto ko sana isama kita."

"Eh k-kasi ano," nag-iisip nang maidadahilan si Yzaira dito.

"Please!" anito na hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Ahm!"

Napalingon ang dalaga sa tumikhim. Si John pala na blangko pa rin ang emosyon ng mga mata at reaksiyon.

"Can we talk?" si John.

"H-ha? O-oo nga pala. Ah... Francis excuse me ha, may bisita ako."

"Paano mamaya?" kunot-noong tanong ni Francis. Ramdam niya ang kakaibang dating ng lalaki, tila may kakaiba sa dalawa at iyon ang kanyang aalamin.

"A-anong oras ba?"

"Hindi siya pupunta!" mariing sabat ni John.

Nagulat si Yzaira sa sinabi ng binata. Pakiramdam niya ay umalsa ang kanyang puso sa kinalalagyan nito.

"At sino ka ba, ha?" nagpanting ang tainga sa narinig, kaya nakipagtagisan si Francis ng tingin sa lalaki na ngayon niya lang nakita pero kung makabakod kay Yzaira ay wagas.

"Ako ang ama ng anak niya!"

Walang masabi si Francis kundi ang mapatingin kay Yzaira. Nang walang anumang narinig na pagtutol mula rito ay nagpasya na siyang umalis.

"Ano pag-uusapan natin?" deretsahang tanong ng dalaga nang makabawi sa pagkagulat sa mga sinabi nito.

"Ganito, kailangan ako ang kilalanin na ama ng aking anak at apelyido ko ang gagamitin niya. Ako na bahala maglipat ng apelyido ni baby. Kailangan may buo siyang pamilyang kagigisnan. Sa madaling salita, magiging asawa kita pero...sa gusto ko. Asawa lang kita para sa bata. Hindi mo ako pakikialaman sa kung ano ang gusto ko. Wala tayong pakialamanan sa buhay natin. Kahit ilang babae pa ang maikama ko at sa'yo rin ay wala tayong paki sa isa't-isa. Babalik uli ako bukas dala ang ilang papel na kailangan mong pirmahan at bubukod tayo ng bahay." mahabang pahayag ni John.

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon