LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing
Kabanata 7
PAGKALIPAS NG ISANG TAON
"Kuya!" masayang salubong ni Jhean sa kapatid niyang si John. Nasa NAIA siya para sunduin ito.
"Hi!" ani John sabay yakap sa malambing at mabait niyang kapatid.
"Wow! Mas pomogi ka ah!"
"Mas gumanda ka rin!" ani John at nagpatiuna sa kotse. "Ako na magdrive, namiss ko ang traffic ng Pinas eh!" Nakangiting saad ni John.
"Sure!" Inihagis sa Kuya niya ang susi.
"Nabalitaan kong kabi-kabila raw ang chicks mo sa Canada," unang saad ni Jhean habang lulan na ng sasakyan pauwi ng bahay.
Ipinilig lang ni John ang ulo saka ngumiti. "Ikaw ay naging busy naman ng halos isang taon."
"Eh, nakadalawang beses akong umalis ng bansa para sa taping, awang-awa nga ako kay Daddy, puro reklamo na siya na lang mag-isa lagi pati sa kompanya ay nahihirapan na rin siya, but anyway, nandito ka na kaya makakapagpahinga na ulit siya."
"Updated naman ako sa kompanya, ipinapasa at ipinapaalam naman sa akin ni Max, ang nangyayari sa office."
"Mukhang nag-enjoy ka sa Canada ah. Isang buwan lang sana, umabot ng isang taon."
Hindi sinagot ni John ang pasaring ng kapatid. Ayaw niya kasing umuwi ng Pilipinas hangga't 'di pa naghihilom ang sugat ng kanyang puso. Sa pamamagitan ng kaliwa't kanan na babae, ay unti-unti niyang nakakasanayan makipaglaro sa mga ito. Sa isang taon na paglayo niya, malaki na ang kanyang pinagbago. Hindi na siya marunong magmahal, para sa kanya, ang mga babae ay aliwan lang o pampatanggal ng init sa katawan. Hindi na siya naniniwala ng sagradong pagsasama, ang kasal.
SAMANTALA, abala naman si Yzaira sa kaasikaso sa mga costumer. Nakuha kasi nila ang pera sa bangko ng kanyang ama at ginamit niyang puhunan para sa maliit na negosyo, ang pagbebenta ng mga gadgets. Ang malawak na bakuran nila ay pinatayuan niya ng 'OL SHOP', mga cellphones, tablets, at iba pang mga gadgets.
"Busy si Mama, mo oh!" ani Aling Yna na karga-karga ang kanyang apo na lalaki. "Panay iyak, hinahanap ka."
"Akin na si baby!" ani Yzaira sabay kuha sa bata. Malapit na ang birthday nito kaya todo kayod siya. Mula 8:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi ang open niya sa kanyang shop. May isa siyang arawang sinasahuran na babae para tulong sa pagbebenta.
Nang makatulog ang bata ay inilagay niya sa crib nito na nasa shop niya. Isang linggo na lang at kaarawan
na ng kanyang anak, anak nila ni John.
"Kumusta na kaya siya? Kailan kaya balik niya?" malungkot na saad ni Yzaira sa sarili. Panay balik niya sa malaking bahay ng mga Matias para makibalita sa katulong kung nakauwi na si John, pero hanggang sa lumaki na ang kanyang tiyan ay 'di pa rin nakauwi ang binata.
NAGKITA naman at nag-inuman agad ang magkaibigang John at Max.
"How's life bro?" tanong ni Max sa kaibigan.
"Ayos lang, masarap buhay binata," si John na tinungga ang basong may alak na laman para sa kanya.
"Yeah!" sang-ayon na lang ni Max. Ayaw na niya ipaalala sa kaibigan ang mga kabiguan nitong pinagdaanan.
"Bro, nakikita mo ba ang babaeng 'yan?" Turo ni John sa babaeng nasa likuran ng kaibigan. Nasa bar kasi sila. "Kanina pa 'yan pa-cute sa akin. Lapitan ko muna," nakangising saad ni John sabay tayo.
Napapailing na lang si Max habang pinapanood ang kaibigan. Malaki na nga ang pinagbago nito, ang dating maginoo sa babae ngayon babaero na.
"Mauna na ako sa'yo," paalam ni Max kay John na aligaga na sa babae.
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomanceLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
