Chapter Four

53 5 0
                                    

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 4

"ANG ganda mo pala, Ate Yzaira." Hawak ni Jhean ang kamay ng dalaga habang naghihintay sila sa inorder na pagkain.

"Mas maganda ka, Jhean at mabait pa kahit artista na," turan ni Yzaira.

"Sus, 'di pa naman ako sikat, Ate. Siyangapala, ngayong darating na linggo ay kaarawan na nitong pogi kong Kuya," sabi ni Jhean.

"Talaga?"

"Ikaw talaga Sis, inunahan mo pa ako," natatawang saad ni John.

"Sorry po. Siyangapala Ate, sa birthday ni Kuya mag-imbita ako ng mga poging celebrity para personal mo sila ma----"

"Stop it Jhean, baka sa entrance pa lang 'di na sila makapasok."

"Sus si Kuya, nakabakod agad. Joke lang!" natatawang saad nito sabay kindat kay Yzaira at nagkatawanan ang dalawa.

Natutuwa si John at magkasundo agad ang dalawa. Hindi tulad dati kay Lovina na madalang lang niya nakikita na nag-uusap ang dalawa.

BAWAT araw na lumilipas ay mas lalong napapamahal si John kay Yzaira. Malambing kasi ang nobya niya at alaga pa siya. Bago sumapit ang kanyang kaarawan ay may nais muna siyang puntahan.

"Buti naman at napasyal ka hijo," sabi ng ama ni Lovina.

"Musta po kayo?" panimula ni John. Nagpunta siya sa bahay ng kanyang dating nobya.

"Ito kahit paano ay unti-unti nang natatanggap ang pagkawala ng aming anak, ikaw John, kumusta?"

"Ayos na rin po katulad ng sa inyo. Nandito rin ako sana para magpaalam."

"Paalam ng ano?"

''Balak ko sana magpakasal na sa iba, sorry po kung medyo maaga akong nakahanap ng iba."

Natawa si Leandro sa sinabi ni John, "Ano ka ba John, hindi mo na kailangan pa magpaalam sa amin. Wala na si Lovina, at karapatan mo maging masaya. Ang suwerte naman ng babaeng mamahalin mo, napakabait mo kasi at mapagmahal. Wala akong masasabi sa'yo no'ng naging kayo dati ng aking anak."

"Bukas po ay birthday ko, inaasahan ko ang pagdalo ninyo lahat."

"Salamat John, pero 'di kami makakarating sa iyong kaarawan. Mas maaalala ko kasi si, Lovina."

"Sige po," aniya saka nagpaalam.

BIRTHDAY PARTY

"Happy birthday!" bati ni Yzaira kay John.

"Thank you!" Hinalikan ni John ang nobya sa labi sa harap ng maraming bisita. "Ladies and gentlemen! Gusto ko ipaalam sa lahat ng naririto ngayon sa aking kaarawan na itong babaeng katabi ko, ay akin nang nobya at balak ko sana pakasalan," anunsiyo niya. Napatitig naman sa kanya ang katabing nobya at lahat ay napapangiti't masaya para sa kanya. Mga kamag-anak, empleyado, at piling kaibigan lang ang kanyang bisita.

"A-ano sinabi mo?'' tanong ni Yzaira.

Ngumiti at may kinuha sa bulsa si John. Nakita niya ang kuryusidad sa mga mata ng nobya at ng mga bisita niya. Binuksan niya ito at ipinakita kay Yzaira. "Will you marry me, Yzaira Mabini?"

"H-ha?'' tanging nasabi ng dalaga. Nagulat siya sa bilis na pangyayari pero ito naman talaga ang gusto niya. Hindi niya magawa na muling ibuka ang bibig.

"I love you kahit 'di pa lang tayo gaano katagal na magkasintahan. Gusto ko lang manigurado na maging ayos na tayo, 'yong malagay na sa tahimik. 'Wag na natin pahabain o patagalin pa dahil sabi nga ng iba, sa haba-haba man ng prosesyon ay sa simbahan pa rin ang dating. Again, will you be my wife?" tanong ni John na nanginginig ang mga kamay. Unang beses niya makaramdam ng kaba sa pagpropose ng kasal, siguro dahil maikli lang ang panahon na naging sila, 'di tulad sa kanila dati ni Lovina na panatag ang kanyang loob nang siya'y nagpropose ng kasal dahil kilala na nila ang isa't-isa.

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon