Chapter 13

94 5 0
                                        

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 13

"AYAW ko na, dahil mas tumatagal ay lalo lang ako nasasaktan."

Naupo sa tabi ni John si Julio. Tinapik ang braso nito. "Hijo, why don't you give her another chance? May anak kayo 'wag mong kalilimutan 'yan. Patawarin mo na siya, may bukod tanging rason naman si Yzaira kaya nangyari ang ganoon."

"Sinubukan ko nang ayusin, pero hindi pa rin ako masaya."

"Hindi ka masaya dahil naghihiganti ka. Alam ko kung ano ang nasa isipan mo noon, kung bakit kay bilis mong gumawa agad ng desisyon, ang kasal na walang  katuturan. Hindi ako namuna sa'yo, dahil gusto ko maisip mo kung tama ba ang ginawa mo. Hindi magiging maayos ang lahat kung sa paghihiganti rin ang gagawin mo, John. Kapatawaran at pagtanggap ang tama at dapat mong ginawa. Lahat nagkakamali anak, hindi naman siguro kalabisan ang magpatawad at tanggapin na minsan ay kailangan natin masaktan. Ang mahalaga ay may pagkakataon ka pang ayusin ang lahat. Sa dami ng babae mo, sa pagbabago mo sa sarili mo, nakamtan mo ba ang saya? Hindi ba hindi? Alam kong alam at ramdam ni Yzaira, na naghihiganti ka sa kanya pero nananatili siya sa'yo. No'ng nagpunta ako sa bahay ninyo, nagkunwari kayong maayos na, pero nakita ko ang lungkot sa mga mata ninyo. John, 'wag kang susuko. Hindi ka masasaktan kung 'di siya mahalaga sa'yo."

Napatitig si John sa kanyang ama. Minsan lang ito magsalita ng ganoon sa kanya.

"Magpapahinga na ako," paalam ng matanda.

Naiwang nag-iisip pa rin si John. Puso at isip ay nagtatalo sa kung ano ang nararapat niyang gawin ngayon.

NAPAGOD si Yzaira sa kaaayos ng kanyang mga gamit sa maleta. Nakapagdesisyon na siya, kailangan muna niya bigyan ng ispasiyo si John. Mahirap ipilit ang isang bagay na patuloy nitong ikinagagalit pero kailangan muna niya ito kausapin ng maayos bago umalis.

"Ma'am, nasa baba po ang kapatid daw ni Sir John," anang kasambahay kay Yzaira.

"Ha? Ah...baba na ako."

"Ate!" tawag ni Jhean na hawak na ang pamangkin.

"Buti napasyal ka. Hindi busy?"

"Hindi Ate, may tatlong araw akong pahinga. Hay ang pogi talaga ng pamangkin ko! Baby, wala pa akong nabibili sa'yo kasi busy ang Auntie mo, pero bukas ay mamimili ako," anito sa pamangkin.

Napapangiting nakamasid lang si Yzaira.

"Oh, natutulog na siya! Tinulugan agad ako!" natatawang saad ni Jhean. Nakatulog kasi sa bisig niya si baby John Jairo. Iniakyat nito sa kuwarto ang bata.

"Kayo Ate, kumusta?" si Jhean.

"A-ayos lang," pagsisinungaling ni Yzaira.

"Sigurado ka? Eh kanina ko pa napansin iyang mga mata mo. Umiyak ka 'no?"

Napabuntong-hininga si Yzaira, "Oo Jhean. Aaminin ko sa'yo, hindi kami okay ni John. Ang totoo nga niyan ay pinapaalis na niya ako."

"Ha?"

"Mukhang mahirap nang ibalik ang dating John na nakilala ko, ang John na minahal ko. Puno ng galit ang puso niya, walang puwang sa kanya ang pagpapatawad. Pero kailangan ko munang makipag-usap bago umalis kahit gusto niyang umalis na ako," ani Yzaira na muling namilibis ang mga luha.

"Ate, please don't give up on him! Naniniwala akong mahal ka pa rin niya. Alam mo ba, no'ng ipinagawa niya ang bahay na'to, sabi niya para ito sa babaeng magiging ina ng kanyang mga anak. Akala ko si Ate Lovina, pero kahit ikakasal na sila'y 'di pa rin ito ipinakita at 'di dinala ni Kuya si Ate rito. Kaya naniniwala akong 'di siya ang makakasama ni Kuya. Then you came, dumating ang isang pagsubok sa inyo but still he brought you here. Nasaktan lang talaga siya Ate, saksi ako sa mga luhang umagos sa kanyang mga mata. Akala ko nga mawawala na siya sa amin, no'ng saksakin niya ang sarili niya sa malaki at matulis na basag ng salamin."

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon