Chapter Five

80 6 0
                                        

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 5

ARAW NG KASAL

"Paalis ka na ba, bhe?" tanong ni John Ricky kay Yzaira. Nasa simbahan na siya, nauna para mag-asikaso sa mga dadalo sa kanilang kasal.

"O-oo, sasakay na ako sa bridal car."

"Salamat naman, sige bye, ingat kayo ha? Pagsabihan mo ang driver."

"S-sige. Ahm...John!"

"Oh bakit bhe," sagot niya.

"W-wala, sige bye!"

"Ha?" pagtataka niya ngunit wala na sa kabilang linya ang nobya. Ewan niya ba at inatake na naman siya ng kaba. Siguro dahil sa nangyari noon, parang takot na siya. Kung pwede nga lang siya ang magmaneho ng sasakyan ay ginawa na niya, mas palagay ang kanyang loob kung katabi ang babaeng papakasalan papuntang simbahan.

"Bro, congrats! Kasal na naman at bestman na naman ako," natatawang saad ni Max na nilapitan ang bestfriend.

"Oo nga eh, sana maging ayos na ang lahat."

"Ayos 'yan!" tapik ni Max sa braso ng kanyang kaibigan.

"Kuya!" lapit naman ni Jhean, ang maid of honor ulit sa pangalawang pagkakataon.

"Wow! Ang ganda mo!" si John sa kapatid.

"Thank you! Nakaalis na si, Ate?"

"Oo marahil ay nasa daan na sila."

"Okay, relax lang! Halata kang kabado eh!" anito sabay balik sa puwesto kasama mga bridesmaid.

Bawat galaw ng orasan ay tripleng kabog din ng dibdib ni John. Naiinip na siyang makita sa bukana ng simbahan ang babaeng ihaharap niya sa altar. Siguro dahil nagka-phobia na siya kaya ganito ang kanyang nararamdaman.

"Anong oras na? Tawagan mo nga siya kung nasaan na?" hindi napigiligang napalapit ang ama ni John nang halos kalahating oras nang wala pang nadating na bridal car.

"Sige po," ani John at tinawagan si Yzaira. Halos maramdaman niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso nang 'di makontak ang nobya.

"Hindi makontak!" aniya sa ama.

"Relax lang, baka parating na."

"IBALIK mo!" utos ni Yzaira sa mamang driver.

"Po? Ma'am, malapit na tayo."

"M-may nakalimutan ako na kailangan sa kasal, sige na po!" pakiusap ni Yzaira dito. Babagsak na rin kasi ang kanyang mga luha.

"Sorry John, pero ang pangako ay kailangan ko matupad. Kailangan mong bayaran ang lason mong pag-ibig na ibinigay sa aking kapatid. Amanos na tayo sa sakit na mararamdaman mo ngayon at may pasobra pa, ang kahihiyan," aniya sa sarili at hilam na sa luha ang kanyang mga mata. Masakit man sa kanya ang gagawin dahil mukhang pati siya umibig, pero kailangan niyang unahin ang rason kung bakit sila nagkita.

Nagulat ang driver na naghihintay sa labas nang 'di na nakadamit pangkasal si Yzaira. Ibinigay nito ang isang malaking box.

"Sabihin mong walang kasal na mangyayari," ani Yzaira sabay balik sa loob ng boarding house.

Napapailing na tumalima nalang ang mamang driver.

TAGAKTAK ang pawis ni John sa kabang nadarama. Isang oras na pero wala pa ang kanyang bride. Nakikita niya sa paligid ang mga bisitang nagbubulung-bulongan. Pati ang mga kamay niya ay pinagpapawisan na. Basang-basa na rin ang face towel niyang dala sa mga kapupunas.

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon