Chapter 14

82 3 0
                                    

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 14

KAPWA humihingal ang dalawang nag-iibigan matapos ang malupit na pagsasanib muli ng kanilang mga katawan.

"I love you!" ani John sabay halik sa tungki ng matangos na ilong ni Yzaira.

"I love you more! Hmn...Dahil sa akin muntik ka ng mawala, nagkaroon ka tuloy ng peklat sa tiyan." sabi ni Yzaira habang hinihimas ang peklat sa tiyan ng lalaking iniibig.

"Iyan ang magiging tanda ng aking wagas na pag-ibig sa'yo. Sana 'wag mo na akong iwan, ni tangkain o isipin mong iwanan ako ay 'wag mong gagawin dahil baka 'di ko na kayanin. Sige ka, gagayahin ko ang iyong Ate, mag----"

"Tumigil ka nga! Mahal na mahal na mahal kita! Sa'yo lang ako magpapakasal!"

"Eh 'yong Francis, naging kayo ba?"

"Hindi ah!"

"Eh ba't may payakap-yakap pa kayo? Nakita ko kaya, 'wag mong itanggi!"

Napangiti si Yzaira at kinintilan ng halik ang manipis na labi ni John. ''Nasaktan ako kasi ayaw mo pa rin ako patawarin, kaya inalok niya ako na tutulong siyang pagselosin ka. Kahit hanggang do'n man lang daw ay may magawa siya sa akin. Pero tumanggi ako, nagbago isip ko. Ayaw ko na kasing dagdagan pa ang ating problema. Isa pa, wala kang dapat ipagselos do'n kasi ni katiting na patingin ay wala."

"Hindi mo lang alam kung paano mo ako nasasaktan," ani John na hinalikan sa buhok ang asawa.

"Eh kayo ng babae mo 'yong, Shirley?"

"Parte lang siya ng aking pagrerebelde sa'yo. Pero ngayon, hindi ko na gagawin ang mga 'yon. Gusto ko na ng tahimik na buhay kasama ang ating anak. Kayo ang tunay na nagpapasaya sa akin wala ng iba. Mahal na mahal ko kayo ni baby JJ ko. Siyangapala, isasama na natin dito si Mama mo. Alam kong nangungulila siya sa inyong dalawa."

"Talaga? Maraming salamat!" naluluhang saad ni Yzaira.

"Ang business mo pala, tutulungan kitang palaguin 'yon, para naman magamit mo ang pinag-aralan mo."

"John! Oh John, thank you!" tuluyang napaiyak na si Yzaira.

Pinunasan ni John ang pisnging nabasa sa luha at hinalikan ang bawat bahagi ng mukha nito. Muli pa nilang tinamasa ang ritmo ng pag-ibig.

IPINAALAM nina Yzaira at John sa kanilang pamilya na ayos na sila. Labis na natuwa ang lahat dahil muli na namang magiging makulay ang buhay ng magsing-irog.

"Papasok na ako," paalam ni John kay Yzaira sabay halik sa labi.

"S-siguradong magkikita kayo ng sekretarya mo," pangamba ni Yzaira.

Piningot ni John ang ilong nito, "Ikaw talaga, ako na bahala sa kanya katulad sa ipinangako ko, aayusin na natin ang lahat."

"Oo na, ingat!" Umaasa si Yzaira na ito na ang simula ng isang masayang pamilya habang tinatanaw ang pag-alis ni John.

ILANG ARAW na hindi ni John naasikaso ang kompanya kaya marami siyang trabaho ngayon.

"Babe!" tuwang sumalubong si Shirley na maagang pumasok.

"Teka kukuha lang ako ng ka----"

"Huwag na! Please sit down!" ani John. Umupo rin siya at hinarap ang dalaga na mukhang nagtataka.

"Babe ayos ka lang ba?" tanong nito.

"Yes I'm okay. Shirley Dujenas, ibibigay ko sa'yo lahat ng makukuha mo sa kompanya ayon sa batas dahil ang kompanya mismo ang magtatanggal sa iyong trabaho."

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon