LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing
Kabanata 1
MAGA ang mga mata ni Yzaira sa kaiiyak dahil sa nangyari kay Yvette na eldest sister niya. Nagpakamatay ito dahil daw sa isang lalaki, ayon sa isinulat nito bago gawin ang pag-inom ng lason.
Lulan siya ng taxi pauwi sa bahay nila sa Mandaluyong. Kararating lang niya galing USA. Hindi na siya nasundo ng kanyang magulang dahil nagluluksa ang mga ito. Sana, masaya sila ngayon at nag-cecelebrate dahil graduate na siya, dala na niya ang diploma na pinaghirapan niya sa USA. Nakapasa kasi siya sa scholarship na bigay ng University of Arkansas, USA.
Pagpasok pa lang niya sa gate ng kanilang bahay ay ramdam na ni Yzaira, ang lungkot at bigat ng dibdib. Tila hinapo siya nang makita ang kabaong ng kapatid.
"Yzaira, anak!" Napatayo agad at lumapit si Aling Yna sa kanyang anak habang umiiyak.
"Mama!" Napahagulhol si Yzaira habang yapos siya ng ina.
"Wala na ang ate mo, wala na siya!" Walang patid ang iyak ni Aling Yna.
"Ate," sambit niya habang dahan-dahang inihakbang ang kanyang paa palapit sa kabaong ng kapatid. Nanginginig siya't naninikip ang dibdib.
"Ate!" palahaw na iyak ni Yzaira nang masilayan ang tila natutulog lang na mukha nito at parang buhay pa. "Bakit mo 'yon ginawa? Bakit? Ganoon ba siya kahalaga sa'yo para kitilin mo ang iyong buhay? Ate ko!" sigaw niya habang yakap ang kabaong nito. "Sabi mo, may gift ako sa'yo 'pag mabigyan kita ng diploma, bakit pag-uwi ko wala ka na?"
Nag-iyakan din ang lahat ng mga nakikiramay. Lahat nanghihinayang sa buhay ni Yvette, na sinayang lang nito dahil sa pag-ibig.
Pagkalipas ng ilang araw ay nailibing na ang kapatid ni Yzaira. Mas lalong naramdaman ng buong pamilya Mabini ang lungkot.
Pinasok ni Yzaira ang silid ng kanyang yumaong kapatid. Kinalkal lahat ang mga lumang gamit nito sa aparador. Napaiyak siyang muli nang makita ang lumang litrato nila na magkasama.
"Paano na ngayon? Kami na lang ni Mama," aniya habang yakap ang litrato nila. Dalawa lang kasi silang magkapatid. Tourism ang kurso nito at siya naman ay business administration. Marami silang binuong pangarap pero biglang naglaho ng dahil lang sa lalaki.
Binuksan niya ang liham ng kapatid na iniwan nito bago magpatiwakal.
'Mahal na mahal kita, bakit mo ako iniwan? Bakit iba ang pinakasalan mo? Sabi mo, ako ang mahal mo, ba't ikakasal ka na pala sa iba? Alam mong ikaw lang ang buhay ko, ba't mo ako iniwan? Dadalhin ko hanggang libing ang pag-ibig ko sa'yo. Ayaw ko nang mabuhay pa, lalo pa't may kasama ka ng iba. John Ricky Matias, galit ako sa'yo pero bakit mahal pa rin kita? Paalam...
Kinusot niya ang liham ng kapatid sa nadamang galit para sa lalaking nanloko rito. "John Ricky Matias, humanda ka! Nilason mo ng iyong pag-ibig ang aking mahal na kapatid, lalasunin din kita ng aking pag-ibig!" usal niya sa sarili. Ipinangako niya sa sarili na hahanapin at kikilalanin ang lalaking ito at paghihigantihan.
MALABON CITY CHURCH
Hindi mapakali si John Ricky sa kahihintay sa kanyang bride. Nasa simbahan siya ngayon dahil kasal na nila ni Lovina, his long time girlfriend.
"Dad, nakaalis na ba si, Lovina?" pag-aalalang tanong ni John Ricky sa ama ni Lovina. Twenty minutes late na kasi ang kanyang bride.
"Yes, on the way na raw sabi sa bahay," sagot ng matanda.
"Leandro!" Humahangos na papalapit ang ina ni Lovina sa asawa nito.
"Bakit?"
"S-si L-lovina, nasa hospital! John, naaksidente si, Lovina!" tarantang saad ng ina.
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomanceLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
