Wakas

154 5 0
                                        

LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing

Kabanata 15/ Finale

IPINAGBILI ni Aling Yna ang kanyang bahay alinsunod sa kagustuhan ni Yzaira. Mas pinalawak at pinalaki kasi ang maliit na shop ng mga gadgets.

"Alam mo anak kung nabubuhay lang ang iyong ama at kapatid, sigurado ay matutuwa sila 'pag makitang may negosyo ka na," ani Aling Yna.

"Oo nga po. Matutupad ko na sana ang pangarap ni Ate," sagot ni Yzaira habang pinagmamasdan ang gusaling pinapagawa.

"Oh tara na?" nakangiting tanong ni John Ricky na galing sa loob ng ginagawang gusali.

"Sige, 'lika na Ma!" yakag ni Yzaira sa ina. "Dumaan muna tayo sa sementeryo."

"Oo nga," sang-ayon ng ina.

Dumaan muna sila sa isang flower shop bago tumuloy sa sementeryo.

"John Ricky Matias!" bigkas ni John sa nakalagay na pangalan sa lapida ng katabing pangalan na Yvette Mabini.

"Oo John, siya ang totoong lalaki na minahal ni Ate, siya ang taong inakala ko'y ikaw." Inilagay ni Yzaira ang mga bulaklak sa tatlong puntod ng kanyang ama, kapatid, at ang iniirog ng kanyang ate.

"Halos lahat talaga. Pwede naman John lang o kaya'y Ricky, ba't magkatulad pa talaga kami," 'di makapaniwalang saad ni John.

"Oo nga, dalawang anak ko ay iisa lang ng pangalan ang kanilang minahal," napapangiting sabat ng ina.

"Ate, salamat dahil sa'yo ay nakilala ko ang lalaking mahal ko ngayon at mamahalin pa hanggang sa dulo. Ikaw ang naging daan para matagpuan ko ang ama ng aking anak at magiging anak. Naging masakit man sa una, pero hindi kami sumuko sa pagsubok. Ipinapakilala ko ang John Ricky Matias sa buhay ko, tutal nasa tabi mo na ang John Ricky Matias sa buhay mo. I love you, Ate!"

Kinabig ni John ang asawa at niyakap.
Hindi nagtagal ay umalis na sila.

PAGBALIK nila sa kanilang malaking bahay ay nagulat si Yzaira sa iilang kotseng nasa kanilang gate.

"Anong mayroon? Bakit may mga tao sa loob ng bahay natin?" tanong ni Yzaira sa kanyang asawa't ina.

"Aba malay namin ni Mama, magkakasama tayong tatlo ah!" ani John.

Bumaba na sila sa kotse at deretso sa loob.

"Ay!" napatili si Yzaira nang biglang may pumutok sa harapan niya, isang malaking lobo pala.

"Happy birthday!" bati ng lahat na naglabasan bigla.

Napanganga si Yzaira nang makita ang dating mga katrabaho at pamilya nila John, kasama rin si Max. "Birthday ko pala?"

"Oo anak, ano ka ba? Sabi ko na nga ba at nakalimutan mo na ang sariling kaarawan mo!" natatawang saad ni Aling Yna.

"Masyadong aligaga ka kasi sa negosyo mong ipinaayos!" sabi ni John. "Happy birthday, bhe!" anito sabay halik sa labi ng dalaga.

"Happy birthday hija, sabi ni Jhean ay 'di siya makakarating eh alam mo naman iyon laging busy. Pinaaabot na lang niya ang kanyang pagbati," anang matanda na si Julio.

"Thank you sa inyong lahat!" naluluhang saad ni Yzaira.

"Oh kainan na at nagugutom na kami lalo na siguro kayo sa kahihintay sa amin!" sabi ni John sa lahat ng bisita.

"Hello guys!" agaw pansin ni John sa lahat. "Muli ninyo akong saksihan sa aking wagas na pag-ibig sa aking nag-iisang babae, Yzaira Mabini." anito sabay lapit dito at kinuha ang kaliwang kamay. "Yzaira, sa pangalawang pagkakataon ay nais kitang yayaing maging opisyal kong asawa sa harap ng maraming tao at sa mata ng Diyos. Will you marry me?"

LASON MONG PAG-IBIG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon