LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing
Kabanata 6
INAYOS ni Jhean ang nangyaring kahihiyan sa kapatid tungkol sa kasal nito. Hindi niya hinayaang makalabas pa muli sa media ang kahihiyan ng kanilang pamilya.
"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ni Jhean sa kapatid na kagigising pa lang. Naka-swero pa ito, pero dalawang araw na lang ay maari nang lumabas sa ospital.
"Ayos na ako. Gusto ko na makalabas dito," si John na tila walang emosyon ang boses at mga mata.
"Dalawang araw na lang, lalabas ka na."
"Salamat!" anito at ipinikit muli ang mga mata.
Hinayaan na lang ni Jhean ang kapatid. May pinagdaanan ito na mahirap malagpasan. "Ano ang dahilan mo, Ate Yzaira? Bakit ginawa mo 'to sa kapatid ko? Alam kong mabait ka, pero paanong nangyaring iniwan mo ang Kuya, at pinahiya pa," aniya sa sarili habang tinitingnan ang nakakatandang kapatid.
Nailabas na nga si John pagkatapos ng dalawang araw. Sariwa pa ang sugat nito sa loob kaya 'di pa nakakagalaw ng maayos.
"Dad, aalis ako bago matapos 'tong buwan na 'to. Ikaw na muli bahala sa opisina." Umupo si John sa tabi ng kanyang ama.
"Sige ako na bahala. Magpapatulong ako kay Max, sa kaibigan mo. Saan ka pupunta?"
"Sa Canada," sagot ni John. Sa ngayon ay gusto niya tuluyang makalimot, sa ikalawang pagkakataon. Noong una mukhang kaya pa niya, pero itong pangalawa ay naging manhid na ang kanyang puso. Mas maigi siguro kung sa ibang panig ng mundo naman siya magpunta. Doon niya babaguhin ang kanyang pagkatao.
NASA ospital sa Mandaluyong si Yzaira, naghihintay sa resulta mula sa doktor. Ilang araw na siyang nahihilo at nahahapo. Isang buwan na rin ang lumipas mula ng takbuhan niya sa kasal si John.
"Miss Mabini, you're next!" sabi ng nurse.
Nang makalabas ang sinundan niyang pasyente ay pumasok agad si Yzaira.
"Miss Mabini, you better take a test, a pregnancy test."
"Pregnancy test? Am I pregnant?"
"Blood test and urinary test are negative for any symptoms of infections, so it's possible that you are pregnant."
"G-ganoon po ba? Sige dok, magpapatest ako." aniya.
Nanghihina at tila nauupos sa kinatatayuan niya si Yzaira habang tinitingnan ang result. Positibo kasing buntis siya, at limang linggo na ito. Hindi niya akalain magbubunga ang tatlong beses na may nangyari sa kanila ni John, hindi kasi normal ang regla niya dati pa.
"Anong nangyayari sa'yo, Yzaira? Paano na ito ngayon? Anong gagawin mo?" usal niya at tuluyang napaiyak. Sumakay ng taxi na wala sa sarili. Lutang ang isipan kaya napapailing na lang ang driver sa kanya sa tuwing magtatanong sa kanya.
"Oh ano ang resulta, anak?" salubong ng ina.
Nanghihinang umupo si Yzaira sa sala.
"Ma, b-buntis ako." Hinawakan ni Yzaira ang kamay ng ina. Kailangan niya ito ngayon sa kanyang malaking problema.
"Ano?" nanlaki ang mga mata ng ina ni Yzaira.
"Ma, anong gagawin ko? Kaya ko ba siyang ilabas sa mundo na walang amang makikilala?" nanlalamig ang mga kamay na sabi ni Yzaira.
"Yzaira, nandito na 'to, wala na tayong magagawa. Buhayin natin ang bata anak. Ipakita mo sa kanya ang ganda ng mundo. Ito lang ang tama na iyong gagawin."
"Mama!" napahagulhol si Yzaira sa harap ng ina. Hindi niya lubos maisip na nagbunga ang lason niyang pag-ibig.
Kinahapunan ay dumalaw muli si Yzaira sa puntod ng kanyang kapatid. Nagtaka siya dahil may punpon na naman ng bulaklak sa ibabaw ng puntod, parang may ibang taga-dalaw dito.
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomantikLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
