LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing
Kabanata 9
MAAGANG lumabas si John sa opisina dahil 'di makapagpokus sa kanyang ginagawa. Deretso siya sa bar para uminom at mawala ang galit.
''Lasing na naman! Sige iakyat mo siya sa kanyang silid, Peter." Inutusan ng matanda ang kanilang driver na sunduin si John sa bar. Si Max kasi ang tumawag na umiinom ito at lasing na.
"I hate you!" usal ni John sa kalasingan habang inaalalayan ito ng driver at katulong paakyat sa kuwarto.
"Akala ko ba nakalimutan na niya, 'di pa pala." Sumunod sa taas ang matanda na napapailing na lang sa kanyang panganay.
Masakit ang ulo gawa sa hangover na napabangon si John mula sa kama.
"Ouch!" aniya na sapo ang ulo. Napatingin sa orasan, pasado alas onse na pala ng tanghali. Mabuti na lang at wala siyang trabaho ngayon sa opisina dahil holiday. Bumaba siya dahil nakaramdam ng pagkauhaw. Nasa dulo na siya ng huling baitang sa hagdan nang makita ang pamilyar na likuran ng babae kausap ang kanyang ama.
"John!"
Awtomatikong napalingon si Yzaira nang tawagin ng ama ni John ang binata. Nakita niya ang nag-aapoy nitong mga mata.
"Dad, bakit nandito 'yan? Bakit mo siya kinakausap? Bakit niyo siya pinapasok?" galit na tanong ni John na 'di maipinta ang mukha.
"Aalis muna ako at may kailangan akong puntahan, mamaya na tayo mag-usap John, kayo munang dalawa ang mag-usap," anang matanda saka umalis.
Naiwan namang kinakabahan si Yzaira dahil sa anyo ng kanyang pinakamamahal. "J-john, pakinggan mo ako please!"
"Ang galing mo! Anong sinabi mo sa aking ama at hinayaan niyang kausapin ka? Kung may award lang ng best actress and best humbug, sigurado ikaw ang winner!"
Lumapit si Yzaira sa binata ngunit umiwas ito at dumistansiya sa kanya. Para siyang may ketong o may nakakahawang sakit na pinandidirihan. "John, sinabi ko lang ang totoo sa kanya at humingi ng kapatawaran."
"Totoo? May totoo pa ba sa'yo Miss Mabini, ha?"
"John, alam kong mahirap mo na akong mapatawad pero sana pakinggan mo naman ako oh! Aminado akong nasaktan kita, pero alam mo bang mas nasaktan din ako sa nangyari lalo na sa aking katangahan!" ani Yzaira na nasa bungad na ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Umalis ka na! Ayaw ko nang makita ka pa! Gusto mo magpaliwanag sa akin ha? Bakit ngayon lang? Kinamumuhian kita! Pinagsisihan na mas minahal ka kaysa kay Lovina! Nilason mo ako ng iyong pag-ibig, ano sa tingin mo, mabubuhay pa 'to?" ani John na itinuro ang dibdib. "
Tuluyan nang bumagsak ang mga likido sa mga mata ni Yzaira nang talikuran siya ng binata at muling umakyat sa taas. "I'm sorry John! I'm so sorry!"
Umalis na lang si Yzaira dahil 'di na muling bumababa si John.
"NASAAN si John?" tanong ni Julio na kararating lang sa katulong.
"Nagpahatid lang po ng pagkain sa kuwarto at 'di pa bumababa hanggang ngayon," anang katulong.
"Ang babae kanina, anong nangyari?"
"Wala po, Sir. Hindi po kinausap ni Sir John."
Napabuga ng hangin si Julio. Alam niyang mahihirapan si Yzaira o siya na magkaayos pa ang dalawa. Sobrang nasaktan ang kanyang anak sa nangyari at siya man ay nakaramdam din ng pagkamuhi kay Yzaira. Ngunit kanina na hindi niya inaasahan ang pagluhod nito at paghingi ng tawad, ang mga mata nitong nagsusumamo, ay 'di niya napigiligang pagbigyan itong sa kahilingang magpaliwanag. Nalaman niyang nagkamali ito sa taong napaghigantihan. Naunawaan niya rin ang naging damdamin nito. Sino nga ba ang mag-aakalang may taong magkapareho ng pangalan. Pero ang mas naantig siya nang malamang may apo na pala siya at lalaki pa.
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomanceLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
