LASON MONG PAG-IBIG
Isinulat ni M.R.Galing
Kabanata 12
"SHIT!" inis na nilisan ni John ang lugar matapos makita si Yzaira na dalawang beses pang niyakap ng lalaki na minsan na niyang nakita.
Tinawagan niya si Max pero busy. Gusto na naman kasi niya magpakalasing.
"Babe?" gulat na sagot ni Shirley sa tawag ni John.
"Nasaan ka?"
"Pauwi pa lang," sagot nito.
"Gusto ko uminom samahan mo ako," si John. Ang totoo gusto niya ng may masabihan sa kanyang nararamdaman.
"Sige ba! Dito na lang tayo sa bahay, ako lang naman mag-isa eh."
"Thank you!'' Agad iniliko ni John ang sasakyan.
"Halika pasok ka!" tuwang saad ni Shirley. "Kukuha lang ako ng ating maiinom, saka nag-order agad ng ating pulutan."
"Thank you!" Naupo sa sala si John at naghintay sa paghahanda ng kanyang sekretarya.
"Babe, may problema ba?" tanong ni Shirley nang nag-umpisa na sila mag-inuman. Ito kasi ang unang beses na pumunta ito sa bahay niya.
"Medyo."
"Nandito lang ako, alam mo 'yan."
"Yeah," tipid na sagot ni John. Pinupuno niya ang baso sa bawat tagay sa kanya ni Shirley.
"Mabilis ka malasing niyan, dahan-dahan lang."
"Ito gusto ko ang malasing. Gusto ko siya kalimutan. Gusto ko tumigil na ang puso ko sa pagtibok. Natatakot ako na baka 'pag tumibok itong muli, masaktan na naman ako. Alam mo ba, napakahirap ibangon ang sarili 'pag nasasaktan ka! Ayaw ko nang pagdaanan iyon, pero ito na naman siya nagsisimula na naman. Natatakot akong aminin sa kanya na nabihag na naman niya ang puso ko. Alam mo 'yon, 'yong may phobia ka na, na baka 'pag mahal mo na siya ulit ay iiwan ka na naman niya ng siya lang ang nakakaalam! Takot na akong magtiwala sa kanya!" saad ni John na may tama na ng alak.
Lihim namang nasasaktan si Shirley sa sinabi ni John. "Kung ganoon pala, wala man lang akong ni katiting na halaga sa taong 'to. Palipas oras lang talaga ako," anito sa sarili.
"Oh Yzaira!" sambit ni John na lasing na.
"Kalimutan mo na siya. Nandito ako hindi ka sasaktan. Aalagaan at mamahalin kita. Kahit ituring kitang Diyos, John!" ani Shirley na lumapit sa boss niya at hinaplos ang mukha. Pinagapang ang kamay sa tiyan pababa pa.
"Yzaira?"
Natigilan si Shirley, lasing na nga talaga ito at iba na ang tingin sa kanya. Pero kung ito lang ang paraan na makasiping niya lang ito ay ayos lang kahit iba ang taong nasa isip nito.
"Kiss me John," pagsusumamo ni Shirley at ipinikit ang mga mata.
"Ohhhhh shit!" Napatayo ang dalaga nang sukahan siya ni John. "Bullshit!" nandidiring pumunta siya sa banyo at naligo ng wala sa oras. Nang matapos maligo ay binalikan niya sa sala ang boss pero nasa labas na ito kaya patakbong nilapitan niya.
"John, where are you going?"
"Uuwi!"
"No! Lasing ka ano ka ba!"
"Gusto ko umuwi sabi!"
"Eh lasing ka na nga! Bawal na at delikado na ang magmaneho ng sasakyan! Dito ka na lang matulog, maggagabi na oh!" pigil ni Shirley pero pilit na sumakay si John sa kotse nito.
"Okay sige, ako na magmamaneho! Kulit!" inis na sumakay si Shirley at siya ang pumuwesto sa upuan ng driver saka pinaharururot ang sasakyan.
"Saan ba sa inyo?" tanong ng dalaga. Napailing siya nang makitang tulog na ito. Kinapkapan niya ang bulsa nito at kinuha ang cellphone. Tinawagan ang nagngangalang Max.
BINABASA MO ANG
LASON MONG PAG-IBIG
RomansaLUHA'T paghihinagpis ang sana'y masayang pag-uwi at dadatnan ni Yzaira Mabini. Isang malamig na bangkay na kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ang sumalubong sa kanyang pag-uwi. Nagpakamatay ito dahil lang sa isang lalaking nagngangalang...
