1

134 6 0
                                    

Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang matayog na building ng Harrison Towers. Alas-otso pa lamang ng umaga. I still have one hour before my scheduled interview. Dahil sa 6 inches stilletos na binili ko sa ukay-ukay last week ay kailangang mabagal ang lakad ko. Hindi ako sanay sa ganitong pangpaa pero kailangan dahil yun ang tama para sa black skirt na suot ko. Pagpasok ko ng building ay binati agad ako ng receptionist duon. Matapos kong sabihin na may interview ako ay ibinigay nito sa akin ang direksyon patungo sa kwartong dapat kong puntahan.


Kahit na medyo sumasakit na ang mga paa ko ay binilisan ko ang aking lakad dahil malapit nang magsara ang elevator. Thank God umabot ako. Hingal akong pumasok sa loob at napansin kong iisang tao lamang ang lulan nito. Base sa kanyang suot ay masasabi kong mataas ang posisyon nito sa kompanyang ito. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan. Mukhang nasa twenties lang siya at para siyang si Adam Levine ng Maroon 5.


"Good morning Sir." Nahihiyang bati ko. Tumango lamang ito at hindi nagsalita. Kinuha ko na lamang ang press powder sa aking hand bag at tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. Mukhang ayos pa naman ang hitsura ko kaya hindi na ako magwawash room para mag-ayos muli. Hinawi ko lamang ng kaunti ang aking maiikling bangs. Pagtungtong ng elevator sa 3rd floor ay dahan dahan akong lumabas at hinanap ang HR Department. Sa tabi nito ay ang Screening Room kung saan ako dapat pumunta.


Since nakabukas ang pinto ay pumasok na lamang ako. I am alone at the room. Siguro ay ako lamang ang naka-schedule para sa araw na ito. Today is my final interview para sa posisyong Secretary ng Admin Head ng kompanyang ito. Sa pagkakaalam ko, si Mrs. Marquez ay umeedad na kaya naghanap ito ng sekretarya. Kaya nang maimbitahan ako ng kaibigan kong si Aika na dito nagtatrabaho ay ignrab ko na agad ang pagkakataon. Graduate ako ng kursong AB English at kung matatanggap ako ay ito ang magiging unang trabaho ko.


"Excuse me Ma'am. Magchecheck lang po ako ng trash bin." Ani ng isang lalaking bigla-bigla na lamang sumulpot sa harapan ko. Hinayaan ko siya sa kanyang ginawa. Makinis at maputi ang balat ng lalaki kaya hindi siya mapagkakamalang janitor na makikita sa uniporme niyang suot. Mabilis niyang kinuha ang basurahan at lumabas ng kwarto. Dahil sa dust mask na nakatakip sa kanyang mukha ay hindi ko siya nakita. Ang tanging napansin ko lamang sa kanya ay ang curly niyang buhok.


Sinilip ko ang aking wrist watch at 10 minutes na lang ay 9 na. Medyo matagal na din pala akong naghihintay. Nasira ang pagmumuni ko nang may kumatok sa pinto.


"Sorry iha pinaghintay ba kita? Nagtawag kasi si Boss ng emergency meeting ngayong umaga." Ani ng may edad nang babae na sa tingin ko ay si Mrs. Marquez mismo.


"Hindi naman po Ma'am, I just arrived a few minutes ago." Sabi ko sa kanya kahit ang totoo ay nainip ako sa paghihintay.


"Well, then. Ano pa bang dapat nating pag-usapan?" Wika niya habang umuupo at tinitipa ang mga papel na kanyang hawak. "Maganda naman ang review ng HR sa'yo. First job mo pala to. But anyway, by the looks of you I know you'll do great sa job mo." Puri niya sa akin at napangiti ako sa kanyang sinabi. "So, I will just ask someone to tour you around the office kung saan ka maassign. Of course sa Admin Department ka. Babalik kasi ako sa meeting cause we're not yet done there."


Masayang-masaya ako dahil ang ibig sabihin nuon ay tanggap na ako. Ipinakilala niya ako kay Maddison na siya ring taga-admin. Tinuro niya sa akin ang magiging office table ko na nasa mismong loob ng opisina ng Admin Head. Sa labas naman ng office ay nandoon ang kanyang table at ang kay Aika. At dahil naorient na ako ng HR sa mga magiging duties and responsibilities ko ay sinabihan na lamang niya ako ng mga dapat kong ihanda pagpapasok ko araw-araw, kung sinu-sino ba ang mga nakakatakot na boss at mababait at mga empleyadong dapat DAW pagtiwalaan kuno at hindi. Parang may something sa babaeng ito. Napatawa na lang ako sa isipin. Kailangan ko palang bumili ng water bottle at mug para sa kape. Pinuntahan din namin ang cafe na kinakainan ng mga empleyado duon. Ipinakilala nya din ako sa iilang officemates na nakakasalubong namin. Almost lunch time na nang matapos kaming dalawa. Nagpaalam na ako sa kanya para paghandaan ang 1st day ko bukas.


Mag-iisang linggo na nang magsimula ako sa trabahong ito. Hindi ko inakala na hindi pala ito magiging madali. Alam kong masyadong maaga para sabihing mahirap ang trabaho since nasa adjustment period pa lamang ako. Ngunit sa tingin ko din naman ay magiging masaya ito. Halos araw-araw ay may dinadaluhang meeting si Mrs. Marquez. At dahil ako ang personal secretary niya ay lagi niya akong kasama kahit saan siya pumunta. Medyo nahihilo na nga ako sa dami ng terms na dapat kong memoryahin maging ang mga taong madalas niyang nakakaharap.


Narinig kong two years na lang pala ay magreretiro na si Mrs. Marquez and she's currently looking for someone na maaaring humalili sa kanyang posisyon. Kaya pala marami ang nagpapabango sa kanya ngayon. Almost every day, may nagbibigay ng flowers, chocolates, wine at kung anu-ano pa. Yung iba naman ibinibigay niya lang sa akin. Patago ko ngang iuwi dahil baka makita nung nagbigay eh magalit pa sa akin.


"Actually alam mo Callie, nahihirapan akong pumili kung sinong pepwedeng pumalit sa 'kin. Siguro hahayaan ko na lang ang HR ang gumawa nun." Minsang sinabi sa akin ng Madam. Ako naman ay hindi hinahangad yun. Hindi pa ako ganoon ka-confident sa sarili ko na kaya kong ihandle ang ganong posisyon. At madami pa akong dapat na matutunan.


Nang matapos ko ang mga dapat kong gawin para sa araw na iyon ay umuwi na ako. Sa paglabas ko ng building ay muli kong nakita si 'Janitor Man'. Yung janitor na maputi at makinis ang balat na may curly hair. Hindi ko na sana ito lilingunin ngunit napansin kong wala itong suot na dust mask. At duon ko nakita ang hitsura ng nilalang na ito. OMG! Ang gwapo niya. Seryoso siyang naglalakad sa hallway sa labas ng building bitbit ang kanyang backpack at dahil gawa sa glass door ang Harrison Towers ay malaya kong natitigan ang maamo niyang mukha. Ang makapal niyang kilay ay nagblend sa maganda niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang kanyang manipis na labi. Dahil sa pagtitig ko sa kanya ay kamuntikan na akong mabangga sa glass door na nakasarado pa. Mabuti na lamang ay maagap na binuksan ng guard ang pinto. Tatawa-tawa ako sa isipin at muling sinilayan ang lalaking tuluyan nang nakalabas ng gate kasabay ng mabilis kong paglakad papalayo dahil sa kahihiyan.

No Holding BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon