"Ms. Alvarez?" Tawag ng isang staff sakin.
Agad naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Totoo ngang may magtatayong maliit na shopping mall dito sa lugar namin. Nakakatuwa kasi kahit liblib 'tong lugar namin at kakaunti ang populasyon ay may nakaisip na magtayo ng mall dito. Kakaiba lang.
The interview went on. Sumagot lamang ako ng ilang katanungan. Mabuti na lamang at nakakuha ako sa Harrisons ng COE atleast may nailagay ako sa working experience ko. I was asked kung anong position ang ina-applyan ko. Pero I just told the interviewee na kung saan ako pwede ay dun na lang.
"That's good." Sabi niya. "Our boss is actually looking for a secretary. Pwedeng pwede ka dun sa posisyon na 'yun."
Natanggap ako sa trabaho. Masyado ngang mabilis ang proseso. Medyo nagmamadali na daw kasi sila sa paghahanap ng empleyado. Nakita ko ang ilang kakilala ko doon. Mga naging kaklase ko noong elementary at high school. Bago ako umuwi ay nakibonding muna ako sa kanila. Masayang-masaya ako dahil bukod sa may trabaho na ako ay nakita ko pa ang mga dating kaibigan ko.
Natuwa din sina Mama sa ibinalita ko sa kanila. Sa wakas ay makakatulong na ako ulit. Nakakahiya din naman kasi sa kanila kung wala akong ginagawa, di ba?
Two days from now ay magkakaroon ng groundbreaking ceremony para sa magbubukas na shopping mall. And according dun sa post nila, within 4 months ay matatapos ang construction nito. Ang bilis. Nasa dalawang palapag lang naman kasi ito kaya ganoon. Bigla kong naalala ang papasukin kong trabaho. I wonder kung anong hitsura ng boss. Hindi naman siguro matanda di ba? I mean, yung usual na napapanood mo sa mga drama. Eeee. Huwag naman sana.
Nakareceive ako ng message from Aika. Tinatanong niya ako kung kailan ako mag-oonline dahil may ibabalita daw siya sa akin. Medyo mahina kasi ang signal dito sa amin kung kaya ang bagal ng internet connection kapag naka-data. Atsaka nagtitipid ako dahil wala akong trabaho.
Base sa huling pag-uusap naming dalawa, nareschedule ang kasal nila ni Mico dahil naaksidente ito. Minor injuries lang naman ang tinamo niya ngunit kinailangan pa rin siyang iconfine. Pero sa ngayon ay maayos na siya which is good.
"Ate. Ate Callie." Si Mira.
"Oh?"
"Sabi nila, gwapo daw yung may-ari ng mall." Excited na kwento nito sa akin.
"Sauce. Saan mo naman nasagap ang chika na yan?" Tanong ko sa kanya.
"Narinig ko lang doon sa may labasan. Malay mo naman ate totoo. Hindi katulad nung naiimagine mong matandang chorva, di ba?" Maarte pang sabi nito. Kaloka.
"Naku. Naku. Tama na nga yan. Chismosa nito." Sabay tawa.
Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe ang natanggap ko from an unknown number.
This is Joanna Erardo from EC Shopping Mall. Please be informed that you are required to attend the ground breaking ceremony next Tuesday. Be in a formal attire. Thank you.