Mag-aalas otso na ng gabi nang matapos ko ang ginagawa ko sa trabaho. Ewan ko ba kung bakit ganoon? Parang araw-araw na lamang ay nadadagdagan ang mga ginagawa ko. Feeling ko namemersonal na talaga si Meagan. Tss. Nakakawalang respeto ang ginagawa niya. Oo, umalis na nga siya ng department namin, pero naglagay naman siya ng kampon niya doon. Nakakainis.
Sinilip ko ang cell phone ko at hala! Naka-limang missed call si Ethan. Ang dami niyang text message na ipinadala. He's just asking lang naman kung anong oras daw ba ako uuwi at kung nasaan na ako. I tried to call him back but he is not answering his phone. Tinext ko na lamang siya na pauwi na ako.
Pagod na pagod kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Parang hindi na ako makakapaghapunan nito ah. Gusto ko ng mahiga at matulog. Ngunit nang buksan ko ang ilaw ng apartment ko ay tila bumalik lahat ng enerhiya ko sa katawan.
Isang lalaki ang nakahiga sa kama ko. Shemay. Mabilis kong kinuha ang tambo na siyang una kong nakita at ibinaba ng maingat ang aking bag. Inihanda ko ang aking sarili sa maaaring mangyari. Mukha namang hindi magnanakaw ang lalaki dahil sa naka-white long sleeves ito at slacks. Ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil itinaklob niya ang unan ko sa kanyang mukha. Hindi kaya taga-kabilang unit ito at nagkamali lamang ng pasok ng kwarto? Pero paano niya mabubuksan ang kwarto ko? Ni wala nga akong pinagbigyan o pinahiram ng susi ko eh. Imposible namang naiwan kong bukas ito.
Akmang hahampasin ko na ito ng tambo nang gumalaw ito. Nalaglag ang unan sa sahig. Nang lapitan ko ang lalaki ay napagtanto kong si Ethan lang pala ito. I sighed. Sobra ang takot ko. Akala ko ay may mangyayari nang masama sa akin. Gigisingin ko sana siya ngunit napansin kong himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog. Tinanggal ko na lamang ang sapatos niyang suot. Marahil ay napagod din siya sa maghapong pagtatrabaho. I wonder kung paano siya nakapasok.
Nasasaktan ako para kay Ethan. And at the same time ay naiinis din ako sa kanya. Naalala ko tuloy ang mga sinabi sa akin ni Aika. Tandang-tanda ko pa ang bawat salita.
"Callie, you're trusting him too much. Kung talagang mahal ka ni Ethan, hindi niya ipagdadamot sa'yo ang katotohanan. Kung ayaw ka niyang masaktan ay sasabihin niya sa'yo ang lahat. Sa isang relasyon, dapat lahat ay balanse. Hindi pwedeng iisang tao lang ang mas nagmamahal o mas nasasaktan. Kung hindi mo na kaya, then stop."
Tama. Nakakapagod din ang maghintay. Kailan ba ang tamang panahon para malaman ko ang lahat? Ang sabi niya, hindi pa daw tamang oras. Nababaliw na nga yata ako. Kaya lang ay anong magagawa ko?Sobra ang pagmamahal ko kay Ethan.
Muli ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang kanyang mukha. Ang haba ng kanyang pilikmata. Ang tangos ng kanyang ilong. At ang mga labi niya? Shocks. Naalala ko ang halikan naming dalawa noon. Parang kay sarap ulitin. Dahan-dahan kong idinampi ang aking mga labi sa kanyang mga labi. I chuckled. Ang lambot talaga.
Aalis na sana ako nang muling gumalaw si Ethan. Niyakap niya ako at hinila papalit sa kanya. Ang higpit ng kanyang mga yakap. Ni hindi ako makagalaw at makawala. Biglang nag-init ang aking pakiramdam. Oh my gosh. What am I actually feeling right now? Pinagmasdan ko ito at mukhang tulog pa din ito. Ganito ba siya talaga kapag tulog? Bigla-bigla na lamang nangyayakap. Naku. Hindi siya pwedeng tumabi kahit kanino.
Ito ang unang beses na magkatabi kami ng sobrang lapit. Yung walang kahit kakaunting espasyo na namamagitan sa amin. Mukhang sa ganitong posisyon ako matutulog ngayong gabi. Hindi bale. Ayos lamang.
Kinaumagahan ay mas maaga akong nagising kaysa kay Ethan. Well actually, hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Medyo nahirapan ako dahil hindi ako makakilos. Naghanda ako ng almusal. Nagluto ako ng lugaw na may itlog. Yun lang kasi ang mayroon ako. I'm sure magugustuhan niya ito. Masarap ako magluto eh.
Mukhang walang balak gumising ang lalaking ito. Umupo ako sa tabi niya at ang mokong, aba nagkakamot pa ng ulo. Nakakatawa ang hitsura niya ngayon. Ang gulo ng buhok. Yung damit naman niya ay gusot-gusot na. Mukha siyang bata. Kinuha ko ang cellphone ko at nagselfie kasama siya. Kinuhaan ko din siya ng solo pictures. Tawa ako ng tawa habang iniscan ko ang mga kinuha kong litrato. Dahil sa likot at ingay ay nagising na din sa wakas si Ethan. Agad kong itinago ang cellphone ko.
Noong una ay nagulat siya ng makita ako. Ngunit nang lumaon ay ngumiti na din ito. Siguro ay narealize na niya kung ano ang nangyari.
"Good morning." Nakangiting wika nito habang hinahawakan ang aking kamay.
Kahit bagong gising, ang gwapo pa din. Ganoon yata talaga kapag espesyal sa'yo ang tao, puro positive sides niya ang napagtutuunan mo ng pansin.
Mula sa pagkakaupo ay yumakap ako sa kanya. "Ikaw ha! Paano ka nakapasok ng kwarto ko?" Tanong ko sa kanya. Dahil wala akong maalalang binigyan ko siya ng susi ko o pinahiram.
"Siyempre, may duplicate key ako ng apartment mo." Tatawa-tawang sabi nito.
"Baliw ka talaga." Sabay hampas ng mahina sa kanyang braso.
"Para bantay sarado ka sa 'kin" Dagdag pa nito. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig.
Napatawa akong lalo. Hayaan ko na nga lang.
Niyaya ko siyang kumain.
"Later. Lets cuddle first." Sagot niya sa akin.
"Aba at may nalalaman ka pang ganyan. Halika na. Bangon na." Sabi ko dito matapos kumawala sa kanya. Pilit kong hinihila ang kanyang mga kamay ngunit sadyang mas malakas siya sa akin kung kaya muli akong napayapos sa kanya.
Nagtama ang aming paningin. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata ni Ethan. Hindi niya ako niloko o niloloko. Ramdam ko yun. Kaya kahit anong sabihin ng mga tao ay sa kanya lamang ako maniniwala. Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Teka, ang aga aga, kiss agad? Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Ramdam ko nga ang hanging lumabas mula sa kanyang ilong. Ngunit bago pa may mangyaring milagro ay biglang 'kruuu'. Tumunog ang sikmura ni Ethan.
Napahiwalay ako sa kanya at napahagalpak ng tawa.