Naging maingay ang mga empleyado dahil sa nangyaring eskandalo. Mr. Cruz was terminated, of course. Ayos sa HR, hindi lamang ito ang unang pagkakataong may nagreklamo sa kanya ng sexual harassment that's why they decided na tanggalin na ito ng tuluyan sa kompanya.
But that is not what the others are thinking. Kung anu-anong istorya ang kumalat. Iba't ibang bersyon. Ang sabi nila, kasalanan ko rin naman daw ang nangyari sa akin. Kesyo inakit ko diumano si Mr. Cruz. At nang hindi ko nakuha ang gusto ko ay gumawa ako ng eksena at pinatalsik ito. May iba namang nagsasabi na may relasyon naman daw talaga kami ng manyak na yun at nang mahuli kami sa akto na gumagawa ng kabalbalan ay umakto ako na parang hindi ko gusto ang mga nangyari.
Sayang daw si Mr. Cruz, mahusay pa naman daw na empleyado pero nang dahil sa akin ay nawalan ito ng trabaho. Dagdag pa nga nila na kawawa ang kompanya. Nagsa-suffer ito dahil umano sa mga pesteng tulad ko. Ang sasakit ng mga sinasabi nila. Hindi naman nila ako kilala para husgahan ng ganoon. Ako na nga ang biktima, ako pa ang lumalabas na masama. Grabe lang. Nakakakulo ng dugo.
Pumasok muna ako sa restroom upang maghilamos. Bukod sa ang init init, nararamdaman kong gustong lumabas ng mga luha ko. Ayokong umiyak. Ayokong dito pa magdrama sa opisina. Kaya lamang ay hindi ko na mapigilan.
I spent a few minutes inside the cubicle. Hindi ko pa kayang lumabas ganitong mugto ang mga mata ko. At lalong ayoko pang lumabas dahil baka isipin nila na guilty ako sa mga ibinibintang nila. I suddenly got a text message. Its from Timmy.
Hey. Where are you? Are you okay? I've heard everything that has happened. I hope you're alright. Call me. I'm worried.
Dahil sa text ni Timmy ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. I realized na hindi ko dapat pinapansin ang sinasabi ng iba. I realized na may mga taong naniniwala sa akin at nagmamahal. Lalo akong napaiyak ng husto. Buti na lang ay may kaibigan akong katulad niya. Pati na rin si Aika na magdamag kong kausap kagabi sa phone. Pinalalakas niya ang loob ko. She even told Mico about what happened. And since private agent ang boyfriend nito, she promised me na sisiguruhin nila ang proteksyon ko. Baka daw kasi balikan ako ni Mr. Cruz upang maghiganti dahil sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Which is yun din ang inaalala ko.
Si Ethan kaya kamusta. Hindi ko siya ma-contact. Nag-aalala tuloy ako para sa kanya. Baka kasi kung ano din ang gawin sa kanya ni Mr. Cruz lalo na at siya ang nambugbog dito.
Muling tumunog ang aking telepono. Si Aika, tumatawag.
"Ai."
"Nasaan ka? Kanina ka pa wala sa table mo." Saad nito.
"Nasa restroom lang ako."
"Nandito si Sir Thomas sa office natin. He's looking for you."
"What?" Bakit kaya? "Sige, I'll be there."
I hurriedly washed up my face once again. Nagretouch din para umayos ang hitsura ko. Binilisan ko ang pagbalik sa office dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa si Ser. Napasobra kasi ang pag-eemote ko. Baka mapagalitan pa ako.
When I came in ay nagtatawanan sila. Sir Thomas seems fond of talking to Maddison and Aika. Buti ay nandito ang dalawa para aliwin si Ser.
"Oh, Ms. Callie." Sabi niya nang mapansin ang presensya ko.
"I heard what happened. Are you alright now?"
"Yes Sir, I am." Sagot ko sa kanya.
"By the way, the main reason why I came here is that I would like you all to meet someone. Lets go to the conference room." Pag-uumpisa ni Ser. Sa palagay ko ay ipapakilala na niya sa amin ang makakapalit ni Mrs. Marquez sa pwesto.
"Mrs. Marquez is not able to come back anymore. Though, her condition is quite good now, her doctor still insists on putting her into a bed rest. And a simple vacation is not enough so I decided to let her go." Sir Thomas continued.
"I have already chosen someone whose going to take over her position. She graduated at Harvard University and took up Business Administration. She's actually one of the top 5 students back there." Wow. Nakaka-amaze naman 'tong pumalit kay Madam. Ilang taon na kaya siya? Parang nakaka-intimidate naman yung magkaroon ng katrabaho na sobrang taas na ng narating. Sana katulad siya ni Mrs. Marquez, mabait din. Excited na akong makilala siya.
When we reached the conference room, someone opened the door for us. And I didn't expect kung sino ang nasa loob nito. Its her. Ang kasama ni Ethan sa Miracle Land. The one whom I thought as his girlfriend. Ang babaeng naghanda ng espesyal na regalo para sa kanya noon. Ang babaeng masayang-masaya si Ethan na kasama noon. Ouch. Why did I suddenly feel pain? Sino ba talaga ang babeng ito sa buhay ni Ethan? I am so confused right now.
Dahan-dahan siyang tumayo nang makita niya kami. She looked so elegant on her black dress. Napaka-professional tingnan. And her red lipstick makes her look really gorgeous.
Nagbatian sila ni Sir Thomas. But when she saw me ay tila nag-iba ang timpla ng mukha nito. Animoy may sama ito ng loob sa akin. Anong problema nito?
"Ladies, this is Meagan de Guzman. The beautiful daughter of Mr. de Guzman. I'm sure you know him, right? So, she will be your new head in your department."
I think I should talk to Ethan. Now.