12

26 4 1
                                    

Sobrang naging busy ang mga tao sa opisina dahil sa pagbubukas ng bagong project. Nag-umpisa na ang construction. Isang themed park resort ang itatayo sa syudad. At sa totoo lang ay masyado na akong nais-stress.


Tinanggihan ko ang posisyong inalok sa akin ni Sir Thomas. Ngunit dahil wala pang papalit sa posisyon ni Mrs. Marquez bilang head ng Admin Department ay itinalaga niya ako bilang Officer in Charge. Kaya ngayon, mas loaded ako sa trabaho. Sinabi ko na din sa bestfriend kong si Aika at Timmy ang tungkol sa bagay na iyon. Nagulat nga sila kung bakit ko pa daw ba tinanggihan.


"Kung nahihiya ka sa 'kin Callie, don't be." Sabi ni Aika. Lunch time ngayon at as usual kaming tatlo na naman nina Tim ang magkakasama. Sa canteen na lamang namin naisipang kumain dahil ayaw na namin lumabas. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.


"Marunong ka palang mahiya Cal." Pagbibiro ni Tim sabay tawa. Hinampas ko siya sa balikat dahil doon. Loko 'to eh.


"Tsaka, look at this." Sabi ni Aika sabay taas ng kanyang mga kamay.


"Oh em gee." Sabay naming tili ni Tim habang pinagmamasdang mabuti ang kamay ni Aika na may suot na singsing. Isang silver ring ang suot nito na may maliit na diamond sa gitna.


"Oh my gash Aika. Kailan pa 'to?" Tanong ko habang hawak hawak pa din ang kanyang mga kamay. Grabe nakakagulat talaga. Pero nakakatuwa.


"Just last night. He proposed. We're planning to get married after ng Christmas season." Kinikilig na sabi nito.


"Wow. We're happy for you Ai." Saad ni Timmy. Pareho naming niyakap ang babaeng engaged na.


"Thanks guys. Gusto ni Mico na magbakasyon daw muna kami bago kami maghanda para sa kasal. Gusto niya na magresign na ako sa trabaho. Syempre, gagawin ko yun kasi iyon ang gusto niya. Kung saan siya, doon ako. Kaya, ayun guys. Sorry ha. Masaya dapat tayo eh kaso medyo nalulungkot ako kasi magkakahiwalay na tayo." Sabi ni Ai.


Malungkot din ako dahil sa palagay ko ay matagal kaming hindi magkikita ng kaibigan kong ito. Nakakaiyak. Hindi na kami magkakasama sa trabaho.


"Hoy bruha, h'wag kang umiyak diyan. Nandito pa siya oh." Saway sa 'kin ni Timmy. Hindi napigilan ni Ai ang matawa.


"H'wag nga kayo. Nalulungkot na nga ang tao eh." Sabi ko. "Pero syempre Aika, masayang masaya pa rin ako para sa'yo. Finally, matutupad na yung isa sa mga pangarap mo. Yung makasama ang lalaking mahal na mahal mo at mahal na mahal ka din. 'Pag nakasal na kayo, gawa agad kayo ng inaanak namin ni Tim ha."


Lalong lumakas ang tawa nila dahil sa sinabi ko.



Dumaan pa ang maghapon. Kabi-kabilang meetings ang pinuntahan ko. Nagkaroon kasi ng ilang minor problems sa construction. At dahil doon ay medyo madedelay ang pagtapos ng project. Kaya lang ay hindi iyon maaari dahil na-announce na sa public kung kailan ang opening nito. So, kailangan mag-double time.


Mag-aalasais na ng hapon. Nagligpit na ako ng gamit upang lumabas. May usapan kami ni Ethan na magkikita ngayon eh. I promised him na sabay kami magdidinner. Excited na 'ko. Ilang araw ko din siyang hindi nakita. At namimiss ko na siya. Naisipan ko munang dumaan ng restroom para makapagretouch. Nasa isang cubicle ako nang tumunog ang pinto. May ilang babae ang pumasok.


"Grabe din yung babaeng yun anoh? Ang tindi makakapit." Ani ng isa.


"Oo nga. Nung nakaraan lang, janitor ang pinatos. Kahit sa elevator, nakikipaglampungan. Ngayon naman, kumakapit sa big boss. Sa bagay, mas malaki naman kasi ang pakinabang kapag ganun." Sabi naman ng isa pa.


Sino naman kayang pinag-uusapan ng mga ito.


"Tingnan natin kung hanggang saan siya. Lahat yata ng lalaki dito sa office, papatusin niya."


"Grabe, kadiri talaga."


Patuloy pa ang usapan nila ngunit humihina na ang mga tinig nito. Saka pa lamang ako lumabas ng cubicle. May kutob akong ako ang tinutukoy nila. Ewan ko ba. Feeling ko lang.



Tinext ako ni Ethan na nauna na daw siya sa pagkikitaan naming dalawa. Marahil ay kanina pa siya nakapag-out. Sinagot ko naman siya na on the way na ako. Pagbaba ko ng jeep ay agad ko siyang nakita. Nakasuot ito ng faded jeans at simpleng shirt. May hawak itong isang bulaklak. Palinga-linga pa siya sa paligid. Hindi niya pa pala ako nakikita.


Dahan dahan akong lumapit sa kanya upang gulatin siya. Miss ko talaga siya. Sa may bandang likod niya ay mayroong isang malaking paso na may halaman. Doon ako nagtago kaya hindi niya ako kaagad na nakita. Nasa plaza kami at dito namin naisip na magkita though hindi ko pa talaga alam kung saan kami pupunta. Siya na daw ang bahala sabi niya.


Nang malapit na ako ay kukulbitin ko na sana siya ngunit bigla siyang lumingon kung saan ako naroon. Kaya sa halip na siya lamang ang magulat ay maging ako ay naestatwa sa kinatatayuan ko. Dumampi ang kanyang mga labi sa akin. Dahil sa pagkagulat ay napaatras na lamang ako. Hindi ko alam kung ano bang irereact ko sa nangyari. Sobrang bilis. Maging siya ay gulat na gulat din.


"Ano.." Panimulang sabi ko. Ngunit hindi ko na alam kung ano ang aking isusunod. Tumalikod na lamang ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay namumula ako ng sobra ngayon. Ramdam ko rin ang pag-init ng aking magkabilang tainga. "Ano.. Ethan. Kanina ka pa? Ano.. Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang muli akong humarap sa kanya.


No Holding BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon