Tila tumigil ang paligid nang magtama ang aming paningin. How long has it been? Ilang months na nga ba? Matagal na iyon para sa akin. Pero parang kahapon lang lahat nangyari. We are silent for a moment. Si Sir Thomas ang bumasag ng katahimikan.
"So, paano? Iwan ko na kayong dalawa?" He shrugged his shoulders. "Bagal mo kasi." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis.
Ano bang dapat kong gawin sa mga oras na ito? Should I just leave? Pero bakit sila magkasama ni Sir Thomas? Maayos na ba ang lahat sa pagitan nilang dalawa? Anong nangyari sa nakalipas na dalawang buwan? Itatanong ko pa ba? Do I even have the right to ask?Ang tunog ng pinto ang nagpabalik sa aking ulirat.
Heto na naman ang pakiramdam na tila masikip ang paligid. Hindi ako makahinga. Inipon ko ang aking lakas upang makahakbang. Aalis na ako. I should, di ba?
Akmang lalabas na ako nang hawakan ni Ethan ang aking braso. That electricity again. His touch. I miss those. And then I looked at him.
"Don't leave." Bulong nito ngunit umabot naman sa pandinig ko. Namuo ang luha sa aking mga mata. I'm still hurt. I can still feel the pain. Bakit hindi nawawala? Ano pa bang ginagawa niya dito? Hindi ba dapat ay nandoon siya sa asawa niyang buntis?
Pinahid ko ang aking luha ngunit ayaw naman nitong tumigil sa pag-agos. I am even making a sound. Para akong bata.
"Halika nga rito." Sabi ni Ethan sabay hila niya payakap sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya. Yung yakap na tipong miss niya 'ko.
"I'm sorry for everything Callie. I'm sorry na hindi ko nasabi sa'yo lahat ng tungkol sa 'kin. Yung nakaraan ko. Yung tungkol sa biological mother ko. I'm also sorry for not telling you all my plans. But I never lied to you Callie. I love you so much and I know I've been a fool for letting you get hurt. Lahat ng pinakita ko sa'yo, totoo iyon." Dahan-dahang sabi ni Ethan. Hinarap niya ako sa kanya at pinahid ang aking luha. Ayaw bumukas ng aking bibig upang bumanggit ng kahit anong salita.
"It was too late when I found out that Eduard (de Guzman) was just using me para maangkin niya ang buong Harrison. I'm not a real Harrison. But its true that my mom used to be Mr. Benjamin's secretary. And she got pregnant by her boyfriend who refused to take responsibility of her at that time. Dahil sa awa, Mr. Benjamin tried to help her na minasama naman ng mother ni Thomas. Kinimkim niya iyon ng ilang taon hanggang sa nagawa nitong ipadukot kami at ipapatay. Fortunately, nakaligtas ako. Wala na rin naman si Mrs. Harrison kung kaya hindi na dapat ako magalit pa. And this Eduard, who used to be Mr. Benjamin's bestfriend, used me. He lied to me. He became so greedy because of insecurity at ayokong matulad sa kanya." Pilit kong iniintindi ang mga sinasabi ni Ethan. Ang dami.
"Thomas was the one who told me everything that has happened in the past. And I investigated on my own to double check. Then he asked for my help para ipahuli si Eduard. Si Eduard ang may kasalanan sa nangyaring aksidente noon sa construction site ng themed park kung saan may ilang namatay. Hindi lamang iyon ang kasalanan niya. But I don't wanna waste time talking about it. Sa ngayon, on-going pa rin ang kaso against him but we're pretty sure na at the end, babagsak din siya sa kulungan." Tiningnan ko siya sa mga mata. May isa pa akong gustong malaman.
"And lastly, I didn't really marry Meagan. Peke lang iyon. Kahit noong una, hindi ko pa alam na niloloko lamang nila akong mag-ama, hindi ko siya ginustong pakasalan. Simply because I didn't want to marry a woman I don't love."
Mahabang katahimikan ang namayani. Ang haba ng litanya niya. Pero totoo kaya ang lahat ng sinabi niya? Kung ganoon, ako ang talagang mahal niya? Should I hold back my feelings? Yes, my feelings for him because until now, mayroon pa din.
"Isang babae lang ang gusto ko. And now, I'm here in front of her to ask for her forgiveness, to ask her for another chance na mahalin niya ulit ako at na mahalin ko rin siya." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Kung bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, I'll do everything I can para makabawi ako sa'yo. Para hindi na kita masaktan ulit. Para alagaan ka. Para protektahan ka. Mahal na mahal kita Callie." Niyakap akong muli ni Ethan. Rinig ko ang pagsinghot niya. Umiiyak ba siya?
I feel in my heart na totoo ang lahat ng sinasabi ni Ethan. Ramdam ko iyon. Ang dating Ethan na nakilala ko at minahal ko, nandito siya sa harapan ko. Same Ethan. At hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya.
I hugged him back. Because I wanna give him another chance, our relationship another try. And I don't wanna hold back my feelings for him because I don't want to lose him again.
Kumalas ako sa pagyakap at tiningnan ko siyang muli sa mga mata. "Ulitin mo ang lahat ng sinabi mo."