Habang nagtutulak ng push cart ay si Ethan na naman ang naiisip ko. Ano ba yan. Ethan mode na naman ang peg. Mukhang dapat ay itigil ko na ito habang maaga pa. Baka kasi mamaya, mahulog ako ng sobrang lalim, wala namang sasalo sa akin.
Tama! Ano man itong nararamdaman ko ay purong crush lang. Naattract lang ako sa kanya. Sino ba namang hindi di ba? Gwapo, maputi, matangkad, singkit ang mata, matangos ang ilong. Lahat ng physical characteristics na gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya nang lahat.
My goodness! I should stop admiring him na. Ano ba itong nangyayari sa 'kin?
Hotdog, eggs, cup noodles, wheat bread, milo, coffee. Hmmn. Ano pa bang kulang? Ahuh! Bigas siyempre. Mga 5 kilos ang bibilhin ko. Enough na 'to for me sa loob ng dalawang linggo. Shampoo, bath soap, powdered soap, bleach na panglaba. Naglagay na din ako ng mga canned goods at kung anu-anong condiments na madalas kong gamitin.
Hirap na hirap ako sa pagdala ng mga pinamili kong supplies na pagkakasyahin ko sa dalawang linggo. Nakadalawang eco bag ako, hindi pa kasama ang bigas. Pero anong magagawa ko. Ayoko namang magpabalik balik sa grocery store. Nagtricycle pa din ako pabalik sa apartment kahit malapit lang naman ito. Naaawa naman din kasi ako sa mga braso ko, ang pupula na. Ngayon naman, aakyat pa ko ng stairs. Goodluck naman sa akin. Konting steps na lang at mararating ko na din ang rurok ng tagumpay. Natatawa na ako sa sarili ko dahil sa nangyayari. Bakit ba naman din kasi sa 3rd floor pa yung apartment ko? Well, pinili ko dun kasi pinakamalapit sa roof top since three story building ito. Doon kasi sa roof top may sampayan ng mga damit. Haha.
Anyway, four more steps na lang then nasa 3rd floor na ko. Nasa last step na 'ko ng biglang. Boogsh! Napatid ako.
Nalaglag lahat ng bitbit ko at napatuon ang mga palad ko sa semento. Isama pa ang tuhod ko. Mangiyak-ngiyak ako sa sakit na nararamdaman. Hindi lang ngayon braso ang mapula sakin, pati na rin ang aking mga tuhod at palad ko. Sobrang sakit. Nagkalat ang mga delata kong binili pati na din ang mga toyo at suka. Mabuti na lang at hindi nabutas ang lagayan ng bigas.
Habang nagpapagpag ng damit ay napansin kong may pumupulot na ng mga pinamili kong naglaglagan. Sa tindig pa lamang at hitsura ng kanyang likuran ay alam ko na kung sino ang lalaking ito. Mabilis niyang napagsama-sama ang aking mga pinamili at nang matapos ay humarap siya sa akin ng nakangiti. I guess I need to be used to his presence na. Hindi ko siya maiiwasan.
"Nako thank you." Nakangiti kong sambit sa kanya. Akma ko na sanang kukunin yung mga pinamili ko na ngayon ay bitbit pa din niya, nang ilayo niya ito sa akin.
"Ako na ang magdadala. Saan ba ang unit mo?"
Shemay. Nakangiti pa din ang loko. Lalo akong maiinlove sa kanya niyan.
"Ahmm. Dun lang sa 310." Sabay lahad ng kamay ko kung saan naroon ang kwarto ko.
"Ahh. Magkatapat lang pala tayo."
Bigla kong naalala yung mga panahong iniwasan niya ako. Pero sa tingin ko, hindi ko dapat iungkat ang bagay na iyon sa kanya. Para saan di ba? At saka, we're just acquainted to each other. We're not even friends.
"Thanks again." Pasasalamat ko sa kanya matapos niyang mailapag sa doorstep ko ang mga pinamili ko.
"Walang anuman Ms. Callie."
"Hwag mo na akong i-miss. Wala naman tayo sa trabaho atsaka isa pa, hindi ako sanay na tinatawag ng ganyan." Sabi ko dahil medyo naiilang ako sa ganoon.
"Ganoon ba. Oh sige Callie." Nakangiti pa din siya. Mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit itinikom na niya ang kanyang bibig. Napakunot naman tuloy ang noo ko.
"Mauna na 'ko." Wika niya.
"Oh sige." Ngiti ko sa kanya pabalik. Agad kong isinarado ang pinto nang umalis siya sa aking harapan.
Noong una ay pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko kina Timmy at Aika na si Ethan na ang bagong neighbor ko. Pero wala eh. Sinabi ko pa din. They're my friends. Medyo naiinis kasi ako sa sarili ko at wala akong mapagsabihan. 'Cause instead of stopping myself from falling, I think I'm doing the opposite.
"Hindi kaya meant to be kayo?" Sabi ni Aika.
Shocks ayokong umasa.
"Oo nga Callie. Kasi bakit pinaglalapit kayo ng tadhana, di ba?"
Sabay harap nito kay Aika na tumatango-tango pa.
"No. Ayokong umasa." Animoy pinal kong sabi sa kanilang dalawa. Dahil kasi sa mga sinasabi nila, masyado akong naghohope na baka nga pwede kaming dalawa. Pero hindi dapat. Mali ito. Hindi ganitong klaseng love life ang pinapangarap ko. Ang gusto ko ay yung lalaking gusto ako at mahal ako.