24

25 3 1
                                    

Isang magarbong party diumano ang idadaos sa kompanya bukas. Kung kaya abalang-abala sa pag-aayos ng setup ang catering services, mga designers at kung sinu-sino pa para lamang mapaghandaan ang big event na ito. Ang alam ko ay babalik na si Ethan base sa pag-uusap namin noong isang gabi. Sinabihan pa niya ako na hindi ko naman daw kailangang pumunta sa party dahil magkikita naman kami right after. Kaya lamang ay nirerequire ang lahat ng empleyado na umattend kung kaya pupunta pa din ako. Sabi nila, isang welcoming party lamang ito. Pero grabeng party ito, napakagarbo. Nabalitaan ko kasi na may ilan pang celebrities ang inanyayahan para magperform. Sinu-sino kayang artista ang dadalo? Excited na ako. Pero siyempre, mas excited ako dahil babalik na si Ethan ko.


Natatawa ako kay Tim. Panay ang reklamo nito sa neck tie niyang suot. Nangangati daw siya. Baliw kasi eh. Porke naka-purple dress ako ay purple na neck tie din ang ginamit niya para daw partner kami. Nahihibang na talaga siya.


Gustung-gusto ko na talagang makita si Ethan. Miss na miss ko na siya. At isa pa, may misyon ako. Kailangang makumbinsi ko siyang makipagkita kay Sir Thomas, sa kapatid niya.


Napakadami ng tao sa hall. Lahat kasi ng empleyado ay nandito. Nakakapit ako sa braso ni Tim nang pumasok kami. Well, pinilit niya lang ako. Ako daw kasi ang date niya. Ewan ko ba. Noong una, diring-diri siya kapag ganito kami pero ngayon siya pa ang nag-iinsist na maghawak kami ng kamay.


Hindi pa nagsisimula ang party. Wala pa kasi ang bubuo ng event. Siyempre ang CEO iyon. Para sa kanya ang party na ito.


Ilang sandali pa ay nagsalita ang emcee. Hudyat na magsisimula na ang big event. Ang dami niyang sinabi. Blah blah. Pero tungkol lahat sa journey ng life. Ano ba naman yun. Anyway, hayaan ko na lang siya.


"And now, let us welcome the CEO of Harrison Corporation, Mr. Ethan George Harrison." Mula sa backstage ay lumabas ito. Seryosong-seryoso ang awra. Hindi man lang ngumingiti. Ang suplado naman. Nagpalakpakan ang mga tao. Parang dejavu. Nangyari na ito noon.


Okay lang kung hindi muna kami makapag-usap ngayon. Ang sabi naman niya sa akin ay magkikita kami mamaya. Pupuntahan niya ako sa unit ko.


"And of course." Sabi ulit ng emcee. "Makakalimutan ba naman natin ang First Lady ng Harrison." Napabaling ako sa emcee. Ang buong atensyon ko ay nakatuon sa stage. Ang Harrison, my first lady? Kailan pa? "Let us also welcome, the wife of our CEO, Ms. Meagan De Guzman Harrison."


Wait! What!?


Biglang lumabas si Meagan mula din sa backstage at terno pa talaga sila ni Ethan ng suot na dress.


Anong sabi ng emcee? Wife daw? Si Meagan? Wife ni Ethan? Tama ba ang dinig ko o namali lamang ako ng intindi.


"They just got married last week sa New York. At ang daya nila Sir, hindi tayo ininvite." Natatawa pang sabi ng emcee.


Fuck! Kung ikaw natatawa, pwes ako hindi.


"But anyway, ayos lang. Lets give a round of applause to the newly weds." At muli ay nagpalakpakan ang mga tao. May ilan pa ngang sumigaw ng 'Congratulations'. Ibinaba ang nakarolyong banner mula sa ceiling. Isang malaking larawan nina Ethan at Maegan ang tumambad. Mga litrato mula nang sila ay mga bata pa hanggang sa ngayong edad nila. 'Mr. & Mrs. Harrison'. Iyon ang nakasulat. Is this for real?


I suddenly felt my tears run down my cheeks. Ano na naman ba ito Ethan? Nakailang mura na ako. Salimpusa lang ba ako dito? Fuck talaga. I didn't know kung papaano ako nakalabas ng hall. All I want is air to breathe. Totoo ba ang lahat ng ito? They got married? Fuck. Just fuck. Fuck you Ethan! Ano ba talaga ang balak mo?


I burst out crying. Hindi ko na kaya. I couldn't hold back my tears anymore. Si Ethan, he's married already. Totoo na ba iyon o fake lang? I need to talk to him. I need an explanation. I'm sure may paliwanag siya sa lahat ng ito. Just when I was about to go back at the hall, Tim stopped me.


"Please Callie, stop." Ani nito. Nakita ko ang awa sa kanyang mukha.


"I will just ask him if its true Tim. Gusto ko lang marinig ang paliwanag niya." Sagot ko dito habang punas-punas ang aking mga luha.


"Ano ba Callie!? H'wag ka ngang tanga! Harap-harapan ka na niyang niloloko. Open your eyes! " This time ay sinigawan na ako ni Tim. Nabigla ako. This time is also the first time I saw him with so much anger.


Hindi ko na kinaya. Lalong kumawala ang luha ko. Napahagulgol na lamang ako. Napaluhod ako sa semento dahil sa nanlalambot kong mga tuhod. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap sa akin ni Timmy. Bakit ganoon?


"Tim, ang sakit." Walang tigil ang paghikbi ko. "Ang sakit sakit dito oh." Sabay duro sa kaliwang parte ng dibidb ko.


No Holding BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon