"Callie, pinapatawag ang lahat ng heads." May pag-aalalang sabi ni Aika nang idungaw nito ang kanyang ulo sa pintuan ng opisina ni Mrs. Marquez. Alam niyang kinakabahan ako. Anong gagawin ko? Kanina ko pa narinig na may meeting ang lahat ng department heads. Ilang araw nang may sakit si Madam at hindi siya nakakapasok. Kailangang may dumalo sa meeting na iyon mula sa aming departamento.
Tuluyan ng pumasok si Aika. "H'wag kang mag-alala. You just have to take down notes. Answer what they might ask. They would understand naman bakit wala si Madam."
I sighed. I guess I don't have a choice. Kailangan may isang umattend at least one representative lang. Sobrang kinakabahan ako. Paano ba naman kasi? Lahat ng board members, mga stock holders, at investors ay nandoon mamaya. Mabuti na lamang at medyo nabrief ako ni Maddison tungkol sa mahahalagang tao na bumubuo ng Harrison Corporation. Ang daming alam ng babaeng yun.
"Sige. I'll be going then."
May iilang tao ang nasa loob na ng conference room. Mukhang mahalaga ang pagmi-meetingan ngayon. Mabilis kong hinanap ang upuan na nakalaan para kay Mrs. Marquez. Ilang minuto pa lamang akong nakakaupo ay may dumating na isang matandang lalaki. Napapalibutan ito ng mga body guards. Sino kaya ito? Nagtayuan ang mga nandoon upang batiin siya.
"Welcome Mr. de Guzman." Bati ng ilan.
Siya pala si Mr. de Guzman. Sa pagkakaalam ko, siya ang major stock holder ng Harrison Company. Ilang saglit lamang ay dumating na din ang CEO. Si Sir Thomas. Nagsiupuan na ang lahat.
"Good morning everyone." Panimulang bati ng aming big boss. Sabay pasada ng tingin sa lahat ng naroon. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang tumagal ng mga 5 seconds ang pagtingin niya sa kinauupuan ko. Malamang he's wondering kung bakit wala si Madam.
Then he started his presentation. Napakadami niyang sinabi. Tingin ko ay nag-overload sa impormasyon ang utak ko. Nakakatuwa na dahil sa pagdalo ko sa meeting na ito ay mas nadagdagan ang nalalaman ko sa background ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. 49 years na palang nag-ooperate ang Harrison Corporation. Nagsimula sa isang maliit at simpleng construction company hanggang sa naging in line din sa mga sasakyan. Ang dami pang naipatayong mga hotels and restaurants. At ang lahat ng iyon ay dahil sa pagtitiyaga ni Dr. Benjamin Harrison, ang magiting na ama ni Sir Thomas. And when Dr. Ben died, si Sir Thomas na nag-iisang anak ang nagmana ng lahat. At syempre, siya na ang nagpatuloy ng business.
And now, pinepresent niya ang isang bagong project na ilulunsad ng kompanya. And the reason why kailangan na naandito ang lahat ay dahil hindi ito isang simpleng proyekto lamang. Based on his presentation, the estimated expsenses that would be consumed for this would reach 15 billion pesos. Oh my! Ang laking pera nun.
Natapos ang presentation. Kailangan ko na lang isummarize lahat ng notes para naman ireport ko kay Mrs. Marquez pagbalik niya sa trabaho. Nag-ayos na ako ng gamit at nagmadali nang umalis. I think hindi na naman ako kailangan pa duon.
Kinahapunan, nag-aya si Maddison magpunta sa bar. Kasama ang iilan naming office mates. I've never been into bars my whole life. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi. Boring ang buhay ko eh. Wala masyadong thrill.
"You're going?" Tanong ni Aika.
"Actually, iniisip ko pa." Nasa labas na kami ng opisina. Kanina pa kami naghihintay ngunit parang wala yatang susundo kay Aika.
"San ang sundo mo?"
"Wala. Uuwi akong mag-isa ngayon." Sagot naman nya. Hmmn. Mukhang may LQ sila ni Mico.
"Then lets go together." Nakangiting wika ko. Bad influence eh noh.