Nagkaroon ng aksidente sa construction site. Isang malaking pagsabog ang nangyari at marami ang lubhang nasugatan. Hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng pagsabog. Mabuti na lamang at walang namatay. Ngunit naging mainit ang Harrison Corporation sa media. Bagamat, inaasikaso ng kompanya ang pagpapagaling ng mga empleyadong nasaktan maging ang ilang sibilyang nadamay. Kaya lamang ay maging ang mga netizens ay nang-gagalaiti dito. Ipinapagawa umano ang ang resort themed park na iyon para pasiyahin ang mga tao ngunit hindi pa man ito nagbubukas ay nakakapanakit na ito at nagdulot pa ng kapahamakan sa mga tao.
May ilan pa ang nagsagawa ng pagwelga upang ipatigil ang construction. Narinig ko sa mga balita na naalarma na diumano ang mga investors ng kompanya which is hindi naman dapat dahil under control naman ang lahat. I think everyone is just overreacting. Ngunit ganun pa man, napansin ko na stress na stress na ang aming big boss. Nakita ko kasi ito minsan na nagsisigarilyo sa loob ng opisina niya. O siguro iyon ang first time kong makita siyang ganoon. Ayon nga kay Ms. Anne, halos hindi na ito umuuwi ng bahay dahil tinututukan nito ang problema sa construction.
Maaga akong pumasok kinabukasan. Naisip ko kasi na kailangan ko ding tumulong upang maresolba ng kompanya ang problema. Pagpasok ko ng opisina ay napansin kong bukas na ang office ni Ms. Meagan. Marahil ay nandito na siya. Ang aga din niya. Papasukin ko sana siya sa loob ng office niya upang batiin ngunit may kausap yata siya sa telepono. Aalis na sana muna ako ngunit parang narinig kong binanggit niya ang pangalan ni Ethan.
Are you dating her? She paused for a moment, waiting for an answer. Si Ethan kaya kausap niya? I mean, yung Ethan na boyfriend ko? Bakit hindi ka makasagot? Damn it Ethan! Nagtataas na ng boses si Ms. Meagan. Hindi siya makakatulong sa'yo alam mo iyan. Makakasagabal lang siya sa mga plano natin! Itigil mo na 'tong kahibangan mong ito or else ako ang gagawa ng paraan para maghiwalay kayo! Huling kataga nito bago mukhang inihagis ang telepono sa sahig na siyang naglikha ng maingay na tunog.
Dagli akong lumabas. Baka kasi makita pa ako ni Ms. Meagan at malaman pa niyang narinig ko ang lahat ng mga sinabi niya. Si Ethan nga kaya ang kausap niya? Alam kong malapit sila sa isa't isa. Pero si Ethan nga kaya? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ako ba ang tinutukoy niyang dinedate niya? Atsaka ano yung tungkol sa plano? Ano ba ang meron? Grr. Parang sasabog ang utak ko. Hindi! Imposibleng si Ethan ko yun. Hindi nun ako magagawang lokohin. Mahal niya ako kaya siya lang ang pagkakatiwalaan ko.
Ilang araw na ang lumipas but those thoughts are still bothering me. Hindi ko dapat ito hayaan. Maaaring ikasira ito ng relasyon naming dalawa ni Ethan. At isa pa, may problema pa ang kompanya na dapat naming pagtulung-tulungang ayusin. Lalong lumala ang sitwasyon. May isa kasing empleyadong binawian ng buhay sa hospital. Hindi ito magawang tanggapin ng kanyang pamilya kahit pa anong paghingi ng tawad ang gawin ni Sir Thomas. Hanggang sa kumalat ang balitang papalitan na ang CEO ng Harrison.
Nagkaroon ng palagiang meeting ang mga heads. Maging ang mga board members at stock holders ay present din. May ilan kasing investors ang gusto ng magback out sa project. At kapag natuloy iyon, isa 'yung malaking kawalan sa kompanya. Sa tantya ko ay nasa 50% na ang construction. Ilang bilyong pera na ang nagastos. Hay. Sana matapos na ang problema ng kompanya.
Pagod na pagod ako nang umuwi sa apartment. I wonder kung nakauwi na din si Ethan. Itext ko kaya siya.
To: Ethan
I'm home. San ka na?
Ilang minuto ang lumipas but I didn't get any reply from him. Ang busy naman yata ng lalaking iyon. I texted him again.
To: Ethan
Maen ka na?
Ilang oras na pero wala pa ring reply si Ethan which is very unusual. Kahit busy yon, he'll find time para makausap ako. It's either magtetext kami or tatawag siya para lamang kamustahin ako. This is frustrating. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Ms. Meagan last time.
Nang sumunod na araw ay ganoon pa din ang nangyari. I tried to call Ethan but he's phone is unattended. Anong nangyari doon?
Nang hindi na ako makatiis ay sinubukan ko siyang puntahan sa unit niya. Ilang beses akong kumatok ngunit wala pa din. Hanggang sa isang gabi, muli sana akong kakatok sa kwarto niya. Ngunit paglabas ko ng unit ko ay sakto namang pagliko niya pababa ng hagdan. Sinundan ko siya. Patakbo itong lumabas at mukha siyang nagmamadali. Ngunit dahil sa bilis niya ay hindi ko siya naabutan. Hindi ko na siyang nagawang tawagin. Nakakainis naman si Ethan.
"Oh ineng, gabi na ah. Bakit nandyan ka pa sa labas?" Si Manang Myrna.
"Ahmm. Wala naman po. Hahabulin ko po sana si Ethan kaya lamang ay hindi ko na inabutan." Sagot ko sa kanya.
"Aba'y oo nga. Ano bang nangyayari sa batang 'yon?" Tanong nito. Nagtaka naman ako. "Noong isang gabi, umuwi iyon na puro pasa ang mukha. Mukhang napaaway. Ayaw naman sabihin kung anong nangyari." Pagkukwento ni Manang Myrna.
What? Puro pasa daw? Si Ethan? Ano bang nangyayari sa boyfriend ko?
"Sigurado po ba kayo diyan Manang?" Pagkukumpirma ko.
"Oo ineng. Naku ikaw nga ay pumasok sa loob. Nilalamig ako sa suot mo eh." Puna nito sa suot kong sleeveless shirt at shorts.
"Sige po Manang, akyat na po ako."
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. Gustung-gusto kong kausapin si Ethan pero hindi ko naman siya ma-contact. Ang dami kong tanong. At sa dami nito ay baka sumabog na talaga ang utak ko. Ang dami kong gustong malaman. At siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Pero nasaan siya. Saan siya pupunta? Grr. Bakit ang dami kong hindi alam? Nagsisinungaling ba siya sa akin? Niloloko niya ba ako?
I got destructed by my own ring tone. Agad kong hinanap ang phone ko expecting that it would be Ethan whose calling me. Pero I was wrong. Its Aika.
"Hello Ai." I answered it with dismay.
"Hello Cal. Where are you?"
"Nandito sa apartment ko. Why?" Pabigla-bigla naman 'tong si Aika. Bakit kaya?
"Don't go anywhere. Mico will fetch you. There is something you need to know." Sagot nito na lalong nagpakaba ng dibdib ko.