"So, anong papanoorin natin?" Tanong ko kay Tim habang tinitingnan ang listahan ng mga showing ngayon na pelikula. We're watching a movie today dito sa mall dahil sa usapan naming dalawa. The boyfriend-girlfriend pretend thingy you know.
"Ito na lang." Walang ganang turo nito sa Cartoon Movie.
"Sige." Yey! Ngayon lang ako ulit makakapagsine eh.
We bought some snacks bago tumuloy sa sinehan. Siyempre si Tim lahat ang gagastos dahil siya naman ang boyfriend sa aming dalawa. Enjoy na enjoy ako sa panonood ng spongebob samantalang ang kasama ko nama'y ginawa ng unan ang balikat ko sa pagtulog. Nang matapos ang pelikula ay kumain naman kaming dalawa.
And because I'm craving for pasta and pizza ay nag-pizza hut kaming dalawa. Para hindi na din siya ganoong mamulubi sa akin. Habang kumakain ay nakareceive ako ng text mula kay Ethan. He's asking me if I've had lunch already. I replied to him naman. Madalas kaming nag-uusap sa text ni Ethan. Lagi ko siyang kinakamusta simula nang magkausap kami ni Nay Lucy.
"Ano nang update sa inyo ni Ethan?" Wow, Timmy seems so serious today.
"Well, wala naman masyado Tim." Dapat ko bang sabihin sa kanya na nililigawan na ako nito.
"He's courting you. Tama ba ako?" Mataman ako nitong tiningnan. Hindi ako nakasagot kaagad.
"Ayos lang naman 'yon Callie. Kung ganoon ay hindi na natin maitutuloy ang naging usapan natin." I can sense sadness in his voice.
"No Tim." Agad kong sagot sa kanya. "We can still go on as what we planned. Hindi naman siguro makakasagabal ang relasyon naming dalawa sa atin." Kung anuman ang dumating na problema, sigurado akong laging may solusyon.
"Sigurado ka ba?" Napalitan naman ng pag-aalala ang tinig nito.
"Hmmn. Hmmn." Sagot ko habang tumatango-tango pa.
After eating ay naggrocery naman ako. At dahil nagvolunteer si Tim na samahan ako ay hinayaan ko siya. Dinamihan ko ang mga pinamili ko since may taga-bitbit naman ako. Ahahaha.
"Grabe. Ganito ka ba lagi mamili o ngayon lang?" Pagrereklamo ni Tim. Ang cute niyang tingnan. Pinipilit niyang umaktong lalaki pero may mga pagkakataong lumalabas ang kanyang pagka-alam nyo na. Wala akong tigil sa pagtawa hanggang sa makarating kami sa apartment.
"Thank you Tim ha? Buti na lang talaga kasama kita kundi ako sana lahat ang magdadala ng mga iyan."
"Tss. Hindi ka na makakaulit sa akin Cal. Tandaan mo yan." Sinamaan ako nito ng tingin.
Nagpaalam na din si Tim matapos ko siyang painumin ng juice. Diumano ay may gagawin pa daw siya. Sus. Natakot na siguro ang mokong na baka may ipagawa pa ako sa kanya kaya nagmadali siyang umuwi.
The next day sa office as usual ay hectic na naman ang sched. Sir Thomas called me this morning to inform me na may pansamantalang papalit kay Mrs. Marquez as Admin Head. And that she will be arriving today. So babae din ito. Buti naman kung ganoon. Mababawasan na ang trabaho ko.