25

22 4 1
                                    

Matapos ang insidenteng iyon ay hindi na ako bumalik pa ng Harrison. Ilang araw akong nagmukmok sa apartment ko. Hindi ako lumalabas. Hindi ako tumatanggap ng bisita. Kahit si Aling Myrna ay hindi ko nagawang pagbuksan ng pinto. I am so messed up.


I hate Ethan right now. But I hate myself even more. Hinayaan kong magkaganito ako. Hinayaan kong masaktan ako. Mas pinahalagahan ko ang nararamdaman ko para sa kanya kaysa sa aking sarili. Ni hindi ko pinansin ang payo ng mga kaibigan ko sa akin. Ang laki kong tanga. Napakahina kong tao.


Si Timmy naman ay laging nandiyan para sa akin. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil ipinagtatabuyan ko pa siya minsan. Gayong nagmamalasakit lang naman siya sa 'kin. Halos araw-araw ay niyaya ako nitong lumabas ngunit palagi naman akong tumatanggi. Alam ko na gusto lang naman niya akong tulungan. Bigla kong naisip, hindi ako dapat ganito. Bigo man ang pakiramdam ko ay hindi ako dapat ganito sa mga kaibigan ko.


Humarap ako sa salamin ng aking banyo. Ang laki at ang itim ng eyebags ko. Anong nangyari sa'yo Callie? Tanong ko sa sarili ko. Bakit ako nagkaganito?


Bigla ay naisip kong lumabas. Kailangang ayusin ko ang sarili ko. At ang una kong naisip ay ang puntahan si Tim. Sa tingin ko ay kailangan kong bumawi sa kanya.


"Pasok po kayo Ma'am." Nakangiting wika sa akin ng guard na nakabantay sa malaking gate ng bahay nina Tim.


Pangalawang punta ko na ng bahay nila pero namamangha pa din ako sa pagiging malaki nito. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ni Tim na magtrabaho. Kaya lamang siya napadpad sa Harrison ay dahil pinagtataguan niya ang kanyang mga magulang.


"Ay Ma'am, tuloy po kayo." Sabi ng isa sa mga kasambahay nang makita ako nito. Nakakatuwa dahil naalala pa nila ako. Kaya agad din ang pagbati ko dito.


"Si Tim po?"


"Nasa kwarto niya po Ma'am. Kung gusto ninyo po, puntahan ninyo na lamang siya doon." Pagsu-suggest nito.


Dahil hindi ko alam ang daan papunta doon ay itinuro na lamang niya ito sa akin. Ang sabi ng gwardya ay wala ang Mama at kapatid ni Tim. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Dahil hindi namin kakailanganing magpanggap ngayon.


Pag-akyat ng hagdanan ay diretso lang at pagkatapos ay kakaliwa. Ang pangatlong pinto ay ang kwarto ni Tim. Yun ang sabi ni Nanay Belen. Malapit na ako sa kwarto ng mapansin kong nakabukas ang pinto nito. Kumatok ako ng marahan ngunit walang sumasagot. Ang sabi ni Nanay Belen ay nandito lang si Tim at hindi naman ito umaalis pero parang wala namang tao sa loob. Bahagya akong sumilip sa loob ng kwarto ni Tim. Grabe ang laki. Pero nasaan siya? Tuluyan na akong pumasok para hanapin siya. Hindi naman siguro siya magagalit.


Black and white ang theme ng kwarto. Ang cozy at talagang nakakarelax sa mata. Kumpleto sa setup. May maliit pa na gym. Ngunit ang pinakanagustuhan ko ay ang kama. Sumampa ako dito. Ang lambot. Ang sarap sarap siguro matulog sa ganito. Pasensya na Tim. Pwedeng angkinin ko na lang 'tong kama mo? Napatawa ako.


Napabalikwas ako ng bangon nang may mapansin akong tao sa may veranda. Si Tim iyon. Ngunit tila may kausap ito. Hmm. Sino kayang ka-video call ng bruhang 'to? Dahan-dahan akong lumapit. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Iistorbohin ko ba?


"Bakit hindi mo aminin sa kanya ang nararamdaman mo?" Tinig ng isang babae. Kilala ko ang boses na 'yun ah. Si Ai. 


"Para saan pa? May mahal siyang iba." Sagot naman ni Tim ng may hinagpis. Bigla ay napahawak ito sa kanyang ulo.


Ohemgee. Umiibig na ba si Timmy? At wala akong alam? Anong klase akong kaibigan? Talagang napabayaan ko na ang mga tao sa paligid ko.


"Eh kesa naman nagkakaganyan ka. Malay mo Tim, ikaw pala talaga ang para kay Callie. Hindi naman sa porket aamin ka ng nararamdaman mo eh, nagtetake advantage ka na."


What!? Teka. Wala akong maintindihan. Paano ako nasali sa usapan?


"I don't know Ai. I just.." Itutuloy ko pa ba ang pakikinig sa usapan nila? Gusto kong gumalaw, maglakad at tumakbo palayo.


"I love her." Her? Ako ba ang tinutukoy niya? Shet.


Sa sobrang kabog ng dibdib ko ay hindi ko sinasadyang natabig ang flower vase na nasa aking tabi. Gumawa ito ng ingay. Ngunit bago pa makalingon at makapasok mula sa veranda si Tim ay agad na akong tumakbo palabas ng kwarto nito. I don't know what to say.


I run down the staircase. Ganoon din ang ginawa ni Timmy. I heard him calling out my name but I did not look back. Imposible iyon. Binabae siya. Imposible talaga. Tinawag pa ako ng isa nilang kasambahay ngunit hindi ko na iyon pinansin.


Mabilis akong nasundan ni Tim. Dali-dali niyang hinawakan ako sa braso nang makalapit ito. Hindi ko ito matingnan ng diretso. Tila nanuyo din ang lalamunan ko. Wala akong masabi na kung ano. Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang mga kamay upang hawakan ako. Magsasalita na sana siya ngunit may biglang umubo sa gilid namin.


"Iha, you're here." Ani ni Mr. David Tiongko na tila kadadating lamang, ang ama ni Tim. Sa kanyang paligid ay madaming bodyguards.


Agad ko itong nilapitan upang makipagbeso. Ngayon ko pa lamang siya nakita dahil hindi ko ito naabutan nang minsang magkaroon sila ng party dito sa bahay dahil sa kaarawan ni Tricia. Ngunit kilala niya ako, malamang dahil lagi niya kaming pinasusundan ni Tim noon.


"What are doing here outside? Come on. Lets have lunch together. We have visitors." Ani ng matanda.


Bigla namang lumitaw ang tinutukoy nitong visitors. Si Ethan at Meagan. Fuck! Bakas ang gulat sa mukha ng dalawa. Marahil ay ganoon din sa akin at kay Timmy.


"By the way, Mr. Harrison, I believe you know my son already? He worked at your company." Baling ni Mr. David kay Ethan. "And this is his girlfriend, Callie."


Naramdaman kong humigpit ang pagkakawak ng kamay ni Tim sa akin.





No Holding BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon