30

8 2 0
                                    

Dumating ang araw ng Martes. I wore a very simple formal dress at nagflats na lang din ako dahil for sure maputik doon. Pagkatapos kong magpaalam kay Mama ay sumakay na agad ako ng tricycle. I don't want to be late.


Pagdating ko sa lugar ay kakaunti pa lamang ang tao. Naglakad-lakad ako at napansin ang nagkalat na confetti. Saka ko napansin na ang mga tao ay tila papaalis na ng lugar. Tiningnan ko ang aking relo at 10 pa lamang ng umaga. Ang sabi sa akin ni Ms. Joanna ay 11 ang simula dahil pagkatapos ay sama-samang magla-lunch ang lahat ng empleyado.


Pero bakit nag-aalisan na sila? May nakita akong Manong kaya nilapitan ko ito.


"Kuya, tapos na po ba yung ceremony?"


"Aba'y oo Ineng. Katatapos lang. Papunta na sila sa opisina dahil doon naman gaganapin ang tanghalian." Sagot nito sa akin.


Eh bakit ganoon? Mali ang oras na ibinigay sa akin ng HR. Tsk. Anong gagawin ko ngayon? Alangan namang sumunod pa ako doon para lang makikain. Sakto namang tumawag si Ms. Joanna.


"Hello Ma'am."


"Ay Ms. Callie, pasensiya na. Mali ako ng nasabing oras sa'yo. Nandiyan ka ba sa site?"


"Opo Ma'am." Naiinis ako sa kanya. Ewan ko kung bakit.


"Pasensiya na talaga. Humabol ka na lang dito sa opisina. Lahat kasi ng natanggap na empleyado ay nandito. Sumunod ka ha?" Pakiusap nito. Mukha namang sincere si Ms. Joanna.


"Sige po Ma'am. Pupunta na po ako." Bad mood na tuloy ako. Pero may choice ba ako? Tsk. Nakakahiya kasi. Makikikain lang ako.


Muli akong sumakay ng tricycle. Nagretouch na din ako ng kaunti habang umaandar ito. Pagdating ko ay kumakain na ang mga tao. Medyo marami-rami din pala kami. Napansin ko si Ms. Joanna kaya agad ko itong nilapitan.


"Ms. Joanna." Pagtawag ko sa kanyang pansin.


"Oh. Hi Callie. Mabuti at nakasunod ka. Halika, ipakikilala kita sa boss natin." Sabay akay nito sa akin. Mukhang mabait naman itong si Joanna. Hindi ko siya kilalang taga dito sa amin. Siguro taga-ibang bayan siya. Pero very approachable siya at maganda.


"Siya ang magiging boss mo. Bale, alam mo naman ang lahat ng trabaho ng secretary di ba?"


Tumango naman ako sa sinabi niya. Medyo kakaiba lamang ito dahil babae ang naging unang boss ko. Si Mrs. Marquez. I wonder kung kamusta na kaya si Madam.


"Mabait naman si Sir. I'm sure magugustuhan ka niya. Magkakasundo kayo." Ewan ko pero parang kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Parang tumindig ang mga balahibo ko sa balat.


May binuksan si Joannang pinto. At isang lalaki ang tumambad sa amin. May kausap ito sa telepono kung kaya natatakpan ang mukha nito.


"I told you to come here. Kung hindi, bahala ka." Ani ng lalaki na tila tinutukso ang kausap.


Pero TEKA. WAIT! Kilala ko ang boses na 'yon.


"Sir, si Ms. Callie Alvarez po." Sabi ni Ms. Joanna nang ibaba nito ang telepono.


"Long time no see Callie." Nakangiting bati nito sa akin.


"Sir Thomas." Ako naman itong gulat na gulat sa kaharap kong lalaki.


Nagpaalam si Ms. Joanna pagkatapos.


"Have a seat." Pag-anyaya nito.


Ngunit naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. Dahil marahil sa sobrang gulat. Paanong mapupunta si Sir Thomas dito sa lugar na ito? Nagkataon lang ba ito? O sinadya? Kalokohan.


"Come on. Have a seat." Tila inip na sabi ni Sir Thomas.


"Wait lang sir." With matching kumpas ko sa aking kamay. "What are you doing here?"


Napatawa ng malakas si Sir Thomas. "Well, it just happens na kilala ko ang may ari ng kompanyang ito. Actually, napadaan lang ako at.." Hindi natapos ni Sir Thomas ang pagsasalita dahil sa muling pagbukas ng pinto. Lumagabog ito.


"What the heck are you doin..?" Hindi rin natapos ng lalaking pumasok ang kanyang sasabihin nang magtama ang aming paningin.



No Holding BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon