10

42 6 0
                                    


I cried the whole night. Hindi ako nakatulog ng maayos. It's past 10 AM already at sumasakit na namang muli ang ulo ko. Kaya kailangan ko ng bumangon. Kitang-kita ko ang malaki at maitim kong eyebags habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Ang laki kong shunga. May hitsura naman ako pero bakit ako ganito. Bakit parang ako ang nababaliw sa lalaki.


Walang ibang may kasalanan nito kundi ako lang. Masyado akong mabilis mahulog, mabilis umasa. Ang laki kong shunga. Nasira ang pagmumuni ko nang may kumatok sa aking kwarto. I am not expecting anyone today. Si Timmy kaya.


I opened the door not minding to check myself once again in front of the mirror. At viola! Kung gaano ako kagulat ay ganoon din siya. Si Ethan na naman. Kanina ko lang iniisip pero heto at nasa harapan ko na.


"Ahhm." Nahihiya nitong sabi. "Good morning?" Sabay taas ng dala niyang paperbag.


Mabilis kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kamay at sandaling inayos ang gusot gusot ko pang damit. Nakapangtulog pa ako. Nakakahiya.


"Good morning din." Tila nalimutan ko ang pagkainis ko.


"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong niya habang nakangiti. Halos hindi na makita ang kanyang mga mata dahil sa pagkakangiti. Gosh! I love it really.


Papapasukin ko ba? Malinis naman ang kwarto ko. Kaya lang kasi, ang liit lang ng kwarto ko. Feeling ko ang sikip kung kami lamang dalawa ang nandito. Kumalam ang sikmura ko. Damn!


"Sa tingin ko hindi mo na kailangan sagutin yan." Then he chuckled. Oh em gee. It is my first time hearing him laugh. At talagang nakakainlove. Ang sarap pakinggan. "Sabay na tayo. Hihintayin kita sa baba." He then again flashed a smile before leaving.


Oo nga pala, may maliit na dining area sa baba. Hindi ko agad naisip yun ah. Mabilis akong naghilamos at nag-ayos ng sarili. Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin ko siya eh siya na nga itong nagdala ng almusal. I wonder kung anong dala niya. Nakakagutom.


Pagbaba ko ay naiayos na niya ang mga pinggan. Ang galing. Napaka-organized niyang tao. Kumpleto siya mula disposable spoon and fork, pati plates, kumpleto siya. Naamoy ko ang bango ng bwered coffee na dala din niya kaya lalo akong nagutom. Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan at ginabayan palapit sa mesa. Ang pakiramdam ko tuloy, napakaespesyal ko at hindi pwedeng pabayaan. H'wag ganoon Ethan. Aasa ako niyan.


"Let's eat." Pag-aaya niya. Kalilimutan ko muna ang bumabagabag sa akin ngayon. Lalasapin ko muna ang mga sandaling ito kung saan masayang-masaya ako. Ayos lang naman yun di ba? 


"Tara." Masaya kaming kumain. Siya pala ang nagluto ng mga kinakain namin ngayon. May beef tapa, sunny side up at fried rice. Hindi ganoon karami pero nakakaenjoy kumain. Ganoon yata talaga kapag kasama mo ang taong gusto mo habang kumakain.


Medyo naiilang pa ako pero unti-unti ay gumagaan ang pakiramdam ko habang kausap ko si Ethan. Habang kumakain ay nagkekwentuhan din kami. Nabigla pa ako noong una nang magkwento siya tungkol sa kanyang mga magulang. Wala na pala sila. Wala din siyang kapatid.

No Holding BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon