Ang bilis ng mga pangyayari. Nandito na ako ngayon sa apartment ko. Nasundan kami ni Tim. Isang malakas na suntok ang ibinigay niya kay Ethan nang makita niya kami. Bago ako hinilang palayo dito. Wala namang nagawa si Ethan. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o hindi. Nandoon na eh, makakapag-usap na kami sana kaso dumating siya.
"What? You're mad at me?" Tim asked.
Napasimangot akong lalo.
"Why? Because I ruined your intimate kissing scene a while ago?" Kissing scene talaga.
"Mayroon pa kasi akong dapat sabihin sa kanya kaso umeksena ka. May pasuntok-suntok ka pang nalalaman." Tss. Paano na yung hininging pabor ni Sir Thomas? Ano ng gagawin ko?
Biglang tumunog ang telepono ko. Online video call.
It's Mico.
Patay. Anong sasabihin ko sa kanya.
"Callie."
"Yes, Mico?" Patay malisya kong tanong sa kanya.
"Tungkol dun sa.."
"Sinasabi ko na nga ba." It's Aika. Bigla itong sumulpot mula sa likuran ng boyfriend.
"I told you Mico, leave Callie out of this." Galit at nakapameywang na sabi nito. Mukhang nataranta naman si Mico at hindi alam ang gagawin.
"Look, love. Its just that..."
"Don't! H'wag ka ng magpaliwanag." Bigla itong bumaling sa akin.
"Callie. My aunt here is looking for an assistant. I can refer you. H'wag mo nang isipin ang gastos sa pagpunta. You can also live here with me. Iwan mo na yang walang kwentang Ethan na 'yan. And you Tim, ang bagal mo. Basta Cal, pag-isipan mo ha? Ikaw lang din naman ang iniisip ko. Let me know kapag nakapagdecide ka na."
The call ended. I'm sure hindi pa tapos mag-away ang dalawang iyon.
"Pati ako nadamay." Narinig kong bulong ni Tim saking likuran.
Napabuntong hininga ako. Nalilito na naman ako.
"So, anong plano mo Cal?"
"Hindi ko pa alam Tim." Iiling-iling na sagot ko dito.
Kinabukasan, isang sulat ang iniabot ni Aling Myrna sa akin. I though its from my Mom but I was wrong. Galing ito sa Harrison. Letter of notice dahil sa ilang linggo kong hindi pagpasok. I think I should at least pass a formal resignation letter. Ayoko nang bumalik pa sa building pa na iyon.
Hindi ko na din pinatagal at ng mismong oras na iyon ay naisipan kong ayusin ang gusot ko sa kompanya. Okay lang na i-ban nila ako. Wala naman na akong balak na magtrabaho sa kanila o sa kahit na anong kompanyang pag-aari nila.
Bago na ang gwardiya kaya hindi ako nito pinapasok kaagad. Marahil ay nasa 20 minuto din ang ipinaghintay ko. Dumiretso kaagad ako ng HR dala dala ang aking letter.
Nabigla pa ito nang makita ako. Sus. Mabibigla pa ba siya, pagkatapos nila akong padalhan ng letter.
"Are you sure about this Ms. Alvarez? We're just actually asking for a your letter of explanation. Pero resignation letter naman itong ibinibigay mo."
"I'm sorry Ma'am. Its just that, its too personal." Ayoko nang pahabain. Gusto ko nang umalis kaagad. Mahirap na, baka makita ko pa si Ethan, or even Meagan.
Bumuntong hininga ang HR. "Okay sige. I guess hindi na kita mapipigilan. Sayang. Ang ganda pa naman ng record mo."
Hindi na din naman nagtagal ay nakalabas na ako ng opisina niya. Sa wakas. Masaya ba ako? Hindi ko alam. Pero somehow, I felt relieved.
Nakalabas na ako ng building. Hindi ko nakita si Ethan ni ang anino niya. Bakit nalulungkot ako? Hayy. Naalala ko na naman.
"Buntis na daw si Ms. Meagan." Sabi ng nakasalubong kong babae sa kasama nito.
"Talaga? Ang bilis naman yata."