Kabanata 1
Narinig
"Adah, may lakad tayo ngayon. Hindi ka ba talaga sasama? Uunahin mo talaga ang lalaking 'yon? For God sake, pinsan mo kami!" inis na boses ni Cally.
Umirap ako habang nasa tainga pa rin ang cellphone. Busy ako ngayon at sinabi ko sa kanila na hindi ako available sa lakad nila. Sinabi ko rin nung isang araw ang tungkol sa gagawin ko ngayon pero patuloy silang nangungulit na sumama ako. Hindi ko alam kung bakit at saan ba pupunta. Oo, pinsan ko sila pero kailangan ko din ng oras para sa amin ni Rajik, ang lalaking kinababaliwan ko ngayon.
Inayos ko ang buhok habang kaharap ang mukha sa salamin. Maganda talaga ako. Gaya ng sabi ni Mama, mas maganda ako kumpara sa kanya. I am the version of their genes. At nag-iisa akong babae na anak. Kaya favorite ako lalo na hi Papa. Ngayon, kailangan kong pumunta ulit sa construction site upang dalawin siya. Kahapon kasi umalis ako dahil sa babaeng tinatawag niyang babe. Hindi naman ako naniniwala dahil alam kong wala siyang girlfriend.
Sa dalawang buwan kong pagsusunod sa kanya, wala siyang babae na pinakilala sa university nila. Tsaka alam kong ang mindset niya ay pag-aaral at makatapos katulad ng Kuya niya. Iyon ang gusto niyang gawin, at alam na alam ko 'yon. I stalked him for two months now. At sa paulit-ulit kong ginagawa, walang nagbabago sa treatment niya sa akin. Still cold and stoic.
Pero dahil hindi ko 'yon pinapansin, nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ko ba alam, pero sa tuwing tinatalikuran niya ako, sa tuwing pinagsasalitaan niya ako ng masasakit, mas lalo akong nach-challenge sa kanya. Mas lalo akong nagkakaroon ng malalim na kagustuhan sa kanya. And it's very weird. Hindi ito ang gusto kong lalaki pero nandito ako at ginagawa ito. I've been exposed to different social man, with high standard and money on pockets, but now, I am being change because of this man.
He is the man with dignity. A man with honor. Just like his brother who become magna cum laude and top notcher in bar exam, he is the second version of it. Pero kakaiba si Rajik. He is a ruthless intelligent type. Walang inaatrasan. Walang kinatatakutan. Lumalaban sa bawat competition na meron ang university. Kaya nga kilala sila sa paaralan bilang magagaling na istudyante. They are known as Almuevo Intelligent Brothers.
At ngayon, nasa construction site siya gaya ng nasa schedule niyang meron ako. Yes, I have his scheduled too! Gaya ng sabi ko, I stalked him! I know his family life. I know where they live. I know the way of their life. I know that after in the construction, he had another work in their house. Mag-aaral sa weekdays, construction worker sa weekend, tapos kapag washing day, magsasaka siya sa lugar nila. Nagtatanim ng palay, at iyon ang nagiging hanap-buhay nila.
Kaya nasabi kong mas kakaiba siya sa kanilang magka-kapatid. Mas humahanga ako sa kanya dahil kahit naghahanap buhay, nakakaya niya pa ring mag-aral, at matataas ang mga grado. Kaya maraming babae ang gusto rin siya, marami akong kaagaw sa kanya.
"May gagawin ako ngayon, Cally. You know my situation right? Tsaka sinabi ko na ito sa inyo nung huwebes. I'm busy with the man of my life. So please, don't bother me. Enjoy kayo sa party doon." mahinahon kong sabi.
Narinig ko ang mura ni Clive sa kabilang linya. May gana pa talagang magmura ang pilay na 'yon! Busy ako, at kailangan perfect attendance ako sa pagpapansin sa lalaking gusto ko.
"Clive, absent daw si Adah ngayon. Mas inuna niya pa ang lalaki niya kaysa sa atin na mga pinsan niya." sagot ni Cally.
"…let it be, pareho lang sila ng Kuya niya. They don't give time for us." malamig na sagot ni Clive.
Fuck, parang mga siraulo talaga 'tong mga pinsan ko. Minsan na ngalang ako magkaroon ng kababaliwang lalaki, tsaka pa walang mga support. I support them in all I can. Kapag may problema si Cally, palagi akong nasa tabi niya upang maging sandalan. Kapag sobrang stress si Greece sa company, naghahanap ako ng paraan upang matulungan siya. I always visit Clive because he can't walk. And my brother is very busy with his training.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAdah Lilith Equipaje is the daughter of the famous artist Salvacion Costiño. She was reining as the new superstar of the new generation. She can get everything, but not the man she adore so much. Malayo ang status ng buhay nila, mahirap ito at siya...