Kabanata 24

2.7K 78 4
                                    

Kabanata 24

Sabay

Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang kanyang ginagawa. Though, it's a simplest way to show that he is sincere when he ask forgiveness. Ang pagluto ng pagkain para sa hapunan namin ay isang mabuting gawain. Pero dahilan may nakaraan kami, he is my ex, this is very awkward. 

Back to zero talaga ang lahat sa akin. Maging ang nararamdaman ko ay napunta sa blangko pa rin hanggang ngayon. Siguro dahil sa lumipas na taon, wala akong in-entertain na ibang lalaki bukod na siya lang ang naging nobyo na sineryoso ko. I was brat way back, and falling in love to an intelligent, serious and dignity man is way far from my mind. 

Why? Because love moves in very mysterious ways. Naniniwala na ako sa kantang iyon. Naniniwala na ako na ang puso ang magdidikta kung kailan ka magmamahal, kung kailan ka magpapatawad at kung kailan ka sasaya muli. Kaya sa ngayon, sarado pa ang puso hindi ko alam kung kailan muli bubukas para sa panibagong pagsubok. 

"So, kumusta? Certified Electrical Engineer ka na?" I ask in the middle of eating.

He nodded. He was very attentive to my action. Tipong pagtingin sa inumin, magtatanong kung nauuhaw ba ako. Sa huli, napapailing nalang at ngumingiti sa kanya.

"Yes. I am working under Samar Electric Cooperative. But, I am currently taking Master of Engineering in Electrical Engineering at Technological University of Philippines." marahan niyang sagot.

Tumango ako. Wow, that's nice to know. Hindi ko inaasahan na mas kukuha siya ng mataas na level ng kanyang propesyunal. At least, he is aiming for higher position in the field. Ako nga nahihirapan na pumasok sa panibagong pag-aaral dahil sobrang busy talaga ako sa clothing line. Plus, tinatapos ko talaga ang pinapagawa kong building para sa sariling negosyo. Gusto ko pagkatapos ng taon o sa unang buwan ng susunod na taon, matapos na 'yon para makapag simula na rin ako sa sariling negosyo.

"Ikaw? Wala ka na bang balak na mag master degree?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at napahinga ng malalim.

"Wala na. Busy ako sa clothing line." maikli kong sagot.

He nodded while smiling. Muli siyang kumain ng pagkain bago tumitig sa akin. I am very conscious with his dark profound eyes. His narrow nose is making me tremble. Lahat ng magagandang features sa kanyang mukha ay mas lalong lumitaw ngayon. The maturity makes me realize that he is more handsome right now.

And about the wedding. Is it real? Bakit parang hindi naman siya interesado sa pagpapagawa no'n. Bakit? Nagsisinungaling lang ba siya sa akin?

"About sa wedding, magpapagawa ka pa rin ba ng susuotin?" mahina kong tanong.

Damn it. Para akong nasa hot seat at siya ang magtatanong. Nakaka tanggal ng kaluluwa ang katahimikan ngayon. Nakaka kaba ng husto. Lalo pa't bumuntonghininga siya at tumitig ng malalim sa akin.

"It wasn't true. I was just lying. Gusto kitang makausap at makita pero hindi ako nakakahanap ng tamang tyempo dahil sa tuwing lalapit ako, inaagaw ka sa akin ng ibang atensyon. So to have a way for us, ginawa ko 'to." malambing niyang sabi.

Natanggal ang mabigat na nararamdaman ng marinig ang sagot niya. Gosh, I feel so nervous and at the same time, scared to know that he's going to settle down for good. Una, iniisip ko kung sino ang babaeng papakasalan niya. Pangalawa, mahal na mahal niya ba ang babae at talagang papakasalan niya? Pangatlo, paano niya nasabi sa sarili na iyon na talaga ang babae para sa kanya? 

Those questions running to my mind. Mabuti nalang at nasagot dahil sa sinabi niya. Nawala ang nararamdaman na kakaiba sa puso. Gumaan ng husto ang pakiramdam at naging okay na ako ngayon. 

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon