Kabanata 17
Lately
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa upuan na hinanda sa akin ng mga pinsan ko. Lasing na lasing si Cally habang kasayaw niya si Yurick. Samantalang nag-uusap ng masinsinan si Clive at Cohort. Kanina pa ako dito sa kanilang garden dahil dito ginanap ang party. Hindi ako makakain ng maayos at hanggang ngayon, apektado pa rin ako. Gusto kong kausapin si Hort ngunit masyado siyang busy sa iba kong pinsan.
Napatingin ako sa babaeng nasa likod ni Clive. Medyo mataas, payat ng kaunti pero bagay naman sa kanya, matangos ang ilong at hanggang leeg ang buhok. She has this deep set eyes, thin lips and very slim body. Maganda siya at kung ako ang tatanungin, ganoon din ang isasagot ko. But I didn't know her. Ngayon ko lang siya nakita. At ngayon lang din siya dinala ni Clive dito.
Wala ang mga parents namin dito. Kaming magpi-pinsan lang and unfortunately, my brother isn't here. He is busy, Yandro and Lorenzo attend also. May mga bisita rin na kaibigan ni Cohort. Hindi ko kilala pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang mangyari ay makausap si Hort ngayon. I sip to my wine. Simula kagabi, hindi na ako tinawagan o tinext ni Rajik. Talagang pinutol niya na ang ugnayan namin ng ganoon kadali. Ang sakit isipin na ganoon nagwakas ang lahat.
I texted him early this morning. Walang response kaya nawalan na ako ng pag-asa. Gaya ng sabi niya, bawal na akong pumunta sa office niya. Ngayon na nalaman ko ang katotohanan sa likod ng apelyido ni Hort at galit ni Rajik, hindi ko alam kung saan ang mas matimbang sa akin. Ang minamahal ko ba o ang pinsan kong wala namang kasalanan.
Honestly, we are included to the case. Kasi wala pa naman kami nung panahon na iyon. Maybe I was already born but for God sake, I was still a child when that happened! Kaya paano ako nasangkot sa galit niya? Dahil ba pinsan ko si Hort? Dahil ba sa apelyidong dinadala niya? Iyon ba ang basehan niya upang magalit sa akin ng ganito at umabot kami sa hiwalayan.
For me, it's not a valid reason! Kasi for the record, I wasn't there. I'm not related to the man who killed his mother. At ang naging tulay upang maging magpinsan kami ni Cohort ay si Tita Hermesia. Kaya ano ang gusto niyang gawin ko? Magsisi dahil naging magpinsan kami? Hindi naman siguro mabuti iyon. Wala akong magagawa sa nakaraan. It was already happened. Ang tanging magagawa ko ay ayusin ang pananaw niya sa nakaraan na iyon. Alam kong galit siya dahil walang hustisya sa kanilang ina.
Lumaki silang nasa pangangalaga ni Lola Marita. And that time, siguro si Tajik lang ang may pag-unawa kaya ngayon hindi na siya galit sa nangyari. But to my Rajik, pareho kaming walang kamalay-malay. Kaya sana maisip niya din 'yon. Na kahit anong gawin ko, hindi mabubura ang katotohanan na nangyari iyon.
"Hey bitch, come on! Bakit parang nasa burol ka?" si Cally na halatang lasing.
Nasa likod niya lang si Yurick, hindi siya iniiwan. Napahinga ako ng malalim tsaka ngumiti sa kanya.
"I'm fine here, Cal. Enjoy the party." walang gana kong sabi.
Ngumuso siya at inabot ang baso ng tequila. Agad naman siyang pinigilan ni Yurick.
"I'm not tolerating you to this kind of alcohol, Ly." marahang boses ni Yurick na narinig ko.
Umikot ang mga mata ni Cally at inis na binitawan ang baso.
"Rick, it's just an alcohol. Don't be so serious." tumatawang sabi ng pinsan ko.
Yurick remain serious. Tumahimik ako at pinanood lang sila.
"Let's go home." malamig na sagot ni Yurick.
Nanlaki ang mata ni Cally at mabilis na nagbago ang itsura. She snake her arms to Yurick neck. Parang baliw na sumabit sa fiancee niya.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAdah Lilith Equipaje is the daughter of the famous artist Salvacion Costiño. She was reining as the new superstar of the new generation. She can get everything, but not the man she adore so much. Malayo ang status ng buhay nila, mahirap ito at siya...