Kabanata 13

2.1K 75 4
                                    

Kabanata 13

Takam

Ngumiti ako ng salubungin kami ni Lola Marita. She was smiling back as I hug her. Nasa likod namin si Rajik, inaayos ang kanyang scooter. Napahinga ako at ramdam na ramdam ang kasiyahan dahil muli kong nakita si Lola. Matagal na simula ng ipakilala niya ako, at ngayon lang kami nakabalik. Humiwalay ako sa yakap niya at nginitian siya. May katandaan na si Lola, katulad ng kanyang asawa ngunit kahit ganoon pa man, makikita mo pa rin ang kagandahan niya.

"Salamat naman at inuwi mo dito si Adah, apo. Matagal na akong nagsasabi sayong dalhin mo siya dito." si Lola sa mangiyak-iyak na boses.

I smiled. Naramdaman ko si Rajik sa likod ko, niyayakap ang baywang ko.

"Pasensya na po, La. Medyo na busy lang po kami sa pag-aaral." sagot ko.

She nodded. Muli niya akong niyakap. Tinignan ko ang daan papunta sa bahay nila. Fully cemented na iyon at ang talahiban ay wala na. Ngunit mula sa kinatatayuan namin ay makikita pa rin ang kubo at syempre ang kanilang Italian intricate mansion design. It was designed and build by his brother, Tajik. Hindi ko alam kung nandito na ba ang kuya niya gayong ang una naming punta dito, nasa ibang bansa daw. 

"Let's go. I'm hungry." bulong ni Rajik.

Tumango ako. Naunang naglakad si Lola kaya sumunod ako habang nakahawak pa rin sa baywang ko si Rajik. Walang tigil sa pagsasalita si Lola kahit naglalakad kami.

"Itong si Tajik, hindi pa umuuwi simula ng umalis. Tumawag kahapon ang sabi nasa bakasyon sila ng kanyang asawa." ani Lola.

"Hayaan mo na, Nanay. Matagal naghintay si Kuya kaya pagbigyan nalang natin." si Rajik ang sumagot.

"Alam ko naman hijo. Kaya lang nag-aalala pa rin ako gayong buntis si Conciandra at kailangan na nasa bahay sila upang hindi mapagod." dagdag pa ni Lola.

Napatango ako. So, buntis na ang asawa ng Kuya niya. Kaya nasa ibang bansa dahil sa bakasyon. 

"I trust my brother, Nay." tanging sagot ng nobyo ko.

I heard Lola sighed. Nang makarating kami sa mansyon, nakita ko si Lola na nakaupo sa wheelchair habang pinagmamasdan ang ilog. Payapa talaga dito, ang sarap ng hangin at sagana sa mga gulay. Kahit nabibigyan sila ng pera ng kuya ni Rajik, makikita mo pa rin ang kasimplehan sa kanila. The house scream so rich, but the way they move, the way they lived, it so simple. Kaya maraming blessing ang pumapasok sa kanila.

Lumapit ako kay Lola at nagmano. Gayundin ang ginawa ni Rajik. Hinawakan ni Lola ang palapulsuhan ko at naglakad kami papasok ng bahay. Naiwan si Rajik na kausap ang kanyang tatay. Pumasok kami habang nagsasalita si Lola.

"Magluluto tayo ng hapunan, hija. Para matuto kang magluto." ani Lola.

Ngumiti ako at hinayaan siyang dalhin ako sa kusina nila. Habang naglalakad, bumukas ang isang pinto at iniluwa doon si Ajik na basa ang buhok. Ngumiti ako sa kanya ngunit tanging tango lang ang sinagot sa akin. Sa kanilang magka-kapatid, si Ajik ang naiiba. Kung si Tajik at Rajik ay matalino, focus sa pag-aaral, at may pangarap sa pamilya, iba naman itong si Ajik. He is very playful. Kahit nasa junior high palang, naririnig kong maraming mga kababaihan ang nadudurog sa kanya.

He is in grade nine now. Mataas, ngunit mas matangkad si Rajik. Hanggang balikat nga lang ako. Playful face, has this similarity to Rajik dark features. Kulot ang buhok, may nunal na maliit sa panga, at kahit bata pa lang ay makikita mo na ang katawan niyang perfect sa modeling. Well, my Rajik is handsome and soon to be my husband.

"Hija, ang lulutuin natin ay pritong manok. Magsisimula muna tayo sa mga madaling lutuin. Kapag palagi kayong pupunta dito ni Rajik, tuturuan kita sa iba pang lutuin." si Lola.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon