Kabanata 19
Malay
Nilibing ng tahimik si Yandro. Wala ni isa sa amin ang nangahas na mag-ingay. Maging si Cally na siyang pinaka-maingay sa amin. Pero nung dumating kami sa mansyon nila uncle Brazier, doon palang nagkaroon ng interaksyon sa amin. Bumuhos ang masasayang alaala ni Yandro na iniwan sa amin. Si Lorenzo na siyang malapit sa kapatid ay tahimik at hindi pa rin nawawala ang pangungulila sa kanyang kapatid.
Si Auntie Perlita naman ay nasa tabi lang ng asawa dahil tulala din ito. Naging malaki ang epekto ng pagkawala ni Leyandrius sa pamilya nila. Kaya maging kami na mga pinsan niya, lungkot na lungkot at miss na siya. Sobrang sakit lang kasi naging tama siya sa sinabi sa akin. Huling pagkikita na pala namin 'yon. Walanghiyang Yandro, hindi ko inakalang magiging totoo iyon.
Pagkauwi sa bahay, tahimik pa rin kami. Si Mama ay nagkulong sa kwarto habang ang ama ko naman ang siyang nagluto para sa amin. Si Kuya ay nagpa-iwan sa mansyon nila Uncle Brazier, babantayan niya si Lorenzo dahil baka gumawa ng masama sa kanyang sarili. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang kisame. Sobrang lungkot ng kabahayan. Wala manlang ingay na naririnig. Pinikit ko ang mga mata at hinayaan ang luhang pumatak sa mata ko.
Bukod sa nasawi kong puso ngayon, sumabay pa ang pagkawala ni Yandro, lungkot ng pamilya, hindi ko na alam ang gagawin. Ang kagustuhan kong makausap si Rajik ay unti-unti ng nawawala sa aking isipan. Para akong nawalan ng pag-asa nung marinig ang pinagsasabi ng mga babae sa school. It was real. The idea that he was involved to another woman is making me think crazily.
Sa ilang araw na lumipas, hinayaan ko ang sarili na bigyan ng panahon at makapag-isip ng mabuti. Pero habang nasa panahon ako na 'yon, walang pumasok sa isip ko. Nakiki-simpatya ang isip at puso ko sa yumaong pinsan. Iyon ang nasa loob ko habang nag-iisa sa panahon na iyon. Pero ngayon na nandito ako, mag-isa sa aking kwarto, tahimik at malungkot, muli kong inisip ang kagustuhan na makausap siya.
Mapagbibigyan niya ba ako? Nakailang text at tawag ako sa kanya para lang makausap siya. Nakailang pagbabaka sakali akong makausap siya. Sa ilang pagkakaroon ng lakas, ni isa hindi niya pinagbigyan. Kasi sarado na ang kanyang isipan. Hindi na siya nakikinig sa mga eksplenasyon ko. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan. Gusto niyang makulong sa nakaraan na magbibigay sa kanya ng kadiliman at kalungkutan.
"Hanggang kailan ako magbabaka sakaling pakinggan niya ang mga eksplenasyon ko?" mahina kong bulong sa sarili.
Tears escape from my eyes again. I sighed heavily. Sige, bukas susubok ulit ako. Bibigyan ko ng isang pagkakataon ang sarili na kausapin siya. Kahit alam kong hindi siya makikinig. Kahit alam kong tatalikuran niya lang ako. Isang pagkakataon pa, para sa walang kasiguraduhan na pakikipag-usap. I closed my eyes and let the night faded.
Nang magising sa umaga, una kong ginawa ay maligo at ayusin ang sarili. Kahit alam kong hindi naman dapat ako mag-aayos dahil sa kalungkutan na pinagdadaanan ng pamilya, pero kailangan kong ayusin ang sarili upang maging maayos akong tignan sa kanya. Sabado ngayon, at alam kong nasa trabaho siya ngayon. I know his schedule. I smiled sadly at my reflection, just one try, Adah.
Bumaba ako at hinarap si Papa. He was watching a news while sipping to his coffee. Ngumiti ako at pilit pinapagaan ang nararamdaman namin. Lumapit ako sa kanya, mabilis na tumuon ang kanyang mga mata sa akin. Kumunot ang noo at nagtataka na tumingin.
"Morning, Pa." maligaya kong bati.
He sighed heavily. Hinalikan ko siya sa pisnge at tinignan.
"Where are you going?" tanong niya.
I glance at him gracefully.
"I'll be home, Pa." tanging sinagot ko.
Bumuntonghininga siya. Nang hindi na nagtanong, umalis na ako upang gawin ang binabalak. Sakay sa kotse ni Papa, umalis ako sa mansyon. Bitbit pa rin ang pag-asa na magkaka-usap kami, ngumiti ako sa sarili. Isa ka talagang makulit na babae, Adah! Kahit alam mong walang pag-asa, susubok ka pa rin. Habang nasa biyahe, tumawag si Kuya.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAdah Lilith Equipaje is the daughter of the famous artist Salvacion Costiño. She was reining as the new superstar of the new generation. She can get everything, but not the man she adore so much. Malayo ang status ng buhay nila, mahirap ito at siya...