Kabanata 25

3.1K 88 4
                                    

Kabanata 25

Siya lang

"Sobra ka po naming mami-miss, ma'am." mangiyak-iyak na sabi ni Alora.

Ngumiti ako sabay yakap sa kanya. Pagkatapos ng lunch namin ni Rajik, hinatid niya ako pabalik sa office. Hindi na rin siya umalis at nanatili sa opisina ko. Hindi naman sumasama sa akin dahil gusto niyang manatili lang sa loob. Pagpatak ng alas-tres nagsimula ang mini party na sinagawa ko. Si Grecia na siyang head nito, naging emotional na rin. Ang pagkain ay masasarap, pinadalhan ko rin ng cake si Rajik sa office ko.

Pero nung nagsimula ang program, lumabas siya at nanood sa amin. Si Cally na bagong dating, hindi pa rin gusto na ngayon mangyari ito lalo pa't pagod siya. Kasama niya si Yurick na siyang asawa na niya, pati ang kanilang anak na kambal ay kasama rin. Ang alam ko, dito na sila titira dahil gusto ni Cally na dito lumaki ang mga anak nila. Lalo pa't mukhang ayaw niya sa isla nila Yurick.

"Guys, mabait si Cally. She is my cousin and she knows to handle you. Sana bigyan niyo siya ng pagkakataon na humawak sa inyo." I said warmly.

Pumalakpak ang mga empleyado ko habang pinagmamasdan nila si Cally na todo ngiti sa harap nila. Inabot ko ang wine at nakipag cheer sa kanila. 

"Sobrang saya ko sa apat na taong pagiging boss niyo. I will always treasure the memories we shared. Sana sa susunod na mga pagkakataon, maging empleyado ko pa rin kayo." I said tearfully.

Honestly, mabigat sa damdamin na gagawin ko 'to. Ang sakit isipin na dito matatapos ang pamamahala ko sa kanila. Kahit sa apat na taong pagsasama namin, marami akong natutunan. Kahit ako ang boss, dito ko nalaman na talagang mahalaga ang mga empleyado dahil sila ang nagbibigay pag-asa sa kompanya. I love everyone here. I will treasure them.

"Salamat din sa lahat, Miss." tugon nilang lahat.

They clapped their hands while watching me. Nang binigay ko kay Cally ang microphone, umatras ako upang mabati si Yurick at ang kambal nila. Ngumiti ako.

"Nice to see you, Yurick." bati ko.

Inabot niya ang kamay ko at nakipag-shake hands siya. Tumingin ang kambal sa akin, lalaki at babae, maganda at gwapo, kuhang-kuha ang magkaibang mukha ng mag-asawa. 

"Salamat sa pag-aalaga sa clothing line, Adah. Don't worry, my wife will treasure the company." he said assurancely.

Tumango-tango ako. After the talk, sa kambal naman akong tumingin. Yumuko ako at ngumiti sa kanila.

"Hello, kids. Kumusta kayo?" maligaya kong bati sa kambal.

Inabot ni Canesha ang pisnge ko at ngumiti sa akin. Tatlong taon palang sila at malulusog. Ang sabi ni Cally, hindi pa masyado nakakapagsalita ang dalawa dahil medyo hirap daw, pero unti-unti namang natututunan ng kambal. Si Cairous naman na siyang lalaki, tahimik at nakatingin lang sa akin. Dahil hindi naman sila magsasalita, hinalikan ko nalang sila sa pisnge at umalis upang puntahan si Rajik na sobrang pungay ang mga matang nakatitig sa akin. 

Nang makalapit sa kanya, I smiled. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. I felt his warm hug. Binaon ko ang mukha sa kanyang dibdib at naamoy ang mabango niyang amoy. Nang humiwalay ako, tumitig siya sa akin. I smiled sweetly.

"Thank you sa suporta, Raj." masaya kong sabi.

He just nodded and kiss my forehead. Yakap niya ang baywang ko habang magkaharap pa rin kami. Marami kaming napag-usapan kanina sa lunch. Ang nasa isip ko ay aabot ng ilang buwan ang panunuyo niya sa akin pero hindi na pala dahil kanina ng tinanong niya ako para sa kanyang pagmamahal, pumayag ako, bumigay ako, dahil kahit naman na patagalin ko, sa kanya pa rin naman ako babagsak.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon