Kabanata 18

2.3K 87 4
                                    

Kabanata 18

Something

Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi ng mga istudyante. Kasi alam ko, gaya ng dati ay ganito rin ang naging usap-usapan sa kanya. May babaeng nali-link at minsan mas malala pa kaya hindi ako naniniwala, not unless makita ng dalawang mata ko. 

Pero paano kung totoo? Paano kung tunay pala ang isyu? Paano kung meron nga siyang bagong babae ngayon? Anong gagawin ko? Susugod sa kanila at aawayin yung babae? O, magkukulong sa kwarto at hahayaan na palipasin ang lahat? Hindi ko alam ang tamang isasagot sa mga tanong. Hindi na 'to katulad nung kay Myrald. This is very different. Mahal namin ang isa't-isa. Mahal na mahal ko siya. Nagtiwala ako sa kanya. I help him through his downside. 

Kaya hindi ko kayang isipin na totoo ito dahil ang tunay na nararamdaman ko ay hindi matatawaran sa akusasyon niyang hindi naman ako parte. Wala kaming kasalanan! Walang kasalanan ang pamilya ni Hort. They are innocent! Ang totoong salarin ay ang kanilang tunay na ama. Iyon ang totoong pumatay sa kanilang ina. Kaya wala kaming kasalanan. 

Alam ni Tajik ang katotohanan. He was told about the truth! Paanong hindi niya sinabi sa mga kapatid ang totoo? Bakit niya tinago ang katotohanan? At ngayon misinformed si Rajik dahil sa kasong ito. He doesn't know the truth! Kasi ang tanging alam niya ay ang totoong salarin ang pamilya ni Hort. Kaya ng marinig niya ang apelyido ni Cohort, nagalit siya at nakipaghiwalay sa akin. 

Kung hahayaan niya akong ipaliwanag ang lahat sa kanya, sasabihin ko ang katotohanan. Kung hahayaan niya akong makausap siya, ipapa-intindi ko ang totoong nangyari. Kailangan niya lang maging mulat sa katotohanan. Kasi kung hindi siya maniniwala, hinding-hindi kami maaayos. Hindi ako makukumbinsi na hiwalay kami. Kasi hindi ko matanggap na dahil lang sa rason na 'yon, gusto niya na akong itapon!

Hindi ako laruan o basura na kung hindi niya na kailangan, tsaka itatapon. We both love each other! Paanong nakalimutan niya 'yon? Ganoon ba kabilis ang lumimot sa akin? Ganoon ba kabilis ang hiwalayan ako? Minahal niya ba talaga ako? O, naging lipas oras lang sa kanya? Sana maintindihan niya ang lahat. Sana buksan niya ang tainga at puso na tanggapin ang katotohanan. He will remain stuck on the past which is not true. 

Umupo ako sa bench at nagpahinga. Mula sa kinauupuan, may mga nag-uusap na mga istudyante. Hindi pa rin sila tumitigil sa usapan tungkol kay Rajik at ang engineer nitong karelasyon. Punong-puno ang isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Nahahati sa dalawa ang desisyon, una pilitin na kausapin siya, pangalawa, ipahinga ang puso. 

Kung sakaling hindi niya na ako tanggapin, I will accept it. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Pero kailangan niyang malaman ang totoo. Kailangan niyang malaman na wala kaming kasalanan. I will understand him. I will take his side. Ina niya ang pinag-uusapan dito, ang babaeng sumilang sa kanila pero sana naman, matutunan niyang tanggapin na hindi ako kasali sa nangyari. Na inosente rin ako katulad nila. Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na nadamay ako sa galit niya gayong hindi ko kilala ang Lolo ni Hort. 

I just want to clear my name. If he will not accept me again, then I'll respect it. I will not insist myself. I know my worth as a woman. I know my stand. 

Muli akong nagbaka sakali na mag-reply siya sa text ko. Nagtipa ako kahit nanginginig pa rin ang kamay. 

Ako:

Raj, we need to talk. Please let me explain everything. Kung nagagalit ka dahil sa nangyari sa ina mo, I can explain. Wag naman ganito. Wala akong kasalanan, Rajik.

Namuo ang luha ko. Shit, sabi nang hindi ipipilit ang sarili pero ano 'tong ginagawa ko? Halos magmakaawa na ako sa text. Just one last time, I badly need to talk to him. May pumasok na reply, agad kong binasa.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon