Wakas

3.9K 128 10
                                    

Wakas

I hate her, that's what I feel. She is very persistent woman. Hindi titigil sa gustong maabot. Kapag gusto, aangkinin na parang kanya, tapos kapag ayaw naman sa kanya, pipilitin na mapa sa kanya. She is spoiled! A very brat! Isa sa mga ayaw ko sa babae. 

Hindi naman ako mapili sa babae, sa katunayan bagsak ang standard ko pagdating sa kanila. May mga ayaw lang ako sa mga babae, mga hindi gusto sa kanila. Tulad ng pagiging spoiled sa pamilya, pagiging superior sa lahat, pagiging hambog at higit sa lahat, pagiging maarte. Ayoko sa babaeng ganoon. Ayoko sa babaeng walang kasiguraduhan ang buhay. 

Una palang, I set my focus. I set my goal for entirely life. After college, I will work and then study again for master of degree. Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng mataas na rank sa position lalo na sa trabaho. Wala sa plano ko ang mga babae. Lalo na ang pagkakaroon ng relasyon. 

Oh man, I hate relationship! I hate being chains! I hate being in a girls slave. Masyado akong takot sa mga ganoon. Tsaka tamad talaga ako. Tamad ako sa mga babae. Tamad ako sa pakikipag relasyon. Tamad ako sa ibang bagay, kung hindi lang din naman tungkol sa pag-aaral, then I won't give you a fuck! 

Pero itong si Adah Lilith Equipaje, ibang-iba sa lahat ng babae. Akalain mo, lahat ng ayaw ko sa babae, sinalo niya lahat. She is possess by those I hate for girls. Unang-una, napaka spoiled brat! Pangalawa, mahilig maglaro sa lalaki! Pangatlo, walang kasiguraduhan ang buhay! Pang-apat, maarte! At panglima, ang arte-arte! 

Hindi ko rin alam kung bakit ang kapal ng mukha niya na ipahayag ang nararamdaman sa akin. Seriously? Ako pa talaga? Sa akin pa talaga siya may gusto? Is she crazy? Alam ko na alam niya ang mga kinaaayawan ko sa babae. Bakit mas lalo pa tuloy naging aktibo sa akin? Bakit parang mas lalong naging challenge sa kanya ang mga ayaw ko? I hate it! I just hate her! 

"Hi, Raj." she said softly while staring at me.

It was ten in the morning when she visit the construction site. Unang kita ko palang sa kanya, nairita na agad ako. Damn it, bakit pumunta pa siya dito? Tinignan ko ang suot niyang damit, nagngingitngit ang kalooban dahil sobrang revealing ng damit! Ganito ba talaga ang mga damit niya!? Sobrang ikli, halos ipakita ang tinatago sa katawan! Walang delikadesang babae!

Kumunot ang noo ko ng pinahid niya ang pawis mula sa noo ko. Agad na nakaramdam ng pag-aalangan dahil sobrang lapit namin. Humahalimuyak ang kanyang amoy sa aking ilong. Umigting ang panga ko habang unti-unting nagugustuhan ang kanyang pabango. Shit, wake up, Rajik! She is just a challenge!

"Okay na, wala na yung pawis. Alam mo, dapat sa susunod nagdadala ka ng panyo dito. Mainit tsaka mabibigat na bakal ang dinadala mo, kaya dapat may mga extra kang damit at pinaka-importante ay panyo dahil bawal matuyo ang pawis sa likod mo." she said very softly.

I was taken aback because of her softness and damn fucking beautiful face. This little brat is making it hard for me. Hindi ko siya gusto! Hindi siya ang mga tipo ko! Hindi siya ang babaeng mamahalin ko! Hindi siya ang magiging fierce love ko! Dahil ang totoo, unti-unti na akong naguguluhan sa sarili ko. Unti-unti kong kinakain ang mga sinasabi sa sarili dahil sa kanya.

Sa kaunting lapit niya, sa kaunting pagpapakita ng kagustuhan, sa kaunting ngiti, sa pagiging mapilit niya, hindi ko man maamin pero tinatamaan na ako. 

"Nag-order pala ako ng pagkai---"

"I don't need your presence here, Miss Equipaje. Get out!" I interrupt rudely.

Ayokong ibigay sa kanya ang buong atensyon. Ayokong mas lalong magkaroon ng puwang ang babaeng ito sa puso ko. She is spoiled brat! And very young! Hindi pa karapat-dapat para sa mga intimate relationship! 

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon