Kabanata 14

2K 78 2
                                    

Kabanata 14

Talk

Masama ang mood ni Rajik ng lumabas kami ng kwarto. Nakangisi lang ako habang hinahayaan siyang maunang maglakad sa akin. Nakasimangot, iritado at alam na alam ko ang pinuputok ng ulo niya. He was mad because I was concerned to his brother which is Ajik. Kanina pa kami nagtatalo dahil kapag may masama siyang sinasabi patungkol sa kapatid niya, I always at his brother side. Kaya ng tinawag kami ni Ajik mula sa labas ng kwarto niya, he remain irritated and mad.

Halos magsuntukan sila ng lumabas si Rajik mabuti nalang at hindi na pinansin pa ni Ajik at nauna itong umalis. Now, I am following him. Nasa hapagkainan na ang kanyang Lola at Lolo samantalang tahimik na kumakain si Ajik. Tumingin ako sa kanya, nakasimangot pa rin at ayaw akong pansinin. Ngumiti si Lola sa akin at tinapik ang upuan sa tabi niya. I nodded immediately. Si Rajik naman ay kumuha ng sauce para sa prito. 

Nang umupo siya sa tabi ko, muli akong natahimik. Ayokong mag-away kami harap ng pagkain. Baka magalit si Lola sa kanya lalo pa't ngayon pa lang, napapansin na ni Lola ang kanyang mukha. Tumikhim si Lolo at nagsimula itong kumain pagkatapos ng pagdadasal. Kumuha ako ng pagkain, kaunting kanin at ulam. Hindi ako mahilig sa sauce. Mas lasap na lasap ko kasi ang pritong manok kapag walang sawsawan. 

"Ajik, ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan. Tapos may nakita akong mga labahan, gusto kong asikasuhin mo 'yon. Tapos wala na palang stock ng tubig, mag-igib ka bukas ng umaga. I want you to wake up early, and when I say early, mas maaga pa sa paggising ko." Rajik said sternly.

Napalunok ako. Umuwang ang bibig ni Ajik na animo'y live siyang nanonood ng gyera sa Ukraine at Russia. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang kaguluhan sa tingin ni Lola. Kawawang Ajik, talagang pinapahirapan siya nitong kuya niya.

"Kuya, nakalimutan mong may gripo tayo at fully supplied ang bahay ng tubig. At may washing machine na pwedeng gamitin sa paglalaba. And have you forgotten that I am assigned for washing plates even when you're not around. Don't worry, I am responsible enough to do my task." Ajik said coldly.

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Rajik. Umigting ang panga, madilim ang mga mata sa kanyang kapatid. Hinawakan ko agad ang kamay niya dahil nararamdaman kong anumang oras ay titilapon ang kamao niya sa nakababatang kapatid. 

"Sinasagot mo na ako ngayon, Ajik Reynaldo?" madilim na boses ni Rajik.

Ngayon kabadong-kabado na ako. First time kong makita na mag-aaway sila. Never in my entirely life to witness fights over a siblings. Mabuti nalang at babae ako kaya hindi kami nag-aaway ni Kuya Amadeus kapag masama ang mood niya. Pero ngayon, habang kaharap si Ajik na handang lumaban sa iritadong kilos at asta ni Rajik, hindi ko alam kung paano sila aawatin. 

Ayokong makita 'to ni Lola at Lolo at jusko, bakit dito pa sila sa harap ng hapagkainan nagkaka-ganito! Si Rajik naman kasi e! Siya ang matanda sa kanilang dalawa, siya ang may malawak na pag-iisip at syempre, kuya ni Ajik kaya bakit ganito ang ginagawa niya! I hate him now! 

"I'm just answering you, Kuya. Now, if you find it annoying it's not my fault." mahinahon na sagot ni Ajik.

Bumagsak ang kamao ni Rajik sa lamesa kung kaya't rinig na rinig namin ang kalabog. Nagulat si Lola at nakita ko ang kalamigan sa mukha ni Lolo. 

"Tumayo ka at doon kumain sa kwarto mo, Ajik! Ayokong makita yang pagmumukha mo!" singhal ng nobyo ko.

Napalunok ako at naisip na mabuting idea din ang sinabi ni Rajik. Hindi lalawak ang away nila kapag sumunod siya sa gusto ni Kuya. Pero sadyang matigas din ang ulo ni Ajik at hindi pa rin tumatayo sa kanyang upuan, nagmamatigas, nanghahamon ang tingin, at umiigting din ang panga. Jusko, magkapatid nga silang dalawa! 

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon