Kabanata 7
Importante
"Kumain ka pa, Adah."
Umikot ang mga mata ko sa lalaking kaharap. Kanina pa ako busog at hindi ko na maubos ang in-order niyang barbeque. Tapos binabantayan niya pa ako sa pagkain kaya naiilang tuloy ako. Para akong nakakulong sa selda at bantay sarado.
"Raj, busog na nga ako." pilit pinaparahan ang boses.
He sighed heavily.
"Kaya ang payat mo e. Dapat mataba ka kasi gusto kong ganoon para healthy. Puro sexy-sexy kasi." reklamo niya.
Umirap na naman ako. Kanina pa siya nagsasabi na kailangan kong tumaba. Hello, ang hirap kayang magpa-sexy! Tapos gusto niyang mataba ako! Bakit, ayaw niya ba sa payat? Ayaw niya ba sa sexy? Sa ibang lalaki, mas prefer nila ang sexy na babae. Mas gusto nila ang balingkinitang katawan. Yung hugis coca-cola na baywang. Kaya nakakapagtaka na ayaw niya sa katulad kong maganda ang katawan.
"Busog na nga kasi ako. Tsaka pwede naman akong uminom ng vitamin para tumaba kung 'yan ang gusto mo." sagot ko.
Sumeryuso ang mukha niya. Nakasimangot naman ako dahil para kaming nag-aaway dito. Tumahimik ako at inabot nalang ang soft drink para makainom.
"Hindi 'yan ang gusto ko. I want you to eat more. Ayokong umiinom ka ng vitamin para lang tumaba." he said sternly.
Kinagat ko ang ibabang labi bago napahinga ng malalim. Hindi nalang ako sumagot para matigil na itong pag-uusap namin. Kinuha niya ang pagkain na nasa harap ko at siya na ang kumain. Pinagmasdan ko siya, nakakahanga dahil kahit ganito siyang lalaki, marunong siyang umintindi sa mga bagay-bagay. Marunong siyang umintindi sa buhay. Na kahit magkaiba kami, kahit para sa kanya naiiba siya dahil sa uri ng pamilya nila, hindi niya 'yon iniisip at hinahayaan nalang.
Para sa akin, mahirap intindihin ang mga taong mapaghusga, kapaligiran na naiiba at mundong kinabibilangan. He understand the world. He understand the society. He understand his life. Ngayon ang mga lalaki dapat pormado, dapat may pera, dapat may sasakyan, dapat maraming babae, para maging sikat, para makilala at para sabihing cool. Pero si Rajik, kahit pa yata magsuot siya ng punit-punit na damit, wala siyang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay makapagtapos, matulungan ang pamilya, maging successful.
That mindset is very rare. Ang mundo ngayon ay ibang-iba na, maraming masasamang nangyayari, maraming mga matang nanghuhusga, pero kapag marunong kang umintindi, tanggapin ang bagay-bagay, then it would be easy for you to continue the life. Sana ganoon rin akong tao. Sana mag-kapareho kami ng mindset ni Rajik. Sana open-minded rin ako nang sa ganoon hindi ako nahihirapan na umintindi sa panahon ngayon.
"Tunaw na ako sa mga titig mo." basag niya sa pagkakatulala ko.
Napailing-iling ako at hilaw na ngumisi. Inabot niya ang baso at naglagay ng coke upang makainom. Napahinga na naman ako dahil kahit sa mga simpleng ginagawa niya, nakakahumaling. Hindi talaga pangkaraniwan ang kanyang kagwapuhan. Kung maraming babae ang nahuhumaling sa panganay na kapatid, mas doble kay Rajik ngayon.
"Tapos ka ng kumain?" tanong ko.
Tumango siya pagkatapos uminom. Naubos niya ang natira kong pagkain. Maging ang barbeque na hindi ko maubos, talagang kinain niya.
"Umuwi na tayo. Gabi na at baka hinahanap ka na sa inyo." sa seryoso niyang sabi.
Muli akong tumango. Tama siya dahil kanina nakatanggap ako ng text Mula kay Papa. Nagtatanong kung nasaan na ako kaya kailangan ko na ring umuwi. Naisip kong baka kapag may free time kami, pwede akong umistambay sa boarding house niya? Alam ko kasing may apartment siya dito. Tsaka nakita ko na rin 'yon nung sinundan ko siya isang beses. Gusto ko lang makita kung maayos ba doon at kung maganda ba ang loob ng boarding house.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAdah Lilith Equipaje is the daughter of the famous artist Salvacion Costiño. She was reining as the new superstar of the new generation. She can get everything, but not the man she adore so much. Malayo ang status ng buhay nila, mahirap ito at siya...