Kabanata 4
Ready
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot dahil sa paraan ng kanyang paghalik sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit imbes na magalit ako, hinahayaan ko lang siyang gawin ito. Talaga bang kontrol niya na ang lahat sa akin? Hawak niya na ba ako sa leeg at kahit anong gawin niya ay wala akong magawa kundi ang pumayag at magpaubaya. Naguguluhan ako, hindi ko malaman ang tamang termino na dapat gamitin sa akin.
Gusto kong maawa sa sarili dahil hinahayaan ko siyang halikan ako sa paraan na marahas, mariin at gigil na gigil. Yes, it was the first time kissing him. It was my first time felt this bolt running through my heart. My first time to tremble, feeling insanely that I don't know what should I do. Unang pagkakataon ito, at gaya ng sabi ko, hinahayaan ko lang siya. He hold a power over me. And even myself can be tamed.
He stop the kiss. Pero sobrang lapit pa rin ng mukha namin. Abot pa rin ng kanyang ilong ang dulo ng ilong ko. At naduduling ako sa kanyang mga mata. I feel like I'm floating in the clouds right now. The feeling that the man I want to be mine is right here, kissing me and making me feel his rage. Madilim ang mukha, hindi pa rin yata kumakalma. Umiwas ako ng tingin, naubusan ng lakas at sasabihin.
"Tumingin ka sa mga mata ko, Adah." matalim niyang utos.
Oo, alam kong SSC president siya. Oo, alam kong hinahangaan siya ng mga tao dito. Oo, alam kong matalino siya, paborito ng mga professor at maging ng university president. At Oo, siya ang pumalit sa kapatid niya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit imbes na magalit ako dahil hindi ito ang gusto kong mangyari, hindi ko mapigilan ang sariling mas lalong humanga pa. Mas lalong lumalim itong nararamdaman ko.
Isa akong hangal na makaramdam ng ganito sa isang lalaking mataas. Isa akong hampaslupa na magkaroon ng ganitong damdamin sa isang matayog na lalaki. Pero tama bang pigilan mo ang sarili na mahulog? Tama bang pigilan mong magmahal? Mahulog? Ibigin ang lalaking mahirap makuha? Sa loob ng aking kalooban, natatawa na ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang presensya ng pagmamahal. Sa ilang taon kong pagtatago sa paglalaro ng mga lalaki, ngayon ko nalang ulit naramdaman na tumibok itong puso ko.
"Hindi pa ba ako sapat upang maging laruan mo, Adah Lilith!?" sobrang riin niyang sabi.
Pinikit ko ang mga mata. Hiyang-hiya sa posisyon at nangyayari. Hiyang-hiya sa sarili na hindi mapigilan ang pagtibok ng puso.
"That fucking bastard is your new toy huh? Answer me!" he said profoundly.
I sighed heavily. Solomon is not my toy. He is my classmate, my seatmate. He just want to be my friend. Wala siyang ibang intention sa akin kundi ang pakikipag-kaibigan. Ngayon ang tanong ko, bakit ganito ang kanyang reaksyon? Bakit ganito ang reaksyon niya? Hindi ba dapat maging masaya siya dahil magkakaroon ako ng bagong laruan, bagong pagkaka-abalahan. Bakit tila iba ang epekto nito sa kanya.
"He isn't my new toy, Raj. He's just my friend." mahina kong sagot.
Ngumisi siya, parang demonyo ang kaharap kong Rajik ngayon. This is not the man I know. This is the different version of Rajik. The demon ruthless type of him.
"What? A friend? Are you kidding me, Adah? The he looks at you is not a friendly thing! It's something deep, and you don't get it!" mariin niyang sabi.
Umiling ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa panga ko. Nagkatitigan kami, nakangisi siya at kakaiba ang nararamdaman ko ngayon sa kanyang mukha.
"Nasasaktan na ako, Raj." marahan kong boses.
Tila natauhan dahil bigla niyang binitawan ang panga ko. Napahinga ako ng sobrang lalim habang hinahabol ng kaba. Tumalikod siya sa akin at narinig ko ang buntong-hininga niya. I bit my lower lips.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAdah Lilith Equipaje is the daughter of the famous artist Salvacion Costiño. She was reining as the new superstar of the new generation. She can get everything, but not the man she adore so much. Malayo ang status ng buhay nila, mahirap ito at siya...