Kabanata 23

2.6K 89 2
                                    

Kabanata 23

Palihim

"Let me go! Ano ba! Help!" I shouted angrily.

Tuluyan niya akong nadala sa isang kwarto. He locked the door. He towered me with his body. Kung hindi lang ako galit ngayon, kung hindi lang nangyari sa akin 'yon, baka manghang-mangha na ako sa kanya ngayon. He is different now. Maturity is screaming to his face and body. Pero hindi, galit ako. Bakit? Muntik na akong mawala sa mundong ito dahil sa kanya. 

Siya ang rason kung bakit nagawa ko 'yon sa aking sarili. Galit na galit ako, pero hindi ako nagmuhi dahil ginabayan ako ng Panginoon na hindi maging ganoon na tao sa kabila ng nangyari sa akin. Pero gaya ng sabi ko, kapag magkita kami talagang magagalit ako. Ilalabas ko ang lahat ng hinanakit. Ang sakit na naramdaman ko nung panahon na 'yon.

Namumungay ang kanyang mga mata habang titig na titig sa akin. Nasa pinto siya, hinaharangan ako. Nagngingitngit ako sa galit. Umiling-iling ako, nangingilid ang luha sa mata. Hindi ko kaya 'to! Ang sakit-sakit na makita siya habang parang walang nangyari sa akin. Lumapit siya at marahan akong hinawakan sa palapulsuhan. Mabilis akong nagpumiglas, binitawan niya naman ako.

"Baby, calm down please." he said softly.

Umiling ako at hinayaan ang luhang tumulo. Malapit ang mukha niya kaya mabilis kong sinampal ang kanyang mukha. Kitang-kita ang pamumula ng pisnge, ngunit hindi siya nagalit. Tinanggap niya 'yon.

"Anong karapatan mong sabihin 'yon! Anong karapatan mong makiusap sa akin huh!" punong-puno ng hinanakit kong sabi.

Malumanay siyang tumingin sa akin. Dinuro-duro ko ang dibdib niya habang nagpupuyos na ako sa galit. Hindi ko maisip na gagawin niya 'to sa akin. Buong akala ko talagang magpapagawa siya sa amin ng damit pero ito pala ang kalalabasan. Pagkatapos ng lahat na nangyari sa amin, may lakas ng loob pa siyang magpakita sa akin. 

"I was broken because of you! I almost kill myself because of you! Ni hindi ka nakinig, hindi mo ako pinagbigyan na sabihin sayo ang lahat kasi ang taas-taas ng pride mo! Sa sobrang taas hindi mo kayang makinig sa akin! You close your fucking ears and let me in pain for hell! Ganoon ka bang lalaki, Rajik!? Sa ibang pagkakataon ba, ganoon din ang gagawin mo sa ibang babae ha!" I said enragedly. 

Lumapit pa rin siya at pilit akong inaabot. Umatras ako habang lumalayo sa kanya. Naninikip na ang dibdib ko dahil sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Talagang ilalabas ko ang galit sa kanya.

"Galit na galit ako sayo! Pero kahit ganoon ang ginawa mo, hindi ako nagmuhi. Hindi ako nagtanim ng galit sayo. Kapag mahal mo, hindi ka manlalamig at magagalit sa walang kasiguraduhan na rason. Kapag mahal mo, makikinig ka! Bakit minahal mo nga ba ako ha!?" singhal ko.

Mabilis siyang tumango at pungay na pungay ang mga tingin sa akin.

"Oo baby, mahal na mahal kita. Sobra kitang mahal." namamaos niyang sagot.

Hinampas ko ang kamay niyang muntik na akong mahawakan. Ayokong dumampi ang kamay niya sa akin dahil baka manghina ako kapag gawin niya iyon. Pinahid ko ang luha ngunit nagulat ako ng mabilis niyang niyakap ang katawan ko. Nagpumiglas ako, galit na galit dahil nagawa niyang yakapin ako ng walang kahirap-hirap.

"Shhh, calm down baby." he said while caressing my head.

I punch his shoulder, scourging his arms and shouting madly. Mahigpit siyang yumakap sa akin, sa pilit kong pagkawala bumagsak kami sa kama. Nasa ibabaw niya ako habang mahigpit pa rin na yakap. Hindi na ako makagalaw, kulong na kulong ang katawan ko sa kanya. Maging ang kamay ay unti-unti ng nanghihina habang tumutulo ang luha isa-isa. 

"G-gulong gulo ako noon. Hindi ko alam ang ginagawa mo. Naguguluhan ako tapos malalaman kong ganoon pala ang rason. Wala akong kasalanan pero bakit nadamay ako? Wala akong kinalaman pero bakit nagmumuhi ka sa akin?" I said brokenly.

Almuevo Series 2: Until Fall To You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon