Chapter 3

599 31 14
                                    

Chapter 3




Malayo pa lang ay kinuhanan ko na ng litrato ang isla. Sumalubong sa'min ang lupon ng mga coconut tree sa gitna ng Guyam Island. Ang unang isla para sa island hopping na napagdesisyunan naming gawin sa unang araw dito sa Siargao.

Tumalon ako pababa sa bangka nang makarating na kami sa pangpang.

"Ingat, baka madapa ka." Sumunod na tumalon si Josh. "Umiyak ka pa, hanapin mo pa si Tita."

Sinipa ko ang tubig para talsikan siya.

"Ingat ka din. Baka malunod ka, liit mo pa naman." Ganti ko sa kaniya at nauna na sa kaniya.

Nagtatago ang araw sa mga ulap at hindi nakakasunog ang init. Kinuhanan ko ng picture ang mga kasama naming hindi na rin magkamayaw sa pagkuha ng selfies at groupies.

"Dikit-dikit kayo! Kuhanan ko kayo dali!" Sigaw ko sa kanila.

Pinindot ko ang button bago sinuri ko ang mga kuha nila sa camera nang lumapit sa'kin si Josh.

"Sumama ka do'n para may picture ka din." Kinuha niya sa'kin ang camera.

Tumakbo ako at sumiksik sa pagitan ni Pablo at Ken.

"1,2,3...say bebe!" Josh clicked the button.

Lumapit ako kay Josh at tinignan ang mga kuha namin sa camera. Naiinggit ako sa nakasiksik na si Ken kay Josh sa unang kuha. Wala pa kaming picture ni Josh na magkasama dito sa island.

"Bunso!"

Napalingon ako sa kay Kuya nang tawagin niya ako sabay nang pagkuha niya ng picture sa'min ni Josh. Pareho kaming hindi handa kaya inulit niya ang picture.

Umakbay sa'kin si josh. My heartbeat raced. Sigurado 'kong imbis na ngiti ay nakangiwi ako sa picture na 'yon.

Lumayo ako nang bahagya kay Josh. I can't stand being an inch close to him. He's invading my personal space and slowly turning my world into his unconsciously. Nakakatakot at nakakabaliw.

"Tingin ako, Kuya." Sabi ko at lumapit kay Kuya para makalayo kay Josh.

Wrong move dahil lumapit din siya at halos magkapalit na kami ng mukha nang sumilip rin siya sa camera. Parang tatakbo na ang puso ko palabas sa dibdib.

Napatingin ako sa mukha niyang halos dumikit na sa mukha ko. He has no idea how he makes me crazy by being just Josh Cullen that he is. Mariin akong lumunok at umiwas ng tingin. Hindi 'yon naging sapat para kumalma ang kung ano sa dibdib ko. Lumayo ako sa kanila ni Kuya at lumapit sa kay Ken.

Kinuhanan ko siya ng picture habang inilalatag ang malaking blanket sa buhangin. Pagkatapos ay tinulungan ko si Stell na isalansan ang mga in-order naming pagkain sa mga restau na nadaanan kanina. Pass lunch na kaya kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mga ulam sa mga lalagyan.

"Kain na kayo!" Pablo shouted.

Lumapit ang lahat at nagtipon sa blanket. That is the thing about Pablo, he wants as all to keep our feet in the ground after all the achievement. Naka-angat na kami kahit papaano at sa pag-angat na 'yon, hindi kami papayag na may maiwan na isa.

Nagulat ako nang mag-abot sa'kin si Josh ng tissue.

"Ang kalat kumain ng bebe!" He baby talked.

Tumawa naman ang mga kasama namin. Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang bibig ko.

"Ikaw nga mukhang kalat," sabad ko.

"Mamaya na kayo magharutan, nasa harap kayo ng pagkain." Pagsasaway sa'min ni Ken. Ayaw kasi niya na may magulo kapag kumakain.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon