Chapter 31

608 27 6
                                    

Chapter 31
















Isa na nga akong ganap na hangin para kay Pablo. Kulang na lang ay tumagos ako sa katawan niya para lang iparamdam sa'kin na hindi ako nage-exist sa kaniya.

"Stop being so childish, John Paulo!" Si Stell na naiirita na rin.

Kanina paggising ko ay wala na si Josh sa tabi ko. I found Pablo on Josh's bed instead. Doon niya pala pinatulog si Josh sa kuwarto nila Stell at siya ang pumalit kay Josh sa kuwarto namin.

Ngayon naman ay pinasasabay niya ako sa service at siya roon sa kotse ni Josh. Obviously, Stell and Josh are against it. Nanatiling walang imik si Josh samantalang sumabog na ang inis ni Stell.

Hindi pinansin ni Pablo si Stell. Sa halip ay dumiretsyo na siya at sumakay na sa kotse ni Josh.

Stell cursed under his breath. His fist curled into a ball. Kaagad na pinigilan ko siya nang akmang susugurin si Pablo sa kotse.

"D-Doon na lang tayo sa service," kumbinsi ko sa kaniya.

Kaagad na lumambot ang ekspresyon niya.

"Ang bano ni Pablo. Nakakainis!" Huling sabi niya bago padabog na sumakay sa service.

Tinapik ni Ken ang balikat ni Josh at tinanguan ako bago sumunod kay Stell. Kami na lang ni Josh ang naiwan. Tinignan niya ako na parang humihingi ng tawad.

Ngumisi lang ako.

"Sige na." Taboy ko sa kaniya.

Hindi siya gumalaw sa puweso.

"I'm sorry for that," pagsusumamo niya.

I smiled to reassure him. "Sige na. Maraming nakatingin."

Hindi pa rin siya gumalaw. Ako na ang umatras at dahan-dahan lumapit sa service. Halos mapamura ako nang may magtanong na staff kung bakit hindi pa siya sumasakay. Nang makaupo na sa service ay tsaka lang kumilos si Josh. Tsaka lang ako nakahinga. Nahagip ng tingin ko si Stell na ngumuso at nakahinga na rin ng maluwag.

Alam na ni Pablo ang tungkol sa'min. It's now sinking in. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magpasalamat na hindi siya tumakbo at nagsumbong sa management para paghiwalayin kami. He is doing it in his own way. Kitang-kita naman.

Hindi lang ako ang hindi niya pinapansin. Pati si Stell ay hindi niya rin pinapansin. Si Stell pa na best friend niya. Paano pa 'ko na pabigat lang sa grupo niya? He can't even look at me. Even just a glance. Siguro nandidiri siya. It makes my heart ache. Pero wala akong magawa. Ginusto ko ito. Pinili ko si Josh at ang sarili ko. I must bear with the consequences.

"Sa labas tayo kumain, Jah," yaya ni Stell sa'kin.

Awtomatikong tumingin ako kay Josh.

Meeting namin ngayon para sa demo. Hindi nag-instruct si Pablo kaya mas mahirap para sa'kin ang pag-aralan ang kanta. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas, hindi niya pa rin kami kinakausap. Hindi rin siya sa'min sumasabay kumain pati sa pag-uwi.

"Okay lang sa'kin. Hindi niyo ba isasama si Pablo?" Tanong niya.

Natahimik ako sa gilid at inabangan ang sagot ni Stell.

"Bahala siya," kibit-balikat na sabi ni Stell.

Lumipad ang tingin ko kay Pablo. Gumapang ang hapdi sa puso ko. Tinignan niya lang si Stell. Nang mahuli ang tingin ko ay umiwas siya ng tingin at itinuon ang atensiyon speaker.

"Bakit hindi mo ayain, Stell?" Si Josh.

I know what he's doing. He's trying to push his luck. Kahit naman si Pablo ang leader, Kuya pa rin naming lahat si Josh. Kaya rin siguro kahit galit si Pablo ay civil siya kay Josh.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon