Chapter 11

518 24 6
                                    

Chapter 11










Sandaling natulala ako sa kaniya.

I surveyed him. Iba na ang suot niya sa suot niya kanina kaya siguradong nakauwi na siya. His face is a bit red, halatang naka-inom.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang makabawi.

Gusto kong ibalibag ang cellphone sa kaniya. Kanina pa siyang hindi nagrereply tapos pupunta rito nang lasing. Though he is not obliged to reply. Hindi naman kami para magreklamo ako.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinitigan niya lang ako. Nilabanan ko ang titig niya hanggang sa nauna siyang umiwas at yumuko.

"I-I'm sorry, Justin," he whispered.

Salubong ang kilay na lumapit ako sa kaniya. "Para sa'n?"

He stepped back. "N-No," pagpigil niya sa'kin. Lalong nagsalubong ang kilay ko. "Don't come near me. I can't stand an inch near you."

Nabato ako sa kinatatayuan.

He then faced me. Kitang-kita ko ang namumuong luha sa mata niya. Natulala na lang ako sa kaniya.

"M-Maniwala ka, I t-tried," he whispered directly looking to my eyes.

Umiwas ako nang tingin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. My pride can't take it. My heart can't take it.

Akal ko nitong mga nakaraan ay ayos na kami. Akala ko lang pala. Napilitan pala siya.

"Pumunta ka rito nang ganitong oras para sabihin 'yan?" I bite my lower lip to hold back my tears. "Umuwi ka na, Josh."

Umatras ako at akmang isasarado ang pinto nang hawakan niya 'yon.

"I want us to talk about this, Jah." Masigasig na sabi niya.

"Talk about what? Kung paano ako pinaasa sa tanginang mix signals mo?" Sumbat ko sa kaniya.

Umawang labi niya. He never heard me cursing him this much.

Ayaw kong isisi sa kaniya lahat. Kasalanan ko rin. Dapat nga ata magpalasamat ako na kahit paano ay sinubukan niya. But my damn heart is sinking. I can't just take the pain. Kailangan kong ilabas. Gusto kong magalit.

"Y-You are my friend, ayaw kitang saktan," halos bulong na sabi niya.

Natawa ako nang mapait. "I am clear with you since that god-damned Siargao trip. I don't want to be friends with you. I can't be just a friend to you!"

Umiwas siya nang tingin. Pasimple niyang pinunasan ang luha niya.

"Sinubukan ko, Justin—"

"Sana hindi na lang, Josh." Putol ko sa kaniya. "Pinaasa mo 'ko." My voice cracked. "Sana isinampal mo na lang sa'kin na wala. Na hinding-hindi."

"I'm sorry," he whispered.

Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. "Umuwi ka na." Sabi ko at sinara ang pinto.

Nanghihina na sumandal ako likod ng pinto.

Masyado akong nangarap. Akala ko talaga nandoon na. Akala ko totoo na. Naramdaman ko na, e. Patikim lang pala. Binitin lang ako.

I want to curse myself and my damn heart for fucking believing for something impossible.

Nanghihina na bumalik ako sa kama. I cried for a couple of minutes. Pagkatapos kumalma ay bumango ako at kinuha ang susi ng kotse. Nakainom siya pagkatapos ay magda-drive pa siya pauwi. I need to check if he's home.

Pagbaba ko ng parking lot ay naroon pa ang kotse niya. Lalapit sana ako para i-check kung naroon siya nang bumukas ang makina. Sinundan ko siya hanggang nasiguro kong nakauwi siya nang maayos.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon