Chapter 5

513 27 14
                                    

Chapter 5








"Wear your rash guard," si Josh habang pinapanood akong mamili ng susuotin.

"I won't go snorkeling. Mag horseback riding na lang tayo." Sabi ko at tinago ang rash guard pabalik sa maleta.

Bumuntong hininga siya.

"Kaya nga tayo nagbeach para mag-enjoy 'di ba?"

"We'll enjoy horseback riding." Pinal na sabi ko.

Later this morning, Alliyaah and Jasmine recommend snorkeling activity. Dahil girlfriend ni Ken si Jasmine, wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag. Dahil nagugulo na ang itinerary ng grupo, staffs let us decide what activities we should do. Nanguna pa si Josh na isabak ako sa snorkeling kasama nila Ken.

"Gusto mo mag-snorkel," sabi niya.

Tumayo siya sa kama niya at kinuha ang rash guard sa maleta ko.

"Ayaw ko, Josh." Pinal na sabi ko.

"Sabi mo gusto mo mag-snorkel at mag-dive."

Binalik ko ang rash guard sa maleta. "Ayaw ko na gawin."

"Don't make me feel guilty, Justin."

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at humarap sa kaniya.

"Hindi gano'n 'yon, Josh—”

"Nagi-guilty ako, Justin." Pagpuputol niya sa'kin. "We came here to enjoy. Hindi ako mag-eenjoy panoorin ka na napipilitang samahan ako."

Kung alam mo lang how happy I am being with you. I don't have the guts to say that.

"Why don't you try learning swimming, Josh?" I said instead.

"Balak ko na rin 'yan para hindi na ko parang linta na kapit nang kapit sa'yo kapag may swimming."

I don't mind though. Sabi ko sa isip.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang rash guard sa maleta. Buong gabi ko pinag-iisipan kung ano ba ang dapat kong gawin. Kahit gaano ko pa kagusto si Josh wala akong balak na aminin 'yon sa kaniya at gumawa ng paraan para gustohin niya 'ko pabalik.

I already admit that I like him. By now, I will just let the time and circumstances to fade this feelings. Hindi ako magkukunwaring hindi naiinggit at nagseselos. Pero wala rin akong gagawin.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Josh nang makapag-bihis.

"Sasama 'ko kay Stell at Pablo sa Sports Facility," sabi niya habang inaayos ang buhok niya.

Naiiling akong lumapit at kinuha ang blower sa kaniya.

"Surfing tayo bukas?" Tanong ko dahil 'yon naman talaga ang plano dapat namin ngayon.

He was about to answer when we heard knocks. Sumungaw sa pinto si Ken. "Tara na, Jah."

Binigay ko ulit ang blower kay Josh. "Magkita tayo mamaya."

Humarap siya sa'kin. "Enjoy. Ingat!"

I don't know if it's just me or it is Alliyaah being so clingy with me today. Porque ba wala si Josh dito ay sa'kin siya kakapit? But I can't deny the fact that I enjoy diving. I will surely comeback here. Sana ay kasama ko si Josh no'n at makita niya rin ang mga buhay na buhay na reefs at mga isda sa Seeco.

Tumalon ako sa bangka at inilahad ang palad ko kay Alliyaah. Ken also did what he need to do with Jasmine.

Inabot sa'kin ni Alliyaah ang camera. "We should go and change muna before we eat."

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon